I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 16: Chapter 16

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 16 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 16: Chapter 16. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie: POV
LUMIPAS ang dalawang araw ay tuluyan na ngang gumaling si señorito, huli namin pag uusap ay yung araw na lumabas ako sa kwarto niya. pagka tapos nun ay hindi na ako pumasok O bumalik dun. si nanay sita na ang nag- alaga sa kanya, pag uutusan ako ni nanay sita mag dala ng pagkain ay nag hahanap ako ng gagawin na irarason ko sa kanya. hindi ko kasi alam kung paano haharap dahil sa nahihiya ako, siya na nga yung unang halik ko siya pa yung pangalawa. kaso hindi nga lang yung romantikong halik nung una.
' hayss bakit pa kasi siya?' nakanguso kong pag tatanong sa sarili habang dinidilig ang mga halaman at panay ang usap dito, kanina pa kasi ako dito gusto ko na ngang pumasok sa loob kaso iniisip ko na baka nandun si señorito sa loob at hindi pa nakakaalis para pumunta sa kompaniya niya.
Bigla naman akong natigilan sa pag didilig ng mga halaman ng maalala kong hindi ko pa nalilinis yung pool. napangiti naman ako dahil may gagawin pa akong trabaho habang hinihintay siyang umalis. pumunta naman ako sa pool at agad nang nag simulang mag linis at tangalin ang mga dahon na nasa pool, may puno kasi dito sa loob pero malayo lang ng konti siguro natatangay ng hangin kaya napupunta dito yung dahon.
Natigilan naman ako sa pag kuha ng mga dahon ng may naramdaman akong prisensya sa likot ko. napatingin naman ako at nagulat ako dahil sa sobrang lapit ng mukha ni señorito na kinaatras ko, pero pinag sisihan ko agad ng makalimutan kong nasa gilit ako ng pool.
"Ahh!" Sigaw ko dahil konti na lang ay mahuhulog na ako sa pool, pero hindi pa man ako tuluyan nahulog ay may kamay na ang humawak sa braso ko.
Agad ko naman hinawakan ang magka bilaan na braso ni señorito para hindi ako tuluyan mahulog. nanlalaki ang mga mata naman akong nakipag titigan kay señorito ng konti na lang ay mag hahalikan na kami.
"Ahmm sorry po" nahihiya kong saad at agad na bumitaw sa pagkaka hawak sa kanya at nag lakat malayo konti sa pool.
"A,e salamat po" dagdag na saad ko at agad umiwas ng tingin pagka tapos ko sabihin iyun. wala naman nag salita samin at ramdam ko ang tingin nito sakin, kaya naman nag salita na ako para maiwasan ang titig niya.
"Aalis na po ako señorito may gagawin pa po pala ako sa loob" nahihiya kong saad at agad na sanang aalis sa harap niya ng nag salita ito.
"Iniiwasan mo ba ako?" malamig nitong pag tatanong sakin. napatingin naman ako sa kanya na ngayon seryoso ang mukhang nakatingin sakin, umiwas naman agad ako ng tingin.
"Po? Hindi po huh" kinakabahan at pilit ngiti kong sagod sa kanya.
Bakit ba niya tinatanong sakin yan? Oo iniiwasan ko siya pero bakit parang big deal sa kanya ang pag iwas ko?
"Okey kana po ba señorito?" Pag iiba ko ng usapan para makaiwas sa nakakailang niyang tingin sakin.
"No" tipid nitong sagod sakin dahilan ng pag tingin ko sa kanya.
"Pero hindi ka naman po mainit señorito?" nakakunot nuo kong saad sa kanya matapos kong ilapad ang likot ng palad ko sa kanyang nuo.
"I'm not okey, because you ignoring me" seryoso nitong saad sakin. hindi ko alam kung bingi lang ba ako O Tama ang pagkaka rinig ko sa kanya?
"Syempre naman po kasi hindi naman puwede na dumikit ako sayo. kasi amo po kita at katulong mo po ako at obligasyon kong gawin ang mga trabaho dito sa mansiyon mo" Nahihiya kong pagpapa liwanag sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ko pa kailangan magpa liwanang sa sinabi niya?
"Dahil ba to sa ginawa ko sayo?" Seryoso nitong tanong sakin habang naka pamulsang nakatingin sakin.
"Kaya ka umiiwas at hindi na ikaw ang nag dala sakin ng gamot?" Dagdag na tanong pa nito. napa kagad labi naman ako bago nag dadalawang isip sagutin ang tanong niya.
"Ah, emhh ano po kasi... Opo dahil nga doon" nahihiya kong sagod sa kanya at agad umiwas sa tingin niya ng mahuli ko itong nakangisi matapos marinig ang sagod ko.
"Aalis na po ako señorito nakalimutan ko pa pong mag hugas ng pinggan" nahihiya kong saad at dali-daling umalis sa harap niya at hindi na hinintay ang kung anong sasabihin niya.
DALI- DALI ko naman pinag buksan ang kanina pang nag do-doorbell sa labas. agad ko naman binuksan ang pinto at agad bumungad sakin ang may katandaan nang babae na taas nuong nakatingin sakin ngayon.
Pinag masdan ko naman ng mabuti ang ginang at bigla naman akong kinabahan nang mamukhaan ko siya. siya yung nasa picture, siya yung nanay ni señorito.
"What are you looking at?" Nakataas nitong kilay na tanong, kaya naman bigla akong kinabahan at agad yumuko.
"Sorry po" hinging paumahin ko sa kanya at napapa kagad labing tumingin sa kanya.
"Nasaan si maximo?" Masungit nitong tanong sakin.
"Ahm nasa kompaniya niya po, kakaalis lang. tuloy po kayo" kinakabahan kong sagod at saad sa kanya at nilakihan ng konti ang pag bukas ng pinto.
Pumasok naman ito agad sa loob. sinerado kona yung pinto at sumunod na sa kanya.
"Maupo ka po muna ma'am" nahihiya kong saad nang makarating kami sa sala.
"Madam" madiin nitong saad sakin ang salitang 'madam' na pinapa hiwatig niya na ayaw niya ang ma'am. naka kross legs naman itong umupo sa mahabang sofa bago ibaba ang mamahalin niyang bag katabi niya.
"Ano pong gusto niyong inumin madam?" kinakabahan at nahihiya kong pag tatanong sa kanya. maingat ako sa pag sasalita dahil pakiramdam ko konting pag kakamali ko lang ay sisigawan niya na ako.
" Orange juice na lang" Sagod nito sakin habang nililibot ang paningin sa buong mansiyon.
"Elein" pareho naman kaming napatingin sa likot ko nang may nag salita. dun ko naman nakita ang gulat sa mata ni nanay sita at hindi makapa niwala sa nakikita niya ngayon.
"Ohh is that you pala manang. nandito ka pa pala?" nakataas ang kilay nitong saad kay nanay sita dahilan nang pag yuko nito.
"Ahmm Opo madam. Ano po pala ang ginagawa mo dito?" magalang na pag tatanong ni nanay sita sa ginang na nasa harap ngayon at prenteng nakaupo sa sofa.
"Bakit hindi kona ba pwedeng dalawin ang nag iisa kong anak?" Nakataas nitong kilay na tanong pa balik kay nanay sita. habang ako naman ay nakayuko lang at nakikinig lang sa kanila.
"Hindi naman po sa ganun madam. pero kasi po sinabi sakin ni señorito ay hindi kana daw puwedeng pumasok sa mansiyon na ito" pagpapa liwanag ni nanay sita at ramdam ko sa boses nito ang kaba.
Napa kunot nuo naman ako dahil sa narinig. Bakit naman kayang ping babawalan ni señorito na pumasok ang kanyang ina sa loob ng mansiyon na ito?
"Sinabi niya yun? wala na talagang galang ang batang yun sakin" galit nitong saad at napapa buntong hiningang tumayo sa pag kakaupo sa sofa at agad kinuha ang bag niya.
"Buweno. Aakyad lang ako sa taas at gawin niyo na lang ang trabaho niyo dito. walang pipigil sakin O makikialam, dahil kilala mo ako manang" lintaya nitong saad at nakataas ang kilay na tumingin sakin.
Ganito pala ang ugali ng ginang na to? Pero sa picture mukhang mabait naman siya at makikita mo dun na palangiti siya.
"Opo madam" agad na sagod ni nanay sita. bago ito umalis sa harap namin ay pinaka titigan niya muna ako bago umalis at umakyat na sa taas.
"Hindi ko talaga alam Elein kung bakit bigla kana lang nag bago?" napapailing na sambit ni nanay sita sa sarili, pero narinig ko iyun dahil sa kami lang naman dalawa at tahimik ang paligid.
"Nanay sita okey ka lang po ba?" Nag aalala kong tanong ng bigla na lang itong napapa buntong hininga habang sinusundan ang bultong papalayo ng ginang na pumasok na ngayon sa kwarto ni señorito.
"Oo ayos lang ako ija, wag mo akong alala hanin" nakangiti nitong sagod sakin. tumango na lang ako at sabay na kaming pumasok sa kusina.
NATIGILAN naman ako sa pag huhugas ng pinggan ng marinig ko ang boses ni nanay sita na tinawag si señorito. napatingin naman ako sa likot ko at dun ko nakita si señorito na papasok pa lang sa loob at agad lumapit sa freezer para kumuha ng mineral water.
"Nako ijo mabuti at dumating kana. ang mama mo nandito, nasa taas siya ngayon" may pag- aalala na saad ni nanay sita kay señorito na ngayon ay natigilan sa pag inom ng tubig at bigla na lang nangunot ang kanyang nuo napatingin kay nanay sita.
"Anong ginagawa niya dito? diba manang sinabi ko na po sa inyo na wag papasukin ang babaeng yun?" galit nitong saad kay nanay sita dahilan na pag kaba ko bigla. napatingin naman ako kay nanay sita na hindi maka salita at nag aalala lang napatingin kay señorito.
"Amh señorito ako po ang nag papasok sa mama mo. sorry po hindi ko po alam" pag singit ko sa tanong niya. napayuko naman ako ng tumingin ito sakin ng masama na para bang may sinabi akong hindi magandang salita.
"She's not my mother" madiin nitong saad sakin at galit akong tinignan. napa kagad labi naman akong napayuko.
"Sorry ho" nakayuko kong saad at hindi na siya tinignan dahil ayokong salubungin ang mata niyang nakakatakod kung magalit.
"Oww nandito na pala ang pinaka mamahal kong anak" pareho naman kaming napatingin sa biglang pag pasok ng kanyang ina sa kusina.
"What are you doing here?" Walang ganang pag tatanong ni señorito sa kanyang ina pero halata sa boses nito ang galit.
"What do you think?" nakangiting pag tatanong pabalik ng kanyang ina sa kanya.
"Umalis kana" pag saad ni señorito at agad lumabas sa kusina. nakita ko naman ang pag sama ng mukha ng kanyang ina at agad sumunod kay señorito.
Napatingin naman ako kay nanay sita na ngayon ay hindi mapa kali at nag aalala ang mukha nito na lumabas din, kaya naman ay sumonod naman na ako.
"Wala ka talagang galang bata ka! Ganyan mo ba tratuhin ang ina mo na kakarating pa lang?" Napa hinto naman kami sa sala at napatingin kay señorito na huminto sa pag akyat sa taas dahil sa pag sigaw ng kanyang ina. Nakita ko naman na galit siyang napatingin sa kanyang ina at kita ko ang pag kuyom ng kanyang kamao.
" your not my mother, I don't have a mother and you will never be my mother. Inaalis ko na ang pagiging ina mo sa buhay ko" galit at madiin na saad ni señorito.
"Talaga? Anong pinag mamalaki mo? dahil sayo binigay ng iyong ama ang lahat-lahat ng kayamanan? Hahaha tandaan mo maximo balik- baliktarin mo man ang mundo ako parin ang ina mo, kaya may karapatan din ako sa perang iniwan sayo ng ama mo dahil asawa niya ako at ina mo ako" madiin at galit din na lintaya ng kanyang ina sa kanya na lalong kina sama ng mukha ni señorito dahil sa galit.
Hindi ko alam kung tama ba tong nakikita ko sa mata niya ay sobrang sakit ngayon ang nararamdaman.
"I don't know kung minahal mo ba talaga ang daddy ko O kayamanan niya lang ang habol mo nung pinakasalan mo siya?" walang emosiyon nitong saad pero halata ang pait sa kanyang boses habang nakatingin sa kanyang ina na ngayon ay parang hindi maka sagod.
"Yes I love him. Hindi ko siya papakasalan kung hindi ko siya mahal" sagod nito sa tanong ni señorito.
"No I don't believe you, dahil kung mahal mo si dad hindi madali para sayo palitan siya!" Nangangalaiting sigaw ni señorito sa kanyang ina.
"Oh sige minahal O sa hindi minahal ang impormatante nandito ka ngayon at ikaw ang bunga sa pagpapa kasal namin, at ikaw ang anak ko at ako ang ina mo" walang ganang saad ng kanyang ina sa kanya.
"What do you want? para maibigay ko na at makakaalis kana" walang galang na tanong ni señorito sa kanyang ina na ngayon ay biglang napangiti sa kaharap na anak.
"Ohh my unicoijo alam mo naman kung anong palaging gusto ni mommy right?" pag Saad nito habang pinipitik ang kanyang daliri na parang senyales na pera.
Nakita ko naman ang pag buntong hininga ni señorito at nakikita ko sa mata niya ang galit at sakit bago may kinuha sa kanyang bulsa na isang papel.
"Limang million. umalis kana dito at tangalin mo na ang karapatan mo bilang pagiging ina sakin" malamig at walang emosiyon nitong saad sa kanyang ina bago inabot ang isang papel na agad naman kinuha ng kanyang ina.
"No son. aalis lang ako dito pero ako parin ang ina mo" nakangiting saad ng kanyang ina bago umalis sa harap niya at napatingin samin dahilan ng pag yuko ko dahil sa biglaan nitong pag sama ng tingin sakin.
Napaangad lang ako ng tingin ng tuluyan na siyang umalis. napatingin naman ako kay señorito na ngayon ay nakatingin parin sa pintuan kung saan lumabas ang kanyang ina.
Bigla naman itong napatingin sakin dahilan na hindi ko agad naiwasan ang tingin ko sa kanya. walang emosiyon lang itong nakatingin sakin pero nakikita ko ang sakit sa kanyang mata kaya naman ay ngumiti ako sa kanya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Pero mukhang mali ata ang ginawa ko dahil parang mas nagalit pa siya dahil sa biglaan nitong pagtalikot samin at agad umakyat sa taas na kuyom ang kamao dahilan ng kita ang mga ugat nito sa kamay.
"Señorito kakain na daw po" pag tawag ko sa kanya sabay katok ng dalawang beses at pinakikiramdam ang ingay sa loob. dahil kanina kasi ay rinig namin ni nanay sita ang pag basak ng hindi ko alam sa kwarto niya, hindi ko naman nagawang pumunta pa rito sa taas para tignan siya dahil sinabi sakin ni nanay sita na pabayaan na lang daw muna si señorito kasi mas lalo lang daw itong magagalit pag may pumigil sa kanya. kaya sinunod ko na lang ang sinabi ni nanay sita dahil sa natatakot din ako.
"Señorito kakain na po" pag tawag ko ulit sa kanya sabay katok. kinakabahan ako dahil baka magalit siya dahil sa pangungulit ko sa kanya.
Nagulat naman ako dahil sa narinig na pag basak ng bote na alam kung hinagis niya sa pader. hindi ko alam kung tatawagin ko pa ba siya at pipilitin kumain O bababa na lang.
"Señorito" kinakabahan kong pag tawag sa kanya at napa hawak sa dornob na kinagulat ko dahil sa hindi naman pala naka lock.
Kahit na kinakabahan ay binuksan ko iyun ng konti at sumilib sa loob. nagulat naman ako sa nakikita sa paligit dahil may basak na bote at nakakalat na bote na parang kakatapos niya lang ininom iyun. napahinto naman ako dahil sa nakita ko si señorito na ngayon ay nakaupo sa sahig habang nakasandal sa kama at nakatingala at magulo ang buhok, gusot ang suot na pollo, bukas ang tadlong botones, at maluwag ang necktie na suot. aminin ko man O hindi sa sitwasiyon na ito ay masasabi kong parang model si señorito ngayon at hindi lasing.
"Staring to munch" nagulat naman ako ng makarinig ko ang baritono nitong boses. nahihiya naman akong sinalubong ang kanyang titig at may konting kaba dahil alam kung wala siya sa mood.
"Sorry ho" nahihiya kong saad sa kanya.
"Ahmm kakain na daw po señorito" kinakabahan kong dagdag na saad at napa kagad labi para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.
"I'm not hungry" walang emosiyon nitong saad at nang hihinang napatayo sa pagkaka upo sa sahig habang tinatangal ang necktie at pollo niyang suot.
"Clean my room and I will take a bath" Saad nito at deretyong pumasok sa banyo.
Napa buntong hininga muna ako bago umalis para bumaba at kumuha ng walis at daspan at malaking solopain para lagyan ng mga bote. pagka tapos ko kunin lahat ng kakailanganin ay agad naman na akong bumalik sa kwarto niya.
Sumilip muna ako bago pumasok para tignan kung tapos naba siya maligo, napangiti naman ako kasi wala pa akong nakitang lumabas na señorito galing sa banyo. kailangan ko nang mag madali dahil ayokong maabutan niya pa ako dito.
Napapailing naman akong pinulot ang mga bote sa sahig at agad nilagay sa malaking solopain na dala ko, pagka tapos kong pulutin ang mga bote ang sunod ko naman ginawa ay ang pag walis ng maigi ng basak na bote na nasa gilit. winalis ko talaga ng maayos dahil baka may matira pang bubug at pag nasugatan siya papagalitan nanaman ako.
Napahinto naman ako sa pag wawalis at agad napatingin sa pinto ng banyo dahil sa may narinig akong ingay sa loob. babale walain ko na lang sana ng may narinig nanaman ako, bigla naman ako lumapit sa pinto dahil nag aalala na ako baka kasi napano na si señorito dahil lasing pa naman siya.
"Señorito ayos ka lang po ba jan?" Nag aalala kong tanong habang nakadikit ang tenga sa pinto at pinakikiramdam kung may maririnig pa akong ingay.
Habang pinakikiramdam ang loob ay bigla na lang ako nagulat sa biglaan na pag bukas ng pinto at pag hawak ni señorito sa braso ko dahilan na hindi ko nabalanse ang sarili kaya pareho kaming natumba.
"Arayy.. señorito ang bigat mo po" nahihirapan kong saad sa kanya dahil sa sakit ng likot ko, siya kasi ang naka patong sakin.
Hindi naman ito nag salita at naka subsub lang sa leeg ko at mabibigat na pag hinga na lang ang narinig ko, dahil nakatulog na pala siya. napapikit naman ako ng mariin dahil sa pag iisip kung paano ko mailalayo si señorito sakin dahil sa bigat niya.
"Señorito gising po" pag tawag ko sa kanya at mahinang niyuyogyug ang balikat niya.
"Hmmm" yun lang ang narinig ko. bigla naman akong nailang dahil sa kamay nitong biglang niyakap ang bewang ko papasok sa likot ko at lalong lalo na sa posisyon namin ngayon tapos wala pa siyang damit at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kanya.
"Señorito" nahihiya kong pag tawag sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung paano mailalayo siya. ang pag gising na lang talaga ang magagawa ko para dun sa kama na lang siyang matulog at yung unan ang yakapin niya.
Kung bakit ba naman kasing uminom siya ng madami tapos hindi naman pala kaya.
"Señorito" naiilang kong pag tawag ng may maramdaman akong kung anong matigas ang tumatama sa bandang tiyan ko.
"Ohh sh*t live!" Bigla naman akong napatingin sa pinto ng may narinig akong sumigaw, dun ko nakita si spencer na nakapikit at si sethrix naman na nakangisi O nakangiti na hindi ko maintindihan ang reaction ng mukha niya.
"Tulungan niyo akong ilayo si señorito" nahihirapan at nahihiya kong saad sa kanila dahil hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman kong ilang at hiya dahil sa matigas na ano ni señorito na tumatama sa tiyan ko.
NANG makarating sa kusina ay agad naman akong kumuha ng tubig sa ref at agad nilagok, pakiramdam ko ay parang natuyo ang lalamunan ko dahil sa halo-halong nararamdaman na hindi ko na maintindihan.
"Ohh ija ayos ka lang ba?" Napatingin naman ako kay nanay sita na kaka pasok pa lang sa kusina.
"Opo nanay" sagod ko at pilit ngumiti sa kanya.
" dito daw matutulog si spencer at sethrix dahil tinawagan sila ni maximo na mag iinuman daw. pero lasing naman na ito kaya bukas na lang daw sila mag iinuman" lintaya na saad ni nanay sita sakin habang nilalagay ang ulam sa bowl.
"Ahh ganun po ba nanay" naisaad ko na lang at lumapit sa kanya para tulungan na mag hain ng makakain.
Kumuha naman ako ng mga pinggan, kutsara, at baso bago lumabas sa kusina at pumunta sa mahabang mesa.
Inayos ko naman ang mga pinggan at ng matapos ay agad ko naman tinulungan si nanay sita para ayusin ang kanin at ulam sa pag lagay sa maayos.
"Nanjan na pala kayo. hali na kayo mga ijo at kumain, teka nasaan si maximo?" Saad at nag tatakang tanong ni nanay sita ng mapansin na hindi kasabay ng dalawa si señorito.
"Tulog na po manang sa sobrang kalasingan" natatawang saad ni spencer bago umupo sa upuan at nakangising nakatingin sakin. kaya naman ay nahiya ako dahil alam ko ang dahilan ng pag ngisi niya.
"Ang batang yun oh. Hayss kawawa naman" napapailing na saad ni nanay sita
" ohh hayaan niyo muna siyang magpa hinga at kumain na kayo" dagdag na saad ni nanay sita at pinag silbihan sina spencer at sethrix sa pag kuha ng pagkain.
"Manang hindi mo na po kailangan gawin samin to, hindi na po kami bata kaya na po namin. sumabay na lang po kayo ni yen samin" nakangiting saad ni sethrix at pinigilan si nanay sita sa pag lagay ng kanin sa pinggan niya.
"Hayy nasanay lang ijo. naalala ko kasi noon ay kailangan ko pa kayong pag sandukan dahil sa ang kalat niyong kumuha ng kanin. pero ngayon nagkakaroon na lang kayo ng bulbul ay wala parin kayo asawa" walang prenong lintaya na saad ni nanay sita.
Natawa naman ako dahil sa nabulunan si spencer sa kinakain niyang saging, habang si sethrix naman ay napangiwi at hindi alam kung anong sasabihin. mas natawa pa ako lalo dahil sa nakita ko ang pamumula ng mukha nila.
"Manang naman e" nahihiyang saad ni spencer habang sumusubo ng saging.
"Manang kumain kana lang po" nahihiya din na saad ni sethrix habang inalalayan maupo si nanay sita katabi niya.
"Anong manang ka jan. Totoo lang ang sinabi ko ang dami niyong babae pero hangang ngayon wala parin kayong awasa 't anak. dumadagdag na lang ang puti ko sa buhok e hindi ko parin nakikita ang mga anak niyo" napapailing na saad ni nanay sita.
"Hay manang kung ako ang tatanungin matagal pa po ako. si sethrix at maximo na lang po ang tanungin niyo kung kailan ang kasal, dahil sa tingin ko po ay malapit na sila" nakangising saad ni spencer habang tumingin kay sethrix na ngayon ay umiiwas ng tingin.
"Talaga ijo? Sino naman ang babaeng nagugustuhan mo ngayon?" nakangiting tanong ni nanay sita.
"Uyy cutie yen maupo ka at pag usapan natin si--" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na lang tinakpan ni sethrix ang bunganga niya.
Napa kunot nuo naman akong umupo at naguguluhan na tumingin sa kanilang dalawa na ngayon ay pilit na tinatangal ni Spencer ang kamay ni sethrix para maka pag salita siya.
"Shut up kung hindi ihahack ko lahat ng gamit mong ibat- ibang cp at ilalabas ko lahat ng kabalastugan mo, at makikita nila ang maganda mong katawan" nag babanta na saad ni sethrix at hindi tinatangal ang kamay sa bibig ni spencer.
"Sabi ko nga tatahimik na. kakain na nga lang ako ng saging" nakangusong saad ni spencer at parang nag tatampong sinubo ang saging na hawak.
Pareho naman kaming natawa ni nanay sita dahil sa itsura ni spencer, kahit ganun pa man ay cute parin siyang tignan...

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 16. Continue reading Chapter 17 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.