I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 11: Chapter 11

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 11 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 11: Chapter 11. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie POV
NATAPOS ang tadlong oras ko sa pananatili dito sa hospital ay naisipan ko nang magpa alam sa kapatid ko.
Kahit pa naman gusto ko maki pag usap sa kanila ng matagal ay hindi na puwede, dahil sa tapos na ang tadlong oras na binigay sakin ni señorito.
Kanina pa umalis si spencer at sethrix. tinignan lang sandali ni sethrix ang kapatid ko kung wala ba itong nararamdaman na sakit ngayon, at pagka tapos nun ay agad naman silang umalis.
"Ate aalis kana po ba?" Napatingin naman ako sa kapatid ko ng nag tanong ito dahil sa nakita nito ang pag tayo ko sa kina uupuan ko.
"Ahmm Oo tan kasi may gagawin pa si ate e" pilit ngiti kong sagod sa kanya, at napatingin kay ell na ngayon ay nakikinig lang samin.
"Hindi po ba puwede ate tumagal kapa dito kahit dalawang oras pa po?" Malungkot nitong tanong sakin.
Kahit na gustuhin ko man pag bigyan ang kapatid ko ngayon pero hindi puwede kasi baka magalit din si señorito.
"Kahit gusto ko man, kaso baka magalit si señorito" malungkot kong sagod sa kanya at hinawakan ang magka bilaan niyang pisngi.
"Pero wag ka mag alala pag nagka oras ulit si ate dadalawin kita agad dito, nang mas matagal pa" nakangiti kong saad para gumaan ang loob niya kahit paaano.
"Pangako yan ate huh?" Nakangiti nitong paniniguradong tanong.
"Pangako" nakangiti kong sagod sa kanya at pinisil ng mahina ang ilong niya.
"I love you ate yen. mag iingat ka po palagi huh" saad nito at agad akong niyakap ng mahigpit. napangiti naman akong gumanti sa yakap niya at hinalikan ang ulo niya bago guluhin ang kanyang buhok.
"I love you too tan- tan ko" saad ko sa kanya.
"Aalis na si ate huh? Dapat magpa lakas ka at kumain ng marami, palagi makikinig kay ate ell mo at mama fe. pag pinapakain ka nila ng mga mas makakabuti sayo kainin mo yun okey?" nakangiti kong pag-alala sa kanya.
"Opo ate" nakangiti nitong sagod sakin at tumango-tango. hinalikan ko naman ito sa nuo niya bago balingan ng tingin si ell.
"Aalis na ako" saad ko kay ell ng tumayo ito.
"Hatid na kita sa labas. may itatanong lang ako" saad nito sakin. kahit na naguluhan sa sinabi niya ay tumango na lang ako.
lumabas naman na kami at nakita ko ang pag sera nito sa pintuan bago ako hilahin palayo sa pinto. na parang ayaw ipakinig sa kapatid ko ang pag uusap namin ngayon.
"Sabihin mo nga sakin, pinapahirapan kaba dun?" Seryoso nitong tanong, ngunit halata sa mukha niya ang pag alala.
"Hindi. bakit mo natanong yan?" Sagod ko sa kanya.
'Hindi naman ako nahihirapan dun. Nahihirapn ako sa takod kay señorito' yan sana ang gusto ko isagod kaso wag na dahil ayokong mag alala si ell.
"Sigurado kaba? baka naman nag hihirap ka dun tapos nag titiis ka lang?" May pag-alala nitong tanong sakin. ngumiti naman ako sa kanya para naman maiwasan na ang pag alala niya sakin.
"Sigurado ako ell, kaya wag kana mag alala sakin dahil pag hindi ko kaya yun ay aalis naman agad ako" nakangiti kong saad sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun. basta mag iingat ka dun huh" nakangiti nitong saad sakin at agad akong niyakap.
"Oo naman" nakangiti korin saad at niyakap rin siya pabalik.
"Paano aalis na ako huh" saad ko ng lumayo na ako sa yakap niya.
"Sige mag iingat ka" nakangiti nitong saad, kaya naman tumango na lang ako nakangiti sa kanya bago tumalikot at nag lakat na papalayo.
Habang nag hihintay ng taxi sa labas ng hospital ay bigla naman tumunog ang selphone ko hudyat na may nag text.
Kinuha ko naman agad ang selphone sa loob ng bulsa ko. nag taka naman ako ng unregister ang number nag text sakin.
'where are you?'
Yan agad ang nabasa ko, napakunot nuo naman ako dahil sa naguluhan ako kung sino man ang nag text nito. pero agad rin akong kinabahan ng tumunog nanaman ito.
'd*mn where the f*ck are you? Reply me asap'basa ko sa text niya at dun ko lang napag tanto na si señorito pala Ito. pero paano niya nalaman ang number ng phone ko?
Paano ko siya rereplayan nito e sa bago lang nag expired ang load ko? ang malas naman bakit ngayon pa. mukhang wala nanaman sa mood si señorito.
"Yen!" napatingin naman ako sa harap ko ng may biglang tumawag sa pangalan ko, at dun ko nakita si spencer na kababa lang sa kotse niya at patakbong pumunta sa harap ko.
"Pauwi kana ba? Hatid na kita" nakangiti nitong tanong sakin at saad ng makalapit siya sa harap ko.
"Huh? Amhm, e ano kasi" kinakabahan at hindi matuloy-tuloy kong sagod sa kanya.
Paano to? Paano ko sasabihin sa kanya na hindi puwede, dahil pag nakita kami ni señorito magagalit yun. at iisipin nanaman ng madumi niyang utak na nilalandi ko ang kaibigan niya.
"may pupuntahan kapa ba? kung ganun hatid na kita. don't be shy, wala naman akong gagawin ngayon" nakangiti nitong pagpapa liwanag sakin.
"Wala naman. pero kasi- ano" nahihiya kong pag saad sa kanya at napa kamot pa sa ulo dahil hindi ko alam kung itutuloy ko ba.
"Hali kana yen. alam kong nahihiya ka lang" saad nito sakin at agad na lang akong hinila papasok sa kotse niya na kinagulat ko.
Hindi naman ako nakapag salita dahil sa agad na lang ito pumasok sa driver site at basta na lang pinaandar ang sasakyan niya.
"Are you okey? you're pile. don't be scared ihahatid lang naman kita wala naman akong gagawin na masama" saad nito sakin bago ako balingan ng tingin pero agad rin binalik ang paningin sa daan.
Agad naman akong nakonsensiya na baka iniisip niya ay nag iisip ako ng masama. pero ang totoo naman yun ay natatakot ako na baka makita kami ni señorito at magalit sakin kaya ako kinakabahan ngayon.
"Hindi sa ganun. salamat pala pero puwede sa labas ng sabdivition mo na lang ako ibababa" pilit ngiti kong saad sa kanya na kinakunot ng kanyang nuo pero agad rin naman ngumiting nakangisi.
"Okey. kung yan ang gusto mo" nakangiti nitong sagod sakin.
Nakarating naman agad kami sa labas ng sobdivition kaya ngumiti akong humarap sa kanya at handa ng magpa salamat.
"Salamat spencer sa pag hatid sakin" nakangiti kong pagpapa salamat sa kanya.
"Wala yun" nakangiti rin nitong saad.
"Sige salamat ulit. Mag iingat ka sa pag dri-drive mo" nakangiti kong saad ulit sa kanya. tumango naman itong nakangiti sakin kaya naman ay napag isipan ko nang lumabas. hinintay ko naman itong makaalis bago ako pumasok sa loob.
Hindi pa naman ako nakakatalikod ay may huminto ng itim na sasakyan sa harap ko. nagulat naman ako dahil ng makilala ko ang taong nasa loob.
"Señorito" bulalas kong saad nang makita ko ang nag didilim nitong mukha na para bang kanina pa siya jan.
"Pasok" tipid nitong saad at hindi man lang tumingin sakin at ramdam ko sa boses nito ang galit.
Kahit na kinakabahan ay pumasok naman agad ako at agad niya naman pinaandar ang sasakyan papasok sa loob na hindi man lang nag salita.
Tadlong minuto lang ang tinagal nang makarating kami sa harap ng mansiyon niya, kinakabahan naman akong lumabas sa kotse dahil galit niyang sinerado ang pintuan ng kotse niya ng makalabas siya.
Dere- deretyo naman itong pumasok sa loob ng mansiyon, kaya naman agad akong sumunod sa kanya na kinakabahan.
"Clean my room" galit nitong saad bago dumeretyo sa taas. kinakabahan ko naman binaba ang bag pack na suot sa sofa bago sumunod sa kanya.
Nanginginig naman akong pumasok sa loob ng kwarto niya at nakita ko naman ang kalat. mga papel, bote na nabasak at baso.
Napapitlag naman ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na pag serado ng pinto at ang pag lock nito, kaya naman kinakabahan na humarap ako dun at dun ko nakita ang galit na mukha ni señoritong nakatingin sakin.
"Señorito" kinakabahan kong bulalas.
"I told you to stay away from my friend right?" Galit nitong saad sakin.
"Opo. pero señorito hinatid niya lang po ako" kinakabahan kong sagod sa kanya. napaatras naman ako ng konti dahil sa lumapit ito sakin.
"Hinatid? Really. baka naman kanina pa talaga kayo mag kasama" malamig nitong saad sakin.
Ano bang nangyayari sa kanya? bakit parang galit na galit siya pag kasama ko ang kaibigan niya? sa tingin niya ba nilalandi ko kaibigan niya at pera ang habol ko dito Kaya nag kakaganyan siya.
"Hindi po señorito. mali po ang iniisip mo" kinakabahan kong saad.
"Mali? anong mali e sa nakita ko na nga na magka kasama kayo. ganyan kaba kadisperada magka pera pati kaibigan ko nilalandi mo. how sl*t you're" saad nito sakin kaya naman dahil sa sinabi niya ay hindi namamalayan na agad ko na pala siyang nasampal.
"Ano ang karapatan mo para sabihin sakin yan? Oo mahirap ako pero hindi ako malandi gaya ng iniisip mo" pilit na tinatapang kong saad sa kanya. nakita ko naman ang gulat sa mata niya.
"Sobra kana señorito, ano bang kasalanan ko sayo para sabihin mo sakin yan" dagdag na saad ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pag ngisi nito sakin at unti- unting lumalapit, kahit na kinakabahan ay pilit ko parin pinapa tatag ang sarili.
"Now you have a nerve to talk to me like that? still remember this I'm maximo lusero well know as a billionaire man. then you, you're a weak and poor woman" walang emosiyon nitong saad sakin habang tinatangal ang necktie niyang suot.
"Oo mahirap lang ako pero may dignidad parin naman akong natitira sa sarili ko" lakas loob kong saad sa kanya.
"Really huh. anong silbi ng dignidad mo pag pera at pangalan ko na ang gumalaw?" nakangisi nitong saad sakin habang tinatangal ang botones ng pollo niya.
Sa puntong to ay ang natitira kong lakas ng loob ay nawala na nang pag- asa dahil ang nakikita kong señorito ngayon ay mas lalo pang naging mabagsik.
"Señorito ano pong binabalak mo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya at lalo pang umatras, pero nagulat na lang ako ng napaupo na ako sa kama. agad naman akong tumayo at tatakbo na sana sa pintuan ng agad niyang nahawakan ang pala pulsunan ko at agad akong hiniga sa kama at pumatong sakin. hinawakan niya naman ng mahigpit ang dalawa kong kamay at tinaas sa uluhan ko.
"Pare- pareho lang kayo" nag liliyab sa galit nitong saad sakin at mariin na nakatingin sa mata ko.
Dahil sa sinabi niya ay bigla ko na lang naalala ang sinabi ni nanay sita sakin. tungkol sa dalawang babae sinabi sakin ni nanay sita.
"Hindi kami magka pareho ng iniisip mo. may kanya- kanya tayong pag uugali kaya hindi kami magka pareho" matapang kong saad sa kanya at pilit na umalis sa pagkaka higa sa kama niya, na lalong kina liyab sa galit ang mukha niya.
"No. pare- pareho lang kayo. kung gusto mo pala ng pera ibibigay ko sayo pero kukunin ko din ang gusto ko ngayon" galit nitong saad sakin, naguluhan naman ako sa sinabi niya. nagulat naman agad ako dahil sa biglaan nitong pag halik sa leeg ko.
"Señorito ano ba tumigil kana po" kinakabahan kong saad sa kanya nang marahas nitong hinahalikan ang leeg ko.
Sobra- sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil para siyang demonyo.
"Don't stop me" galit nitong saad at lalo pang hinigpitan ang pagkaka hawak sa kamay ko dahil pilit ko iyun tinatangal.
"Pakiusap señorito tumigil kana po--- ahhh!" Napasigaw naman ako sa gulat ng bigla niya na lang pinunit ang damit kong suot. agad na sana ako aalis dahil sa hindi niya na hawak ang mga kamay ko pero agad niya rin ako naabutan at binalik sa pagkaka higa sa kama at agad akong hinalikan sa labi ng mapusok.
Dahil sa ginawa niya ay tuluyan nang kumawala ang luha kong kanina ko pang pinipigilan. dahil ang pinapangarap kong unang romantikong halik ay naging dahas lang.
"Se-- ñorito pakiusap tumigil kana po, wag mong gawin sakin to maaawa ka" humihikbi kong pakikiusap sa kanya ng hinalikan niya ulit ako sa leeg at marahas ang pag halik niya dun.
Nawala ako ng pag- asa dahil parang bingi lang siya at hindi nakikinig sa paulit-ulit kong pakiusap sa kanya.
"Se--ñorito" humihikbi kong pag tawag sa kanya at hinihiling na sana ay matauhan na siya.
Tumigil naman ito sa pag halik sakin at tinitigan ang mata kong luhaan.
"Maawa ka" humihikbi kong saad sa kanya na sinalubong ang nag liliyab niyang mata at wala namang digil sa pag landas ang mga luha ko.
"F*ck" bulalas nito at agad tumayo at lumayo sakin.
Agad naman akong umupo sa kama na panay ang hikbi at agad tinakpan ng kumot ang kita ko nang dibdib. lalo naman akong umiyak sa takod ng maalala na muntik niya nang gawin ang binabalak niya.
Nakayuko naman akong umiiyak at mahigpit na hawak ang kumot na tinakpan ko sa dibdib ko, ramdam ko ang panginginig ng mga kamay at parang mauubusan ako ng hininga dahil sa takod.
"I'm sorry" napapitlag naman ako sa gulat at agad lumayo ng marinig ko ang boses niya. napaangad naman ako ng tingin sa kanya at wala na ang nag liliyab na galit nitong mga mata, napalitan na nang awang nakatingin sakin.
"D*mn I'm so sorry" saad nito at agad lumapit sakin at agad akong niyakap ng mahigpit na lalong kinaiyak ko, dahil ramdam ko ang pagsisi dun.
"Bakit mo ba ako ginaganito?" Humihikbi kong saad nauubusan na ako ng hininga dahil sa kakahikbi ko. ramdam ko ang mas lalo niyang pag higpit ng yakap sakin at mabibigat niyang pag hinga.
" I'm sorry. I'm really sorry" saad nito sakin ramdam ko ang biglang pang hihina ng katawan ko. dahil siguro ito sa pagod at takod.
"Promise I will never hurting you again" huling rinig na saad ko bago ako tuluyan nawalan malay.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 11. Continue reading Chapter 12 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.