I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 15: Chapter 15

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 15 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 15: Chapter 15. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie: POV
LUMIPAS ang ilang araw ay napag isipan ko nang bumalik sa mansiyon at ituloy ang trabaho na iniwan ko, mabuti naman na ang kalagayan ng kapatid ko at sa susunod na linggo ay makakalabas na siya. dahil yun naman ang sabi ni señorito sakin na alagaan ko daw muna ang kapatid ko. hindi ko alam kung bakit bigla atang naging mabuti ang trato sakin ni señorito, siguro ay dahil ito sa nangyari samin na kinatakod ko ng sobra.
"Nanay sita!" Nakangiti kong pag tawag pansin kay nanay sita na ngayon ay nag didilig ng halaman. tumingin naman ito sakin at ngumiti kaya naman ay lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap. namiss ko din si nanay sita, nung isang linggo pa siya nakauwi at sinabi ko na sa kanya ang nangyari sa kapatid ko.
"Nako yen bakit nandito kana? Dapat nandun ka sa kapatid mo" saad nito sakin ng bumitaw ako sa pag yayakapan namin dalawa.
"E nahihiya na po kasi ako kay señorito baka sabihin nun inaabuso ko na yung pag papalagi dun sa hospital" nahihiya kong sagod.
"Hayy nako ija maiintidihan naman iyun ni señorito dahil inaalagaan mo ang kapatid mo dun" napapailing nitong saad sakin at nag simula ulit pag dilig ng halaman.
"Okey naman na po ang ng kapatid ko nanay sita at sabi ni doctor Sethrix ay makakalabas na siya sa susunod na linggo" masaya kong saad kay nanay sita dahilan na mapa baling ang tingin nito sakin at ngumiti.
"Masaya ako para sayo ija kasi magaling na ang kapatid mo at wala kanang pro-problemahin" nakangiti nitong saad sakin. kaya naman ay tumango- tango akong ngumiti kay nanay sita.
Ang saya ng pakiramdam ko dahil sa wakas ay magaling na ang kapatid ko, bumaon man ako sa utang pero napagaling naman ang kapatid ko.
"Oo nga po nanay ang saya po ng pakiramdam ko na magaling na ang kapatid ko. yun lang naman po ang hinihiling ko noon na gumaling ang kapatid ko, kahit na baon man po ako sa utang pero masaya po ako dahil buhay, masigla, magaling at walang nararamdaman na kahit anong sakit ang kapatid ko" nakangiti kong lintaya sa kanya dahilan na lalong kinalaki ng ngiti nito.
"Ang bait mo talagang bata ka, hayy hindi na ako mag tataka kung bakit bigla nag bago ang ihip ng hangin" nakangiti at maka hulugan nitong saad sakin. pero sinawalang bahala ko na lang iyun at nag tanong na lang dahil sa hindi ko nakita ngayon si señorito, huling kita ko sa kanya ay dun pa sa hospital.
"Nanay sita nasaan nga po pala si señorito?" Nag tataka kong tanong kay nanay sita.
"Nako busy ang batang iyun wag kanang mag taka dahil nandun na sa companiya niya at may pinag kakaabalahan, dahil sa hindi umuwi kagabi" sagod nito sakin at pinatay na ang gripo at agad nilagay sa gilit ang host na ginagamit sa pang dilig ng mga halaman.
"Ahh ganun po ba.. Lilinisin ko na lang po yung mga kwarto sa taas nanay" nakangiti kong saad sa kanya at sabay na kaming pumasok.
"Ako na lang ija alam kong pagod ka. kakaalis mo lang dun sa hospital tapos mag sisimula kana ulit mag paka pagod" Napapailing nitong saad sakin.
"Hindi naman po ako pagod nanay sita kaya ko po yun. dapat nga po ikaw muna ang magpa hinga at ako na lang muna ang bahala sa gawain dito" nakangiti kong saad sa kanya.
"Hayy nako. ohh siya ikaw na lang ang mag linis dun sa kwarto kung gusto mo talaga. wag mo lang akong pagpa hingahin dahil hindi ako sanay pag walang ginagawa" Saad nito sakin kaya naman napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi ni nanay sita.
"Opo. sige po nanay sita magpapalit lang ako ng damit" nakangiti kong saad. tumango na lang ito sakin kaya naman ay agad na akong pumunta sa kwarto namin ni nanay sita at nag palit ng pang kasambahay na damit.
Pagka tapos kong mag palit ng damit ay agad na akong lumabas at kinuha ang mga gagamitin pang linis at dumeretyo na sa mga kwartong lilinisin ko.
Pagka tapos kong linisan ang dalawang kwarto ay ang sunod ko naman nilinis ang kwarto ni señorito. binuksan ko naman ang pinto at agad ng pumasok sa maaliwalas na kwarto ni señorito, hindi ko maintindihan kung bakit pa ako mag lilinis dito e sa malinis naman. para lang ako nag hahanap ng walang dumi.
Napatingin naman ako sa maayos na kama at bigla ko na lang naalala ang pangyayaring nangyri nung nakaraan. yung pang iinsulto niya sakin, hindi ko alam dapat makaramdam na ako ng galit pero wala e. parang sinasabi ng puso ko na 'okey lang yan mag babago din ang lahat'.
Napa buntong hininga naman ako bago nag simulang mag linis. inuna ko muna ang pag tangal ng kurtina sa bintana at nilagay na sa basket at agad ko naman nilinis ang banyo. Pagkatapos nun ang sunod naman ang pag walis ng sahig at pag mamap. pagka tapos ko gawin yun ay agad naman ako lumapit sa closet at pumasok roon at inayos ang mga damit at gamit ni señorito.
Sa lahat ng mga gusto kong linisin ay ang higteck niyang closet, bukot kasi maganda sa mata ay mabango din siya.
Inayos ko ang ibat- ibang klaseng sapatos at mga toxidong damit, necktie, pollo at iba pa na hindi ko alam kung saan niya ginagamit.
Napatigil naman ako sa pag aayos ng mapa dako ang tingin ko sa isang itim na box, may kalakihan ito. napa kunot nuo naman ako dahil sa ilang beses na ako nag aayos dito ay ngayon ko lang to napansin.
Lumapit naman ako dito at agad siya kinuha bandang sa ibaba ng maliit na aparador. binuksan ko naman ito at agad bumungad sakin ang mga pictures. napangiti naman ako dahil sa baby pictures na nakikita ko, tinignan ko pa ang iba at napag tanto ko na si señorito pala ito nung bata pa siya. napapangiti naman ako habang tinitignan ang mga pictures dahil sa ang cute pala ni señorito, dito sobrang saya niya walang- wala sa ngayon na seryoso lang.
Isang beses ko lang naman nakita si señorito na ngumiti nung lasing siya.
Sa tuloy- tuloy na pag tingin ko ay nakita ko na may kasama na siya sa larawan, magka mukhang- magka mukha sila. sigurado ako ito ang ama ni señorito, ang sweet nila ditong mag ama. ang sunod naman na larawan ay may kasama nang babae na sigurado akong ito ang ina niya nalungkot naman ako sa naiisip na 'sana nag karoon din kami ng family picture' sambit ko habang patuloy na tinitignan ang mga larawan.
Napahinto naman ako sa mga sunod na picture dahil sa nakita ko ang masayang magka yakap na mag kasintahan sa picture na ito. ibang- iba sa ngayon na seryoso ang mukha, samantalang dito ang laki ng ngiti na mapapaamo ka pag nakita mo ito sa personal.
Ang ganda ng babae para siyang diyosa ng kagandahan, bagay na bagay sila. parang ito ata ang kasintahan ni señorito? 'Pero nasaan na sila ngayon?' napapaisip kong tanong sa sarili habang patuloy na pinag mamasdan ang mukha ni señorito na ang laki ng ngiti niya.
"What are you doing here?" Bigla naman akong nataranta ng marinig ko ang boses ni señorito sa likot ko. napatingin naman ako sa kanya na gulat at nakita ko nanaman ang walang emosiyon nitong mukhang nakatingin sakin. napakunot naman ang nuo nito ng tumingin ito sa hawak ko dahilan ng pag kaba ko.
"D*mn. Bakit hawak mo to?" may inis sa boses nitong tanong sakin at agad kinuha ang box na hawak ko.
"Sorry po señorito" kinakabahan kong saad. Kung bakit ba naman kasi ginalaw ko iyun?!
"Get out" nag titimpi nitong saad sakin habang mahigpit na hawak ang box at hindi makatingin sa mga larawan na naroon.
"So--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang itong sumigaw.
"Get out!" Sigaw nito sakin at madilim ang tingin nakatingin sakin dahilan na napayuko ako at agad napa kagad labi para pigilan ang umiyak dahil sa gulat sa pag sigaw nito sakin.
Agad naman na akong umalis sa harap niya at agad nang lumabas sa kwarto niya habang pinunasan ang luha sa pisngi dahil sa biglaan pag bagsak ng luha ko roon.
'Dapat kasi hindi ko na iyun ginalaw para hindi ako pinagalitan at sinigawan' pag sesermon ko sa sarili habang bumababa na sa hagdan at dumeretyo na sa kusina para uminom ng tubig dahil sa kabang nararamdaman ko.
NAPABUNTONG hininga naman ang binata ng mapag tanto niya ang pag sigaw sa dalaga. hindi niya napigilan ang sarili na magalit matapos makita ang mga larawan na matagal na niyang pinapa tapon kay manang sita dahil ayaw niya nang makita ang mga ito. pero nagulat na lang siya dahil hawak ng dalaga ito at hindi pa tinapon ni manang sita na matagal niya nang sinabi dito.
Agad niya naman itong tinapon sa kung saan bago sumandal sa pader at patingalang napabuntong hininga dahil sa ala- alang sumagi sa kanyang isip, na matagal niya nang binura.
"Marga please don't leave me" nag mamakaawang at umiiyak na saad ng binata habang hinawakan ang kamay ng dalaga na ngayon ay walang awang nakikita sa binata.
"Ano ba maximo! Diba sinabi ko na sayo hindi na kita mahal. I'm breaking up with you, palayain mo na lang ako.. Mas mahal ko yung trabaho ko sa Singapore, hindi naman porket mahal kita isusugal ko na yung trabaho ko. nakakasakal ka mahalin alam mo ba iyun? Gusto mo palagi na lang sayo nakatuon ang atensiyon ko" mahabang lintaya ng dalaga sa binatang umiiyak habang nakatingin sa kanya.
Bigla naman nag bago ang emosiyon ng binata matapos marinig ang katagang lumabas sa labi ng dalaga.
"Nakakasakal? mahal lang kita marga. pero kung mahal mo ako makukuntento ka at hindi ka masasakal sa pag mamahal na binibigay ko sayo" saad nito at deretyong nakatingin sa mata ng dalaga na ngayon ay naguguluhan sa sinabi nito sa kanya.
"O kaya ka nasasakal sa pag mamahal ko dahil may iba kanang mahal?" tanong ng binata ng hindi man lang naka pag salita ang dalaga. hinuhuli ng binata ngayon ang dalaga kung aamin na ba sa matagal nitong pag loloko sa kanya. matagal niya nang alam na niloloko siya ng dalaga at ilang ulit niya nang nakita itong may kasamang lalaki. pero nagpa kat*nga siya at pinilit na lang mag bulak- bulagan, dahil sa mahal niya ang dalaga at hindi niya kaya ang wala ito.
"What do you mean?" tanong ng dalaga pero halata sa boses nito ang kaba.
"Hindi naman talaga trabaho ang pupuntahan mo sa singapore, kundi yung lalaki mong nag hihintay sayo dun diba?.. Oo matagal ko nang alam, at ilang beses ko narin kayo nakita na magka sama. pero nag bulak-bulagan ako marga dahil sa mahal kita.. kaya gusto ko sakin lang nakatuon ang atensiyon mo dahil alam kong may kahati ako sa pag mamahal mo.. Hinintay ko na umamin ka sakin marga, pero wala e tinuloy mo yung relasiyon niyo habang tayo pa, at ako naman tinuloy ko yung relasiyon natin habang patuloy na nag bubulak- bulagan" mapait at nasasaktan sa bawat lintaya na sinasabi niya at may luhang bumagsak sa pisngi niya.
Habang ang dalaga naman tuluyan nang napaiyak dahil sa mga narinig.
"I'm sorry maximo sa pag sisinungaling ko sayo, hindi ko alam kung paano sasabihin sayo nung mga oras na iyun. dahil sa natatakot ako sa mararamdaman mo, Kaya tinuloy ko ang relasiyon natin. pero ngayon alam mo na palayain mo na lang ako. siya talaga ang mahal ko. I'm sorry" umiiyak na saad ng dalaga bago tumalikot at nag lakat papalayo sa binata na ngayon ay hindi makapa niwala sa mga salitang lumabas sa bibig ng dalaga.
Nanlulumo siyang napasandal sa kotse at tuloy- tuloy sa pag bagsak ang luha niya habang paulit-ulit iyun pumapasok sa kanyang utak ang mga sinabi ng dalaga.
Sa mga oras na iyun lahat- lahat nang sakit na pinag- daanan niya simula pa sa kanyang ina ay nag halo- halo sa kanyang utak, kaya sa gabing din iyun pinangako niya sa sarili niya na kahit kailan hindi na siya iiyak para sa babae at hindi mag hahabol dito, kundi sila na ang mag hahabol sa kanya.
NAGISING naman ako dahil may narinig akong ingay na nangagaling sa kusina. napaupo ako at agad tinignan ang orasan sa side table ng kama. tinali ko naman ang buhok ko pagka tapos ko makita ang oras. alas tress na nang madaling araw kaya naman ay nag tataka talaga ako sa narinig na ingay.
Lumabas naman ako sa kwarto at agad pumunta sa kusina. dahan- dahan ko naman binuksan ang pinto at agad binuksan ang ilaw. agad naman bumungad sakin ang basak na baso na kinataka ko kung sino ang nakabasak dahil sa wala naman akong nakitang tao at lalong-lalo na wala naman pusa dito.
Napapailing ko naman winawalis ang basak na baso at agad nilagay sa basurahan. pagka tapos ko gawin iyun ay agad ko nang pinatay ang ilaw at lumabas na sa kusina.
Nag lakat naman ako para bumalik sa kwarto pero agad rin napatigil dahil sa bultong nakatayo sa labas ng garden. tinitigan ko ito ng mabuti dahil sa madilim ng konti sa kinatatayuan niya, kita lang naman dito dahil glass ang pader.
Nang hindi ko talaga makilala ang tao na nasa labas ay agad akong dahan-dahan na lumapit dun dahil sa kaba. baka kasi masamang mag nanakaw to at gusto pa muna magpa hangin sa garden 'hayss ano ba tong iniisip ko? kalokohan nanaman!'
Agad naman akong lumabas at napahinto rin nang makilala ko na kung sino ang nakatayo habang nakatingala sa kalangitan na mukhang uulan pa ata.
"Señorito" pag sambit ko dahilan na mapatingin ito sakin. Hindi ko alam kung totoo ba tong nakikita ko sa mata niya na lungkot ang nararamdaman sa oras na to?
"Bakit gising kapa po señorito?" Pilit na hindi mautal kong pag tatanong sa kanya at lumapit na sa tabi niya dahil umiwas na ito nang tingin sakin.
"Bakit ikaw gising kapa?" Tanong nito pa balik habang tumunga sa baso niyang hawak, sa pag kakalam ko wine ang tawag sa itim na iniinom niya ngayon.
"A, e may narinig po akong ingay sa kusina kaya po nagising ako" sagod ko sa tanong niya.
"Sorry for that" malamig nitong saad sakin, alam ko ang tinutukoy niya dahil ata ito sa pag basak niya sa baso. e sa kanya naman din yun bakit naman siya nag so-sorry.
"Ayos lang po" naisaad ko na lang at tumingin din sa kalangitan. ano naman kaya ang tinitigan niya dito ang dilim nga e wala naman bituwin O buwan man lang dahil parang uulan pa ata.
"Ayos ka lang po ba señorito?" hindi ko alam kung bakit bigla na lang iyun ang lumabas sa bibig ko.
"Why? Look like I'am not?" Tanong nito pabalik sakin. bakit ba ang hilig niyang mag tanong pabalik hayss?
"Opo. nakikita ko po sa mata mo hindi ka okey" malungkot kong saad sa kanya at deretyo siyang tinitigan sa mata at ganun din naman siya.
"No-- Of course I'm okey" saad nito sakin at umiwas sa titig ko.
" alam mo po ba señorito na naniniwala ako na mahina daw po ang isang tao pag hindi umiiyak?" nakangiti kong saad sa kanya dahilan na mapatingin ito sakin na nakakunot ang nuo.
"What do you mean by that?" Malamig at nakakunot nuo nitong tanong sakin.
"Kasi po pag umiyak ka at nasasabi mo yung problema mo ay matapang ka. pero yung hindi ka umiiyak at hindi nasasabi ang problema, ay sila po yung mahihina. Dahil natatakot silang umiyak at ilabas yung sakit dahil sa pinipilit nila yung sarili nila na matapang sila at kaya nila yung bigat nang nararamdaman nila" malungkot kong lintaya sa kanya at ngumiti ng tipid sa harap niya.
Hindi naman ito nakapag salita dahil sa sinabi ko at tinitigan lang ako na para bang natamaan sa sinabi ko.
Ininom naman niya ng isang lagok ang laman sa baso bago umiwas ng tingin sakin. bigla naman akong kinabahan dahil sa nakikita ko na gusto niya nang basagin ang hawak niyang baso, Dahil kita ko ang pag labas ng ugat nito sa kamay dahil mahigpit niyang hawak ito.
"Pasensiya na po sa sinabi ko señorito" kinakabahan kong saad sa kanya. bigla naman itong napatingin sakin at bigla na lang naging maamo ang mga mata nito ng tumitig ito sa mga mata ko.
bigla naman akong napatingala ng unti- unti nang pumapatak ang ulan sa balat ko.
Napangiti naman akong napatingin kay señorito. siguro ito na yung oras na mailalabas ang bigat sa dibdib niya. alam ko na kahit hindi man niya kayang sabihin sa iba ang problema niya ay ramdam ko na may pinag dadaanan siya ngayon.
Ng lumakas ang ulan ay agad ko siyang niyakap na alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako naman ay hindi alam sa sarili kung bakit ko siya kailangan yakapin, Basta ang alam ng isip ko ay kailangan niya ng makakasama sa lungkot na nararamdaman ngayon.
"Señorito ito po yung tamang oras para umiyak, ang lakas naman po ng ulan e kaya puwede kang umiyak. Pangako po pagka tapos ng araw na ito ay kakalimutan ko na umiyak ka po ngayon" nakayakap kong pag saad sa kanya at hinayaan na mabasa kami sa ulan, kahit sobrang lamig dahil sa magka sabay na hangin ang dumadampi sa balat namin.
Isang minutong katahimikan ng maramdaman ko ang malalaki nitong braso ang yumakap sakin at pag supsup ng mukha nito sa leeg ko at naramdaman ko ang mainit nitong pag hinga.
Nalungkot naman ako dahil sa naramdaman ko ang pagbasa ng leeg ko, alam kong luha niya iyun dahil sa mainit. hinaplos ko naman ang kanyang likot dahil sa naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya sakin.
kahit na nakikita ko na parang ang tapang niya, ay hindi parin maitatago na may tinatago siyang kahinaan..
DALI-DALI ko naman binitbit ang tray na nag lalaman ng pagkain at gamot, ang laki ng konsensiya na nararamdaman ko ngayon kasi nagka sakit si señorito dahil hindi siya sanay sa ulan.
Ang t*nga ko dahil nakalimutan ko na hindi pala sanay ang mga mayayaman na maulanan, hindi tulad samin sa probinsiya ay sanay na ang mga katawan namin kahit ilang oras pa kami maligo.
Agad naman akong pumasok sa loob ng kwarto at agad ko naman nakita si señorito na ngayon ay naka baluktot sa kumot. nagsisisi tuloy ako dahil sakin nagka sakit siya at hindi nakapag trabaho.
Agad naman akong lumapit sa side table ng kama at agad nilapag ang tray dun at lumapit kay señorito na pawisan ang kanyang nuo. agad ko naman pinunasan ang kanyang nuo gamit ang bimpo na dala ko.
"Señorito gising po. inumin mo po tong gamot" saad ko habang pinupunasan ang kanyang nuo.
"Señorito" pag tawag ko sa kanya. dumilat naman ang kanyang mga mata at makikita rito ang pag hihirap na hindi makatulog dahil sa lamig.
"Inumin mo po tong gamot" nag aalala kong saad sa kanya at kinuha ang gamot at isang baso ng tubig. nang hihina naman itong napa sandal sa headboard ng kama habang binabalot ang sarili sa kumot. binigay ko naman sa kanya ang baso at gamot. nang hihina niya naman kinuha ang mga ito at agad nang ininom.
Kinuha ko naman ang baso at binalik sa tray at agad kinuha ang mainit na soup na gawa pa ni nanay sita, dahil ito lang daw ang nakakain ni señorito pag nagkaka sakit siya.
"Kumain ka po muna señorito kahit konti lang po" saad ko sa kanya bago umupo sa kama habang hinihipan ang soup sa kutsara.
Tumingin naman ako sa kanya na nag aalala na ngayon ay nang hihinang nakatingin sakin. sinubuan ko naman siya na agad niya naman kinain, kaso bigla na lang itong umubo kaya naman ay natataranta ko kinuha ang tubig at agad pinainom sa kanya.
"Sorry po señorito dahil sakin nagka sakit ka po tuloy" nag aalala kong saad sa kanya at napapa kagad labing napayuko.
"No. It's okey" nang hihina nitong saad sakin kaya naman nag aalala akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin sakin.
"I'm not hungry, I want to rest now" Saad nito sakin at agad nang humiga kaya naman ay wala na akong nagawa.
Dinagdag ko naman ang kumot dahil sa nakikita kong nilalamig pa siya, pinatay ko na ang earcon pero nilalamig parin siya.
Habang kinukumutan siya ay nakatingin lang ito sakin at hindi parin pinipikit ang mga mata para magpa hinga.
"Magpa hinga kana po señorito" naiilang kong saad sa kanya, at iaalis na sana ang kamay ko sa pag kakahawak ng kumot ng bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko.
"Bak--" hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa biglaan na pag lapat ng malambot nitong labi sa labi ko.
Nanlalaki ang mata ko dahil ramdam ko ang malambot nitong labi sakin, hindi ko alam kung paano makaka reach sa nangyayari ngayon. dahil hawak niya ang batok ko at hindi parin bumibitaw sa pagkaka halik sakin.
"Actually is not okey for not feeling well now. that's the pay for my sickness today" saad nito sakin matapos bumitaw sa magaan niyang halik. kahit na nang hihina niyang sinabi iyun ay nakita ko parin ang pag ngisi nito.
Nang tuluyan na makabawi sa pagkaka tulala ay agad naman akong lumabas sa kwarto niya na hindi man lang nagawang makapag salita. nang makalabas sa kwarto niya ay dun lang ako nakahinga ng maluwag at napapa buntong hininga dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko, hindi kaba at takod ang nararamdaman ko ngayon. hindi ko maintindihan kung bakit ganito kabilis ang pag tibok ng puso ko.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 15. Continue reading Chapter 16 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.