I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 23: Chapter 23

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 23 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 23: Chapter 23. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie POV
MATAPOS ang pag luluto ni nanay sita ay ako na ang nag ayos ng mesa at ngayon naman ay tatawagin ko na lang sila para kumain.
Bumalik naman ako sa sala at nakita ko ang dalawa na magka layo at walang nag sasalita sa kanila. ' anyare sa dalawang to?'
"Anong nangyari sa inyo?" Naka kunot nuo kong tanong sa kanila.
"Nag away ba kayo?" Tanong ko ulit ng walang nag salita sa tanong ko at nag titigan lang sila na parang nag aantay kung sino ang sasagod sa tanong ko.
"Hindi" nakangiti na saad ni ell matapos mag buntong hininga.. tumango na lang ako .
"Kumain na tayo. Saan nga pala si señorito?" Saad at pag tatanong ko sa kanila.
"Pumasok sa loob ng kwarto" sagod ni ell sakin habang si sethrix naman ay tahimik lang. 'anong problema niya?'
"Ahh. nakahanda na ang pagkain, mauna na kayo at tatawagin ko lang si señorito at Lola niya" nakangiti kong saad sa kanila. Tumango na lang si ell sakin na nakangiti bago ako umalis sa harap nila.
"Ahm hi po ma'am kakain na po" magalang kong saad sa lola ni señorito ng maka salubong ko ito na kakalabas lang sa isang pinto. Parang viranda siya dahil nakita ko ang view roon.
"Ahh Sige ija. Nga pala wag mo na akong tawaging ma'am, lola Elizabeth na lang" nakangiti nitong saad sakin at pinag masdan ang mukha ko. Nahiya naman ako dahil sa tingin niya at iniisip ko na ngayon kung may dumi ba ako sa mukha.
"Ho? Ahmm sige po" Hindi sigurado kong saad dahil sa hiya.
"Ang ganda mo simple lang" nakangiti nitong saad sakin na kinadagdag ng hiya ko.
"Salamat po" nahihiya kong saad sa papuri niya at napapa kamot sa ulo.. Pareho naman kaming napatingin ni lola ng bumukas ang isang pinto at niluwa nun si señorito na seryoso ang mukha.
"Señorito kakain na po" magalang kong saad ng tumingin ito samin. Tumango na lang ito sakin bago tuluyan na lumabas at inalalayan ang kanyang lola, ngayon ko lang napansin na may tungkot itong hawak pang silbing lakas niya sa pag lalakad
Nakangiti ko naman pinag mamasdan si señorito dahil may side din pala siyang mabait kahit na maliit ang pasensiya, palaging galit at seryoso ang mukha niya.
"Salamat ijo" nakangiti na pagpapa salamat ng kanyang lola ng makaupo na ito. Nandito na lahat sa hapag at kami na lang pala ang hinihintay nila.
Napatingin naman ako kay señorito ng hindi pa siya umuupo nakatingin lang siya sakin matapos niyang hilahin ang isang upuan. Binalewala ko na lang iyun at umupo sa tabi ni Spencer, baka kasi ayaw niya pang umupo.
Napatingin naman ako sa kanya at ganun din ang mga kasama namin. Nakita ko naman ang kunot nuo nito na nakatingin sakin parang galit nanaman siya.
"Sit here" nakakunot nuo niyang saad at batid kong naiinis nanaman siya.
'ako ba ang kinakausap niya?' naguguluhan kong tanong sa sarili.
"Po? Ako?" Nahihiya at hindi siguradong tanong ko at napapatingin sa likot kung ako ba talaga ang kinakausap niya. Parang ako nga kasi wala naman tao sa likot.
"Tks stupid. Oo ikaw, dito ka umupo" naiinis at salubong nitong kilay na saad sakin kaya naman ay dali-dali na akong umupo roon dahil galit na talaga siya.
"Selos agad" rinig kong bulong ni spencer pero binalewala ko na lang iyun dahil sa kaba ko.
Napatingin naman ako sa mga kasama namin at nakita ko ang ngiti ni lola bago umiiling. Ganun din ang iba at nanay sita.
Umupo naman siya sa tabi ni Spencer kung saan ako umupo kanina. Ang katabi ko ngayon sa kabila ay ang kapatid ko at siya.
"Ate?" Napatingin naman ako sa kapatid ko ng tinawag niya akong pabulong kaya naman ay napatingin na ako sa kanya na nag tatanong.
"Bakit?" Bulong ko ding tanong sa kanya at nag tataka siyang tinignan.
"Ate konting galaw pa ng señorito mo, iisipin ko nang may gusto siya sayo" bulong nitong saad sakin na kinalaki ng mata ko dahil kung ano-ano na lang sinasabi ng kapatid kong to. Baka marinig pa siya nakakahiya.
"Ano kaba kumain kana lang at baka gutom lang yan" nahihiya kong bulong sa kanya at napatingin sa katabi ko na ngayon ay nilalagyan ng pagkain ang piggan ko na kinagulat ko.
"Señorito ako na po" nahihiya kong saad at kukunin na sana ang kutsara sa kamay niya ng hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ang pag kuha roon.
Nahihiya naman akong nakipag titigan sa kanya dahil sa hawak niya ang kamay ko. Agad ko naman binawi ang kamay ko at hinayaan na lang na lagyan niya ng pag kain.
"Kitams" bulong ng kapatid ko sakin at nang aasar na ngumiti ng binalingan ko siya ng tingin. nag babanta ang mata ko siyang tinignan dahil sa nahihiya na talaga ako kasi lahat ng tingin ay nasaamin ni señorito.
"Ahemm mga ijo pagka tapos niyong kumain ipasiyal niyo ang mga bisita" napatingin naman ako sa lola ni señorito ng bigla itong nag salita. Ngumiti naman ito sakin kaya naman nahihiya akong ngumiti pabalik.
"Opo lola" si sethrix na ang sumagod sa sinaad ng lola ni señorito dahil siya ay panay lang ang lagay sa piggan ko ng kanin. Nahihiya tuloy ako dahil ang dami ng laman at baka isipin nila ang takaw ko na.
"Tama na po señorito" nahihiya kong pag pigil sa kanya ng lalagyan niya pa sana ng isang manok.
"Kumain ka ang payat mo" salubong nitong kilay na saad sakin at nilagay ang manok dun bago nag simulang kumain.
'hindi Kaya ako payat sakto lang'
Wala naman nag salita samin dahil ang madaldal na si spencer ay panay kain lang na parang tadlong araw na hindi kumain.
__
"Ija" napatigil naman ako sa pag kalkal ng masusuot sa bag ko ng may nag salita sa labas ng pintuan nang kwarto. Napatingin naman ako dun bago lumapit at binuksan.
"Po?" Nahihiya kong tanong ng makita ko ang lola ni señorito na nakangiti sakin ng pinag buksan ko ito.
"Ito ohh, suotin mo siguradong babagay sayo to" nakangiti nitong saad sakin bago inabot ang puting damit.
"Po, ahmm sige ho" nahihiya kong saad at nag dadalawang isip kung kukunin ko ba ang damit.
"Suotin mo yan huh?" Nakangiti nitong saad sakin at aalis na sana ng huminto ito na parang may kinalimutan sabihin.
" Nga pala yung kaibigan at kapatid mo kasama si sethrix at spencer, nauna na silang nag libot sa hasyenda. Pero si maximo nandito pa at hinihintay ka sa labas" nakangiti nitong saad sakin.
"Sige po lola, Salamat po dito" nakangiti at nahihiya kong saad. Tumango naman itong nakangiti sakin bago umalis sa harap ko.
Sinerado ko naman na agad ang pinto at napapa buntong hiningang sumandal roon. Napatingin naman ako sa hawak ko at hindi pala siya damit parang bistida siya na hangang tuhod lang. Maganda siya pero parang nakakailang suotin.
Agad ko na lang sinuot ang binigay ng lola ni señorito dahil nakakahiya naman pag hindi ko sinuot.
Nilugay ko na lang ang hangang balikat kong buhok at nag ayos lang ng konti, bago napag isipan lumabas na.
"Nako hindi nga ako nagka mali ang ganda mo ija" nakangiti na papuri ng lola ni señorito sakin ng makita nila ako.
"Oo nga ija" masaya namang saad din ni nanay sita na kinahiya ko dahil sa mga papuri nila.
"Salamat ho" nahihiya kong saad.
"Nako sige na lumabas kana at hinihintay kana dun ni maximo sa labas" nakangiti nitong saad sakin.
"Sige po" nakangiti kong saad sa kanila. Tumango na lang sila sakin kaya naman ay lumabas na ako.
Agad naman sumalubong sakin ang malamig na hangin na dumampi agad sa balat ko. Mukhang mali na hindi ako nag suot ng jacket dahil manipis lang ang suot ko pero kaya naman na.
Nahiya naman akong lumapit kay señorito na nakatingin sakin habang papalapit ako sa kanya, hindi ko siya napansin agad.
"Pasensiya na po kung natagalan ako señorito" nahihiya kong saad sa kanya dahil sa tingin niya na hindi matangal- tangal sakin.
"Señorito" pag tawag ko sa kanya.
"Ehemm, okey let's go" hindi siguradong saad niya sakin at nauna nang mag lakat na parang biglang nahiya. Agad na lang akong sumunod sa kanya.
"Magandang hapon po señiroto" sa bawat pag daan namin sa mga tao ditong may kanya-kanyang ginagawa napapatigil sila para lang batiin si señorito. Habang siya naman ay panay lang tango.
"Manong where's diego?" Seryosong tanong ni señorito sa isang matanda na pinapakain ang kabayo, ng pumasok kami sa hawla ng mga kabayo. ang rami nila at mukhang malulusog at inaalagaan talaga ng mabuti.
"Nako magandang hapon po señiroto.. nandito po si diego" nakangiti na saad ng kausap ni señorito matapos yumuko.
Nag lakat naman ito papunta sa isang kabayo. 'akala ko tao yung hinahanap ni señorito kabayo pala?'
Sumunod naman ako sa kanila at huminto kami sa puting kabayo na malaki at sobrang tangkad. Parang nakakatakod sumampa dahil baka mahulog ka.
"Ang lusog na ni diego señorito dahil araw- araw po talaga pinapa- alala ni señorito Elisabeth, na pakainin daw po ng mabuti dahil yun raw po yung bilin mo" masayang pag sasalita ni manong kay señorito. Habang señorito naman ay tumango- tango na parang natutuwa sa narinig at panay hawak sa katawan ng kabayo na mukhang nag lalambing din naman sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun... Yung ibang mga kabayo dito kamusta?" Saad at pag tatanong ni señorito habang patuloy sa pag haplos sa kabayo.
"Ganun din naman po sila señorito katulad din po ni diego ang ginagawa namin dito" nakangiti na sagod ni manong. Habang ako nakikinig lang sa kanila at pinag mamasdan si señorito.
"Good" tipid nitong saad bago tumingin sakin. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil sa hiya na naabutan niya akong nakatingin sa kanya.
"Yen" pag tawag nito sa pangalan ko na kinagulat ng kaloob-looban ko. ito yung unang beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. dahil pag tinatawag niya ako ay hindi naman niya binabangit ang pangalan ko, kundi mag sasalita lang siya.
"Po?" Nahihiya kong pag tatanong sa kanya na ngayon ay nakatingin sakin. Napatingin naman ako kay manong na nakangiti na nakatingin sakin.
"Maiwan ko na po kayo señorito, papakainin ko pa po yung ibang kabayo" nakangiti na saad ni manong bago yumuko sa harap ni señorito ng tumango lang ito.
"Come" pag tawag nito sakin ng makaalis na si manong. Nag dadalawang isip naman ako kung lalapit ba ako sa kanya, pero sa huli ay lumapit na ako.
Nagulat naman ako ng hinawakan niya ang kamay ko at nilapit sa mukha ng kabayo. Ito ang unang beses na naka hawak ako ng kabayo, nakakatakod kasi ang tangkad baka masipa kami.
"Señorito" gulat kong pag tawag sa kanya at agad hinawakan ang damit niya ng nilapit ng kabayo ang mukha niya sakin.
"Señorito baka masipa tayo" saad ko at mahigpit na napa kapit sa damit niya. Napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko ang mahina nitong pag tawa. Sa dalawang pag kakataon nakita ko nanaman ang nakangiti niyang labi na kinadagdag ng karisma niya. Napawi naman agad ang ngiti niya ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.
"Let's ko" seryoso nitong saad at agad tinanggal ang pagkaka tali sa kabayo.
"Po? Saan po señorito?" Pag tatanong ko sa kanya.
"Basta" tipid nitong sagod sakin. Nagulat naman ako ng hinawakan nito ang bewang ko at walang pag dadalawang isip na binuhat at agad ako sinampa sa kabayo.
"Señorito" natatakot kong saad ng gumalaw ang kabayo pero agad rin naman pinigilan ni señorito.
"Relax" saad ni señorito matapos sumampa sa kabayo. Dahil sa pag salita niya malapit sa batok ko ay bigla ako nailang dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumama duon.
"Diego" pag tawag ni señorito ng pangalan ng kabayo at agad ginalaw ang tali sa leeg nito. Agad naman tumakbo ng dahan-dahan ang kabayo.
Naiilang ako dahil ang lapit ng katawan ni señorito ramdam ko ang matigas niyang dibdib sa likot ko, Ang hininga niyang tumatama sa batok ko at ang dalawa niyang braso na naka palibot sa magka bilaan kong gilit dahil hawak niya ang tali sa leeg ng kabayo at pag protekta narin para hindi ako mahulog.
Binalewala ko na lang iyun at napatingin na lang sa paligid. Namangha naman ako dahil nandito kami sa napaka raming bulak-lak sa paligid, hindi ko alam ang mga pangalan ng iba ang iba naman alam ko. Sun flower, rose at iba pa. Ang gagandang pag masdan dahil sa ibat-ibang kulay, sumasabay pa ang hangin na nagpa dagdag ng ganda dahil parang sumasayaw ang mga ito.
Tumigil naman ang kabayo sa pag takbo at huminto sa isang tabi.. Habang pinag mamasdan ko ang paligid ay naramdaman ko ang kamay ni señorito na hinawakan ang buhok ko para taliin. Dahil ata na tumatama sa mukha niya ang buhok ko kasi sa hangin na tinatangay, mali din atang hindi ko tinali kanina.
"Let's go to another place?" Parang nag tatanong nitong saad sakin, kaya naman ay tumango na lang ako.
Tulad kanina ay mabagal lang ang pag takbo ng kabayo. Tahimik ko lang pinag mamasdan ang matatayong puno. walang nag sasalita samin, wala din naman akong masabi.
Hindi ko alam kung guni- guni ko lang ba O may naririnig talaga akong pag agos ng tubig, parang falls. Sa huli ay nasagod nga ang tanong ko ng makita ko ang napaka gandang talon, para kang nasa loob ng managinip sa sobrang ganda nito kulay blue ang tubig na parang inaakit ka talagang maligo. Meron naman talon sa probinsiya namin pero hindi ganito kaganda.
"Hey" napatingin naman ako sa tumawag at bigla akong nahiya ng makita kong nasa baba na si señorito habang inaabot ang kamay para alalayan ako.
Nahihiya ko naman hinawakan ang kamay niya, pero hindi ata sapat ang isang kamay ko sa pag baba dahil natumba kami dahilan ng pag dagan ko sa kanya. Narinig ko naman ang pag daing niya kaya naman ay dali-dali akong tumayo para tulungan siya sa pag tayo.
"Pasensiya na po señorito. saan po ang masakit?" Nag aalala ko pag tatanong sa kanya at agad napatingin sa likot niya na ngayon ay madumi na ang puti niyang damit dahil maputik at yun ata ang dahilan ng pag tumba namin dahil hindi niya ata nabalanse ang kanyang paa.
"I'm okey, nothing to worry" saad nito at siya na mismo ang tumayo. Napatingin naman ako sa mukha niya at mukhang totoo naman ang kanyang sinasabi.
"Señorito pasensiya na po talaga, nadumihan tuloy damit mo" nahihiya kong saad at napatingin sa damit niyang maputik.
"It's okey" napaiwas naman agad ako ng tingin ng makita kong hinubat niya ang damit niya. Hindi sinasadyang makita ko ang maganda niyang katawan.
"Hey are you okey?" Pag tatanong niya at hinarangan kung saan ako nakatingin pero wala naman duon ang atensiyon ko dahil sa nararamdaman kong ilang, lalo na nasa harap ko na siya at naka hubat pa.
'nakakailang'
Sa sobrang ilang ko ay parang naka limutan ko nang huminga.
"Po, Opo" hindi sigurado kong sagod sa kanya at agad umiwas ng tingin.
"Sorry to feel you not comfortable" sinsiro niyang saad sakin kaya naman ay napatingin ako sa mukha niya. Sa mukha niya talaga akong tumingin ayokong ibaba ang tingin ko at iniisip ko na lang ngayon na may damit siya.
"Okey lang po yun" nahihiya kong saad at nahihiya ring napangiti sa kanya.
"Lalabhan ko lang to at maliligo narin" saad nito sakin kaya naman ay tumango ako sa kanya na nakangiti.
"Ayaw mo bang maligo?" Seryoso nitong tanong sakin. Umiling naman ako sa kanya matapos kong tignan yung falls. Kahit gusto ko naman ay hindi puwede dahil bukot sa hindi ako marunong lumangoy wala rin akong damit na dala, lalo pa manipis tong suot kong damit.
"Hindi na po señorito, hihintayin na lang po kita" nakangiti kong saad sa kanya.
"Are you sure?" Paninigurado nitong tanong sakin kaya naman tumango- tango ako sa kanya na nakangiti.
Nag dadalawang isip naman itong napatango sakin bago umalis sa harap ko. Sumunod naman ako sa kanya para umupo sa isang bato malapit sa pinuntahan niya kung saan siya maliligo.
Napapatingin naman ako sa paligid dahil sa sobrang ganda. Sa totoo lang gusto ko talagang maligo pero baka malunod ako at wala rin akong damit. Kahit sino naman ang makakita sa ganda nito ay mapapaligo ka talaga.
Nagulat naman ako ng may tumalsik sakin na malamig na tubig. Napatingin naman ako sa may gawa nun at si señorito pala.
"Ayaw mo ba talaga?" Pag tatanong nito sakin.
"Hindi po ako marunong lumangoy" nahihiya kong saad sa kanya.
"At wala rin po dalang damit" dagdag ko pa. Nakita ko naman ang pag ngiti nito sakin dahilan ng pag kabog ng dibdib ko.
"Hali kana aalalayan kita" saad nito at lumapit sakin. Napa kagad labi naman ako dahil sa hiya at nag dadalawang isip pa ako.
"Trust me" seryoso nitong saad at pinag masdan ang mukha ko na parang nabasa niya ang nasa isip ko na nag dadalawang isip ako.
Lumapit naman ako sa kanya at dahan-dahan na inabot ang kamay niya. Kinakabahan at nanlalamig ako dahil baka malunod ako dito.
"Señorito" kinakabahan kong pag tawag sa kanya ng hangang leeg ko na yung tubig palalim ng palalim pa iyun.
"Relax" natatawa nitong saad sakin dahil ata sa nakikitang reaction ng mukha ko.
"Señorito!" Sigaw ko ng hindi ko na maabot ang paa ko sa baba. Agad naman akong napa kapit sa batok niya at napapikit ng mariin dahil sa sobrang kaba. Parang nagsisisi na akong naligo pa ako at gusto ko na lang bumalik ulit kung saan ako nakaupo kanina.
"Señorito gusto ko nang umuwi, ibalik mo na po ako dun" kinakabahan kong saad at mas lalong napa kapit sa batok niya, gusto ko nang maiyak dahil naaawa na ako sa sarili ko.
Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na hinawakan ang bewang ko at ang isa niyang kamay ay nasa braso ko na naka kapit sa batok niya.
"Relax yen, walang mangyayaring masama sayo" saad niya na parang pinapa tatag ako.
Napa siksik naman ako sa leeg niya at ilang beses napapailing.
Ayoko na talaga gusto ko nang umuwi'
"Gusto ko na pong umuwi" natatakot kong saad sa kanya at mas hinigpitan pa ang pag kapit sa batok niya.
"Hey relax okey kasama mo ako. nag titiwala ka naman sakin diba?" Saad at tanong nito sakin.
"Opo" napapatango nitong saad sakin.
"Kung ganun buksan mo ang mga mata mo" saad nito sakin. Nag dadalawang isip naman akong buksan ang mga mata ko dahil sa natatakot talaga ako. Pero kung hindi ko gagawin ay baka sabihin niya hindi ako nag titiwala sa kanya.
Dahan-dahan ko naman minulat ang mga mata ko at nag aalala ang mga mata niyang sumalubong sakin.
Agad ko naman iniwas ang tingin ko dahil bigla akong nahiya dahil ang lapit pala ng mukha naming dalawa. Ngayon lang bumalik ang hiya at ilang ko.
"Uuwi na po ba tayo?" Tanong ko sa kanya para makaiwas sa ilang at hiya.
"No. Hindi mo pa nga naeenjoy dito" nakangiti nitong sagod at saad sakin. Ilang beses na siyang ngumiti sakin parang nag iba na ata ang mood niya at biglang naging masayahin.
"Señorito ngumingiti kana po" masaya at pranka kong saad sa kanya at hindi na inalintana ang kabang nararamdaman.
Agad naman nawala ang ngiti niya na parang pinipigilan niya nang ilabas ulit. Nakikita ko ang pag pula ng tenga niya.
"I have something to say and ask" seryoso na nitong saad sakin at tinitigan ang mukha at mata ko. Kahit na nakaramdam ng kaba sa kung anong sasabihin niya at itatanong niya ay nag tanong na lang ako.
"Ano po yun?" Nahihiya kong tanong sa kanya. ilang minuto naman itong hindi nag salita at tinititigan lang ako. Naramdaman ko naman ang mahina nitong pag pisil sa bewang ko.
"C-an I-i" hindi matuloy- tuloy nitong pag sasalita. Ramdam ko ang kaba sa boses niya at seryosong nakatingin sakin na halos ayaw niya nang kumurap na parang gusto niya talagang makita kung ano ang magiging reaction ko.
"Can I court you?" Deretyo nitong pag tatanong sakin matapos bumuntong hininga. Dahil sa gulat sa sinabi niya ay hindi ako agad naka pag salita at pinipilit na intindihin ang sinabi niya sakin.
Babawiin ko na sana ang kamay ko sa pag kakapit sa batok niya ng agad niya iyun kinuha at binalik ulit dun. Mabuti na lang nahawakan niya agad ang kamay ko kundi baka nakainom na ako ng tubig.
Kahit sino naman kaya ang makakarinig sa sinabi niya ay magugulat talaga.. Ang dami nang tanong ang pumapasok sa utak ko kung bakit ako, kung anong nagustuhan niya sakin, kung bakit gusto niya akong ligawan, at lalong-lalo na amo ko siya at katulong lang ako?.. Kaya bakit liligawan niya ako?
"Po? Bakit ako?.. Hehehe nag bibiro kaba señorito?" Dinadaan sa tawa kong pag tatanong sa kanya, dahil baka nag bibiro lang siya at binabantayan kung anong magiging reaction ko sa biro niya.
"No. Mukha ba akong nag bibiro... Look seryoso ako yen, seryoso ako sa sinabi ko ngayon" seryoso nitong saad sakin habang pinaka titigan ang mata ko.
Hindi naman ako maka pag salita dahil sa sinabi niya at unti-unti na akong naniniwala na hindi nga siya nag bibiro. Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko halos hindi ko na mabuka ang bibig ko para mag salita.
At hindi ko din alam kung anong nararamdaman ko ngayon, hindi ko maintindihan halo- halo. Hindi ko maipaliwanag kahit na nasarili kong nararamdaman.
"Señorito umuwi na po tayo ang lamig na po, at baka hinahanap na po nila tayo" nailalang kong pag dadaholan sa kanya.. bumuntong hininga naman ito matapos akong titigan bago tumango at agad akong inalalayan para bumalik na kung saan ako umupo kanina..

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 23. Continue reading Chapter 24 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.