I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 21: Chapter 21

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 21 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 21: Chapter 21. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie POV
NAALIPUNGATAN naman ako ng maramdaman kong may huma haplos sa pisngi ko. minulat ko naman ang mga mata ko at dun tumambad sakin ang seryosong mukha ni señorito na nakatingin sakin, habang ang palad niya ay nasa pisngi ko parin.
Hindi naman ako agad naka galaw dahil sa mata niyang nakaka akit. Hindi maikakaila na ang ganda ng mata ni señorito dahil mahaba ang pilik mata na bagay sa hugis ng mata niya, kilay na nababagay din sa seryosong mukha niya, labi niyang mamula- mula at ilong niyang matangos. Kaya kahit seryoso man ang mukha nito hindi parin matatakpan na gwapo siya.
Nabalik naman ako sa reyalidad ng maramdam ko ang pag haplos nito sa pisngi ko at biglang pag kabog ng dibdib ko kaya naman ay dali-dali na akong umalis sa pag kakandong sa kanya.
"Pasensiya na po señorito" nahihiya kong saad sa kanya at umayos sa pag kakaupo.
"It's okey. Alam kong hindi ka maka tulog dahil meron ka ngayon" saad nito kaya naman napatingin ako sa kanya na ngayon ay seryoso din nakatingin sakin.
"Bakit mo po pala alam na yun ang dahilan?" Hindi ko mapigilan na pag tatanong sa kanya.
Hindi kasi ako mapakali kasi naman lalaki siya tapos alam niya ang mga ganito.
Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya bago sinagod ang tanong ko sa kanya.
"Ganito kasi ginagawa ng dad ko kay mom nung nag kakaroon siya at hindi din maka tulog" seryoso nitong saad sakin. Bigla naman akong nagsisi dahil sa tanong ko sa kanya.
"Sorry po señorito kung naitanong ko pa" nahihiya kong saad sa kanya. Alam kong ayaw niyang pinag uusapan ang nanay niya. Pero hindi ko parin mapigilan hindi isipin kung nasaan na ang dad niya?
Hindi naman ito nag salita na kaya naman ay namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Napatingin naman ako sa labas na ngayon ay tumila na ang ulan.
"Señorito marami po bang sasakyan ang dumadaan dito?" Pag basak ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Naiilang kasi ako dahil sobrang tahimik.
Napatingin naman ako sa kanya na parang kababalik lang sa malalim na pag iisip niya. Seryoso naman itong napatingin sakin at narinig ko nanaman ang pag buntong hininga niya.
"Walang masyado" tipid niyang saad sakin. Bigla naman akong napaisip kung walang masiyadong dumadaan dito paano kami makakaalis? Hangang kailan kami mananatili dito? Baka nag aalala na sila samin?
"Don't worry maya-maya naman ay may dadaan na dito. Wag kang matakot walang mangyayari masama sayo dahil kasama mo ako" seryoso nitong dagdag na saad at pinaka titigan ang mata ko dahilan ng pag kabog nanaman ng malakas ng dibdib ko sa hindi malaman na kadahilanan. Hindi takot, kaba, O ilang pa man? Hindi ko lang maipaliwanag kung bakit ganito.
Tumango at ngumiti na lang ako sa kanya at agad nang umiwas ng tingin at napatingin na lang sa labas, ayoko ko nang salubungin ang mata niyang nakaka akit.
Nag hintay naman kami ng ilang oras pero hangang ngayon ay wala parin dumadaan? Kaya naman lumabas muna kami sa sasakyan. Napangiti naman agad ako ng makita ko ang malawak na kabundukan at hangin na masarap langhapin.
Ngayon ko lang napansin na malapit pala kami sa gilit ng bangin. Nakakalula man ay hindi parin matatakpan na may nakikita kang magandang tanawin.
Napatingin naman ako kay señorito na malayo ang tingin pero parang wala ang pag iisip sa tinitigan niya ngayon. Lumapit naman ako sa kanya ng konti ng hindi niya namamalayan dahil nandun parin ang tingin niya at mukhang may inaalala.
"Señorito may problema po ba?" Hindi ko mapigilan na maitanong sa kanya. Mukhang ang lalim ng iniisip niya at kahit na seryoso man ang mukha niya hindi parin matatakpan na may problema siya.
"Sa tingin mo maganda ba dito?" Seryoso nitong tanong sakin at binalingan ako ng tingin. Bakit niya ako tinatanong niyan?
"Opo naman" nakangiti kong sagod sa kanya at tumingin sa harap.
"Paano mo nasabi na maganda tumira dito?" Pag tatanong niya kaya naman ay tumingin na ulit ako sa kanya na ngayon ay seryoso lang ang tingin sakin.
"Masarap po kasi langhapin yung simoy ng hangin at malayo po sa syudad na puro polusiyon lang. Dito tahimik parang wala kang mararamdaman na problema pag makikita mo ang matataas na kabundukan na to" nakangiti kong lintaya na saad sa kanya at sinalubong ang seryoso niyang mukhang nakatingin din sakin.
"Parang sa probinsiya po namin nakakamiss bumalik dun" dagdag na saad ko. At agad na umiwas ng tingin dahil sa ilang.
"Bakit kailan ba ang huling punta mo sa lugar niyo?" Tanong nito sakin. Napa buntong hininga naman ako dahil sa tanong niya.
" huling punta ko dun nung naaksidente yung mga magulang ko. Matapos ang pangyayaring yun hindi na ulit ako bumalik dun" may lungkot kong saad at pilit na ngumiti napatingin sa kanya.
Nakita ko naman ang gulat sa mata niya pero agad rin nawala at napalitan ito ng lungkot.
'lungkot? Totoo ba tong nakikita ko?'
"Why?" Tipid niyang tanong pero batid kong gusto niyang malaman kung anong rason ko.
"Natatakot akong Bumalik dun dahil bumabalik lahat ng sakit" saad ko at tipid na ngumiti sa kanya.
"Can I ask?" Seryoso nitong tanong sakin kaya naman tumango na lang ako.
"Natakod kaba sa mga panahon na iyun?" Seryoso nitong tanong sakin habang pinaka titigan ang mata ko.
"Sa una po natakod ako.. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko noon, halo-halo ang naramdaman ko. Takod, sakit at pag luluksa, hindi ko na nga alam kung anong uunahin ko, kung saan ako mag sisimula.. pero naisip kong hindi ako puwede maging mahina dahil may kapatid pa akong maliit, kung pang hihinaan ako ng loob ano na lang mangyayari sa kapatid ko samin" saad ko sa kanya habang nakatingin sa harap. Ayokong makita ang reaction niya.
"Sa una ang hirap. Hindi ko kasi alam kung saan ako makakahanap ng trabaho para pambili ng gatas ng kapatid ko. High school lang ang natapos ko, Kaya ang hirap humanap ng trabaho.. hindi na ako naka pag aral dahil inuna ko ang kapakanan ng kapatid ko.. meron naman tumatangap sakin sa maliit na karenderya, okey naman na sakin yun para kahit papaano may makakain ang kapatid ko... Pero nung simulang magka sakit ang kapatid ko at nalaman kung may sakit siya sa puso lahat ng trabaho pinasok ko na po para may maipon ako, simulan na lang po natin sa construction hangang sa pag bebenta ng isda... Mabuti na lang nanjan si mama fe natutulungan nila akong mabantayan ang kapatid ko, kaya ang laki ng utang na loob ko sa kanila" nakangiti kong saad sa kanya at binalingan siya ng tingin na ngayon ay nakatingin sakin. Parang kanina pa nga e.
"Lahat ng yun kinaya mo?" tanong niya pero halata sa boses ang gulat, pero iba ang sinasabi ng mata niya.. tumango naman akong nakangiti sa kanya.
"Wala naman pong hindi kakayanin kung buhay na ng mahal mo sa buhay ang naka salalay dito" may pait kong saad sa kanya.
Nakita ko naman ang pag bago ng mukha niya. Mula sa seryosong mukha napalitan ito ng pag hanga at pag lambot ng tingin nito sakin.
Pinaka titigan naman nito ang mukha ko at ganun din naman ako. Nakita ko naman ang unti- unti na pag angad ng kamay nito at pag hawak sa pisngi ko. Bigla nanaman kumabog ng malakas ang dibdib ko na hindi ko alam kung bakit? Iisipin ko na talaga na may sakit na ako sa puso?
"Can i--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng may nag salita sa likot namin.
"Señorito maximo!" Pag tawag ng kung sino dahilan ng pag tanggal niya agad ng kamay niya sa pisngi ko, at nakita ko pa ang gulat sa mukha nito na parang nabigla sa ginawa niya.
Pareho naman kaming napatingin sa likot at dun namin nakita ang medyo may katandaan na lalaki na pababa sa isang truck. Parang mag sasaka dahil nakita ko ang mga palay sa likot ng truck.
"Señorito kayo nga po?" Gulat na saad ni manong ng makalapit ito sa gawi namin. Napatingin naman ito sakin kaya naman nahihiya akong ngumiti bago binalingan ng tingin si señorito.
"Kamusta po kayo señorito? Natutuwa po akong makita ulit kayo dito" may sayang saad ni manong kay señorito maximo bago yumuko na nag bigay galang.
"Ganun din ako mang berting" seryosong saad ni señorito pero halata naman sa boses nito na totoo ang sinasabi niya kahit na seryoso pa ang mukha nito.
"Ano pong ginagawa niyo dito sa gilit ng bangin señorito? Kahapon pa po ba kayo nandito?" Sunod-sunod na may pag tatakang tanong nito samin.
"Opo. Nasiraan po kami" seryosong saad ni señorito habang ako nakikinig lang sa kanila.
"Nako ganun po ba.. mabuti na lang po walang nangyaring masama sa inyo dito dahil nasa gilit pa man po kayo ng bangin" nag aalalang saad nito samin.
"Nako tara na po señorito at ija. delikado po dito kasi malambot ang lupa dahil sa lakas ng ulan kagabi, at baka magka landslide pa" saad nito samin.
Kaya ba walang dumadaan kagabi dahil sa natatakod sila?
Sumunod naman kami sa pag lalakat kay manong. Napatingin naman ako kay señorito na nakatingin din pala sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya at agad na umiwas ng tingin.
"Señorito iwan na lang po muna natin tong sasakyan dito at ipapa kuha ko na lang sa mga kasama ko" nakangiti na saad ni mang Berting.
" Nga po pala señorito kung ayos lang po sa inyo, na dun po kayo umupo sa likot?. Wala na po kasing bakanteng upuan sa harap kasi puno na ng mga supply galing sa baba" napapa kamot na lintayang saad ni mang berting dahil sa hiya.
"It's okey mang berting" saad ni señorito at inabot ang kamay niya sa harap ko kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Come" seryoso nitong saad sakin. Napa kagad labi naman ako bago lumapit at inabot ang kamay niya.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang magka bilaan kong bewang at agad akong binuhat papaupo sa truck na katabi ng palayan. Hindi ko inaakala na yun ang dahilan niya, may kataasan kasi ng konti itong truck at Alam kong hindi aabot ang paa ko kung saan inaapakan ang pag akyat ditow sa truck.
"Salamat señorito" kahit na nagulat ay binalewala ko na lang iyun at nagpa salamat na lang.
Nakita ko naman ang pag ngiti samin ni mang berting at mapa nuksong pabalik- balik ang tingin samin. Pero agad rin nag bago ng tumingin sa kanya si señorito.
"Hehe sige po señorito umakyat na po kayo at papaandarin ko na ito" nahihiyang saad ni mang berting at napapa kamot umalis.
Agad naman umakyat si señorito at tumabi sakin sa pag upo. Nahihiya naman akong umiwas agad ng tingin ng mahuli niyang nakatingin ako sa kanya.
Agad rin naman na umandar ang truck at lumalayo na kami sa sasakyan ni señorito hangang sa hindi na namin nakita iyun.
Napapa ngiti naman ako dahil sa mga tanawin na nakikita ko. Sobrang ganda Wala akong masabi sa sobrang ganda ng paligid.
"Ang ganda" napapa puri kong saad habang pinag mamasdan ang tanawin sa paligid na nadadaanan namin.
"Yeah" bigla naman akong napatingin kay señorito ng bigla itong nag salita. Bigla naman akong nahiya dahil nakatingin din pala Ito sakin kaya naman umiwas na agad ako ng tingin sa kanya.
"May dumi po ba ako sa mukha?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Baka kasi may dumi ako sa mukha kaya niya ako tinititigan.
"No" tipid nitong sagod sakin kaya naman ay tumango na lang akong nahihiya sa kanya at binalik ulit ang tingin sa paligid.
"Gusto mo bang tumira dito?" Biglang tanong nito sakin dahilan na pag baling ng tingin ko sa kanya.
"Po?" Naguguluhan kong pag tanong sa kanya. Bakit naman niya ako tinatanong niyan? Kanina tinanong niya ako kung maganda ba dito? Tapos ngayon yan?.
"Opo naman sa ganda ba naman po dito" nakangiti kong sagod sa kanya dahilan ng pag baling ng tingin nito sakin pero agad rin umiwas.
"Mabuti ka pa gustong tumira dito" seryoso nitong saad at napapa buntong hiningang napapikit. Napa kunot nuo naman ako dahil hindi ko siya maintindihan.
"Kahit sino naman po magugustuhan tumira dito" saad ko sa kanya. Dinilat niya naman ang mga mata niya at seryoso pinaka titigan ang mukha ko.
"But not someone in the past" maka hulugan nitong saad sakin.
"Ayaw niyang tumira dito dahil boring at sobrang tahimik daw" dagdag na saad nito sakin. Kahit na hindi ko naiintidihan ang kwento niya nakinig na lang ako.
" sa bawat pag aya ko sa kanya, may rason siyang sinasagod" saad nito at kinuha ang palay at hindi ko alam kung anong gagawin niya dun.
"Kaya pala ayaw niya dahil mas gusto niya sa singapore kasama ang ibang taong nagpapa saya sa kanya" patuloy niya sa kwento. Napatingin naman ako sa kanya ng maramdam ko sa bawat pag bigkas ng katagang yun ay ramdam ko ang pag durog ng puso niya.
Sa puntong to ay dun ko naintindihan ang kwento niya ngayon ng maalala ko ang sinabi sakin ni nanay sita.
"Pero nag bago ang lahat ng yun simulang iwan siya at niloko siya ng dalawang babaeng minahal niya."
Yun ba ang tinutukoy ngayon ni señorito? Nalulungkot akong isipin kung anong pinag daanan ni señorito?
Napatingin naman ako sa kanya ng hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko ang pag lagay niya sa pala pulsuhan ko, ng gawa niyang palay na dinesenyo sa bracelet.
Ang ganda? Bakit hindi ko napansin na yun pala ang ginagawa niya? Dahil siguro sa tutok ako sa kakakinig sa kinu- kwento niya at sa pag iisip.
Napatingin naman ako dun at agad naman din napatingin sa kanya na ngayon ay hawak parin ang kamay ko at nakatitig din sa gawa niyang bracelet na palay.
"Ang ganda po señorito. Saan niyo po natutunan ang pag gawa nito" hindi kong mapigilan mapapuring tanong dahil sa ganda.
"To my grandma" sagod nito sakin. Napangiti naman akong pinag masdan ang bracelet na palay dahil sa ganda.
"Ang ganda po" nakangiti kong saad. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sakin habang hawak pa ang kamay ko. Babawiin ko na sana ang kamay ko sa pagkaka hawak niya ng mas hinigpitan niya ang pagkaka hawak dun. Hindi na lang ako umangal at pinabayaan na lang kahit na nakakailang.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 21. Continue reading Chapter 22 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.