I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 26: Chapter 26

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 26 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 26: Chapter 26. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie POV
MATAPOS ang kaganapan kanina ay agad naman na kaming pumasok sa loob na tahimik. Tahimik ang dalawa at walang nag tangka na mag salita samin at ganun din si spencer dahil siguro napapansin niya ang pag tahimik at galit na mukha ng dalawa.
Nag seselos ba sila? O galit lang talaga sila samin? Ano naman ang dahilan? Ayoko naman mag assume na nag seselos nga talaga sila.
"Mabuti naka uwi na kayo" nakangiti na pag salubong samin ng lola ni señorito ng maka pasok kami sa loob. Pero agad rin napawi ang ngiti niya at napalitan ito ng pag tataka nag mapansin niya atang ang salubong at walang emosiyon na pag mumukha ng dalawa.
"Anong nangyari sa inyo? Bakit pawisan kayo? May nangyari ba?" Sunod-sunod na pag tatanong ni lola na may halong pag aalala.
Wala naman nag balak mag salita samin. Nakita naman namin ang bagod na pag upo nina sethrix at señorito sa magka bilaan na single sofa. Agad naman akong umiwas ng tingin ng tumingin sakin si señorito na salubong ang kilay.
Nakita ko naman ang pag lapit ni spencer sa lola ni señorito at may binulong na kinangiti ng lola ni señorito.
"Bweno. Dahil nandidito naman kayo, bakit hindi tayo pumunta sa hasyenda at magpaka busog. Nagpa handa ako ng makakain natin lahat, kasama ang mga trabahante para naman masaya" masaya at nakangiti na saad ng lola ni señorito samin.
"Kayo na lang, pagod ako" bagod na saad ni sethrix at pikit matang napatingala.
"Me too" walang emosiyon na saad ni señoritong nakatingin sakin, hindi niya parin inaalis ang tingin niya. Naiilang at kinakabahan na ako dahil galit nanaman siya.
"Mga ijo naman ngayon lang to, pag bigyan niyo na ako" may lungkot na saad ni lola elizabeth.
"Nag tatampo na tuloy ako sa inyo" dagdag na saad ni lola. Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni señorito at ganun din si sethrix.
"Fine, fine.. mag bibihis lang ako" pag suko at saad ni señorito bago tumayo at agad umalis sa harap namin at pumasok sa loob ng kwarto.
"Mag bibihis lang po ako lola" saad naman ni sethrix. Pero bago umalis may binulong muna siya kay ell.
"Mag usap tayo mamaya" nakita ko naman ang pag irap ni ell kay sethrix na kalmado lang pero hindi maitatago ang pag pula ng pisngi nito.
"Ija anong nangyari, bakit nag selos yung dalawa?" Natatawa at natutuwang pag tatanong ni lola samin at iginaya kami paupo sa sofa.
"Nag selos lola, kasi tumitingin sina ell at yen sa mga matchong trabahante mo po" madaldal na pag sasalita ni spencer habang kumakagad na ng apple, at ganun din ang kapatid ko na tahimik lang. Ngayon ko lang napansin na may mga prutas pala dito.
"Nakakatuwa naman at nag seselos sila" nakangiti na saad ni lola at napapailing.
"Nagalit lang po yun kaasi sinabi namin na ang sisipag ng dalawa" nakanguso na saad ni ell dahilan ng pag tawa ni lola.
"Tapos anong nangyari?" Natatawang pag tatanong ni lola.
"Sila po ang pumalit dun, parang galit pa nga e" saad ko naman.
"Talaga? Sila ang gumawa nang pang gatong?" Hindi maka paniwala na tanong ni lola samin.
"Yes grandma, si maximo at sethrix po ang gumawa nun. Iba talaga ang nagagawa ng selos" natatawa at napapailing na saad ni spencer.
"Hayyss nako ang mga apo ko inlove na talaga... Ohh siya hindi ba kayo mag bibihis pupunta tayo dun sa hasyenda?" Nakangiti na pag tatanong ni lola samin.
"Sige po mag bibihis lang po ako" nakangiti na saad ni ell bago umalis.
"Ako din" saad naman ni spencer.
"Ate naiihi po ako" napatingin naman ako sa kapatid ko ng sabihin niya iyun.
"Lola maiwan ko na po kayo dito, sasamahan ko lang po yung kapatid ko naiihi daw po e" nakangiti at nahihiya kong saad.
"Sige iha" nakangiti na saad ni lola.
"Hali kana tan" saad ko sa kapatid ko bago binuhat. Ang bigat na ng kapatid ko dahil dumadagdag na ang timbang niya, hindi tulad dati ang payat niya. Natutuwa ako dahil lumalakas na siya at aktibo.
"Ate dito kana lang po sa labas mag hintay, Kaya ko naman po" nakangiti na saad ng kapatid ko sakin ng mag balak pa sana akong samahan siya sa loob.
"Sigurado kaba?" Paninigurado kong tanong sa kanya.
"Opo ate, kaya ko na po malaki naman na po ako e" nakanguso nitong saad sakin. Napangiti naman ako sa kanya bago pisilin ng mahina ang ilong niya, bago siya ibaba.
"Sige. tawagin mo lang si ate huh pag di mo kaya" nakangiti kong saad sa kanya.
"Opo ate" nakangiti nitong saad sakin bago pumasok sa banyo at isarado ang pintuan.
Napapailing at napa buntong hininga muna ako bago sumandal sa pinto ng banyo. Nang pag harap ko , nagulat pa ako ng makita ang mukha ni señorito na walang emosiyon nakatingin sakin habang pinag saklop ang dalawang braso sa dibdib niya.
"Señorito may kailangan ka po ba?" Pilit na hindi mautal kong pag tatanong sa kanya. Hindi ko naman pinahalata na kinakabahan ako sa prisensya niya.
"Nothing.. I just want to say.." hindi nito natuloy na pag salita at nilapit ang mukha sa tenga ko bago may binulong.
"I'm f*cking jealous for d*mn sake" nag sitayuan naman ang balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya sakin, bago nilayo ang mukha matapos sabihin iyun.
Tinitigan niya muna ako bago umalis sa harap ko na tulala dahil sa sinabi niya.. Nang hindi ko na siya nakita ay dun lang ako nakahinga ng maluwag at hindi parin maka paniwala sa sinabi niya.
Hinawakan ko naman ang dibdib ko nang bigla na lang kumabog ng malakas. 'hindi puwede to!'
"Ate?" Nabalik naman ako sa wisyo ng marinig ko ang pag tawag ng kapatid ko. Tumingin naman ako sa kanya na ngayon ay naka tingalang nakatingin sakin at nag tatanong ang mukha.
"Bakit?" Pag tatanong ko sa kanya, dahil sa kunot niyang mukha, habang pinag mamasdan ng maigi ang mukha ko.
"Anong bakit ate?. dapat ako ang nag tatanong sayo niyan" saad nito habang kumakamot ng ulo.
"Huh?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan.
"Kasi ate kanina pa kita tinatawag, hindi ka nag sasalita. kanina ka pa din tulala jan" lintaya na sagod nito sakin. Bigla naman ako nahiya dahil umiiral nanaman ang pagiging tulalera ko.
"Ahh ganun ba.. tapos kana bang umihi?" Saad at pag tanong ko sa kanya.
"Opo ate.. kaya po kita tinatawag kasi hindi ko po maiboton tong short ko ate" nakanguso nitong saad sakin. napatingin naman ako sa ibaba niya ng sabihin niya iyun nakita kong nahulog pa ang suot niyang short.
Ngumiti naman ako sa kanya bago pinantayan siya para iboton ang suot niyang short. Matapos yun ay pinisil ko naman ang ilong niya dahil nakanguso parin siya na parang nag tatampo.
"Sorry na" nakangiti kong saad sa kanya bago siya binuhat at nag lakat na pabalik sa lola ni señorito na nag hihintay.
"Okey na ate" nakangiti nitong saad at hinalikan ako sa pisngi, bago ako niyakap. Napangiti naman ako dahil nag lalambing nanaman. ginulo ko na lang ang buhok niya. Hindi niya talaga ako natitiis.
"So kompleto na tayo, pumunta na tayo dun" nakangiti na saad ng lola ni señorito. Ako na lang pala ang hinihintay nila dito.
"Pasensiya na po. pinag hintay ko pa kayo" nahihiya kong saad at napatingin kay señorito na nakatingin din pala sakin. Agad ko naman iniwas ang tingin ko at tumingin na lang kay lola eliza.
"Ayos lang ija, bago lang din sila" nakangiti na saad ni lola eliza. Ngumiti naman ako. Bago kami nag lakat papalabas ng mansiyon.
"Ako na" Napatigil naman ako sa pag lalakat bago tumingin sa tabi ko ng mag salita siya. Bigla naman akong nahiya ng si señorito pala, habang ang mga kasama namin ay nauuna na sa pag lalakat. Napatingin naman ako sa kapatid ko na tulog na pala, dahil siguro napagod sa pag lalaro kanina.
"Nako hindi na po señorito, kaya ko na po" nahihiya kong saad at mag lalakat na sana ng hinawakan niya ang balikat ko.
"I insist" malamig nitong saad sakin at nakipag titigan sa mga mata ko.
"Pero--"
"No more buts" pag puputol niya sana sa sasabihin ko. Bago kinuha ang kapatid ko na natutulog, hindi na lang ako nakipag talo sa kanya at hinayaan na lang siyang buhatin ang kapatid ko.
Tahimik naman kaming nag lalakat, walang nag balak mag salita saming dalawa. Ayoko naman basagin ang katahimikan dahil naalala ko pa ang sinabi niya sakin kanina at dumagdag pa nung sinabi niya kahapon sakin.
"Wag kana tumingin ulit sa iba, nag seselos ako" natigilan naman ako nang marinig ko nanaman ang katagang iyun. Tumingin naman ako sa kanya na seryoso lang nakatingin sa daan.
"Gusto ko, ako lang" dagdag pa nito. Sa pag kakataon to ay nakatingin na siya sakin na nag nakikiusap ang mga mata at nag seselos. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil sa pag kabog ng dibdib ko at hindi na lang nag salita. Para kasing may bulate na sumasayaw sa loob nito na nag bibigay ng kiliti.
"Magandang tanghali donya eliza at señorito maximo" pag salubong na pag bati ng mga trabahante nina señorito.
"Magandang tanghali din sainyo" nakangiti din na pag bati pabalik ni lola eliza. Habang si señorito ay tahimik lang, pero ngumiti siya rito ng tipid na kinagulat ng lahat. mukhang sa nakita nilang pag ngiti ni señorito ay isang himala dahil sa itsura nila.
"Hali na ho kayo, naka handa na ho ang mga pag kain" pag lapit ng isang matandang babae kay lola eliza.
"Salamat lina" pagpapa salamat ni lola eliza sa matanda bago ito yumuko at umalis na sa harap namin.
"Mga ijo, ija hali na kayo. Kumain kayo ng marami" nakangiti na saad ni lola eliza samin.
"Sige po, salamat po" nakangiti na pagpapa salamat ni ell..
"Nako lola hindi ko papalagpasin yan, ngayon na lang ulit ako makakain ng lutong probinsiya" natatawang pag bibiro ni spencer na kinatawa naman ni lola eliza at ganun din naman kami pwera na lang sa isa.
"Nako ijo alam ko nayan, kilala na talaga kita" pag bibiro din ni lola eliza na sinang ayunan din naman ni nanay sita.
"Hali na lola, kumain na tayo gutom na ako" nakanguso na saad nito habang hinihimas pa ang tiyan niya na kinatawa nanaman namin.
"Ohh siya hali na kayo" napapailing na saad ni lola bago nag lakat at sumunod naman sila. Tumingin naman ako kay señorito.
"Señorito ako na po, kumain kana po muna dun" saad ko at kukunin na sana ang kapatid ko ng nilayo niya ito.
"Paano ka?" Salubong ang kilay nitong tanong sakin.
"Mamaya na po ako kakain, pag gising na po ang kapatid ko" sagod ko sa kanya. Narinig ko naman ang pag buntong hininga nito.
"Sumunod ka muna" saad nito at agad nang umalis sa harap ko. Kahit nag tataka man ay sumunod na lang ako sa kanya...
"Ano pong ginagawa natin dito señorito?" May pag tataka kong tanong sa kanya at napatingin sa paligid. Nandito kami sa isang mahabang upuan at ang kaharap nito ang magandang tanawin, Nakakalula dahil bangin ang nasa harap namin.
"Umupo ka" utos na saad nito sakin. Umupo na lang ako para malaman na ang sagod kung bakit kami nandito, baka hahanapin kami dun pag hindi kami nakita.
Medyo nagulat pa ako ng makita ko na umupo rin ito sa tabi ko habang nakatingin na sa harap.
"Mamaya narin ako kakain" saad nito at tumingin sakin.
"Baka po hanapin ka dun" nahihiya kong saad sa kanya.
"Alam na yun ni lola" saad nito sakin bago ngumiti. Agad akong umiwas ng tingin dahil ramdam ko na ang pag iinit ng pisngi ko..
'Bakit ba ang hilig niyang ngumiti ngayon?'
"Ito ang favorite place ko sa lahat" biglang pag basak nito sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya na malalim nanaman ang pag iisip.
"Nakakatuwang kasing makita ang ulap, na kung titignan mo parang ang dali lang makuha. Pero pag alam mo talaga ang totoo sa likot nito sobrang taas pala nun, Hindi mo maabot" saad nito at tumingin sa mga mata ko.
"Parang ikaw" nagulat naman ako sa dinagdag niyang saad.
"Po?" Naisaad kong pag tanong sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan.
"Akala ko kasi nung una madali kang makuha, pero hindi pala.. mukhang ang dami ko pang kailangan gawin at harapin para mapa tunayan sayong seryoso ako" lintaya na saad nito dahilan ng pag kabog lalo ng dibdib ko. Parang ako mismo naririnig ko na ang malakas na pag kabog.
"Señorito.. ano po kasi.. amhmm" napa buntong hininga muna ako, para kumuha ng lakas para masabi kung anong gusto kong sabihin ngayon.
"Natatakot ako señorito, hindi ko kasi alam kung anong plina- plano mo?... Ano po bang nagustuhan mo sakin? Ang dami naman po jan, na mas babagay po sayo?" Saad at pag tatanong ko sa kanya at sinalubong ang mga mata niyang nakaka- akit sa ganda.
"Pero ikaw ang gusto ko, kahit sabihin mong madaming naka paligid jan. Ikaw at ikaw parin ang nakikita ko" sagod nito sakin. Dahil sa sinagod niya ay hindi ako makapag salita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"Dahil ba to sa hindi maganda ang pinakita ko pag uugali sayo nung una?" Seryoso nitong tanong sakin. Pero batid ko sa boses niya ang lungkot ng tinanong niya iyun.
Hindi lang naman dahil dun, Natatakot ako dahil ayaw kong maniwala na ang isang tulad niya ay magkaka gusto sa isang tulad ko.
Siguro nabibigla lang siya sa mga sinasabi niya ngayon? Siguro kailangan niya munang siguraduhin ang mga sinasabi niya sakin. Dahil baka ako lang ang masasaktan pag ipagpapa tuloy niyang sasabihin ang mga mabulak- lakin niyang salita.
Napa yuko naman ako at napa buntong hininga at malihim na napa kagad labi dahil sa kaba.
"Hindi lang naman dahil dun señorito... Baka po kasi nabibigla ka lang, siguro po kailangan mo munang pag isipan ang mga ito kung sigurado ka po ba" nakayuko kong saad sa kanya.
"D*mn.. ilang beses ko nang pinag isipan to, ilang beses ko narin tinanggi sa sarili ko na hindi kita magugustuhan. But look nandito ako ngayon sa harap mo at sinasabi ang mga salitang to.. f*ck" lintaya na saad nito sakin. Ramdam ko sa boses niya ang hiya at may halong inis dahil sa sinasabi niya ngayon.
Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na sa harap at rinig ko ang mabibigat nitong pag buntong hininga. Napangiti naman ako dahil sa nakikita ko ang pisngi at tenga niyang namumula.
"What? Bakit ka nakangiti jan?" Salubong na kilay nitong tanong sakin. Kinagad ko naman ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag laki ng ngiti ko. Nakakatuwa kasing makita ang mukha niya ngayon, dahil parang kinikilig siya na ewan.
"Wala po, wala" napapailing at napapa kagad labi kong sagod sa kanya at agad umiwas ng tingin para hindi niya makita ang pag pigil ng ngiti ko.
"Hindi ko hihintayin ang sagod mo kung papayag kabang ligawan kita. Gagawin ko ang lahat para maipakita sayo na seryoso ako. Dahil ang gusto kong sagod na lalabas sa bibig mo ang pinaka hihintay ko" saad nito sakin dahilan ng pag baling ko ng tingin sa kanya na ngayon ay nakatingin din sakin.
Hindi nanaman ako naka pag salita dahil sa bulak-lakin niyang salita, na siyang kumakabog sa loob ng dibdib ko.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 26. Continue reading Chapter 27 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.