I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 28: Chapter 28
You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 28: Chapter 28. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.
                    Yennie POV
BALIK trabaho na ulit ako sa mansyon ni señorito ngayon, pero ang pinag tataka ko lang ay kung bakit hindi pumasok ngayon si señorito?. Dapat kanina pa siya pumasok pero malapit nang mag tanghali ay nandito parin siya.
Palakat- lakat sa harap ko habang nag wawalis ako, kanina pa ako nahihilo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang may iniisip siya ngayon na kailangan niyang gawin.
"Señorito" pag tawag ko sa kanya na kinahinto nito at agad ako binalingan ng tingin.
"Bakit?" Tanong nito sakin ng masinsinan. Parang nag iba ata siya? Anong nakain niya?
"May problema po ba señorito? Kanina pa po kayo paikot- ikot sa harap ko, hindi ka po ba napapagod?" Napapa kamot ulo kong tanong sa kanya. Narinig ko naman ang mahina nitong pag ubo bago tumingin sakin ng seryoso.
"Nothing. Gusto ko kasi tumulong sa pag lilinis, pero hindi ko kasi alam kung paano" medyo nahihiya nitong saad sakin.
Nagulat naman ako sa narinig. Mukhang ang lakas ng tama niya? Bakit naman niya gustong tumulong, sinapian ba siya ng multong masipag?
"Po? Hindi niyo naman po kailangan tumulong sa pag lilinis, kaya naman na po namin" may pag tataka kong saad sa kanya at sinalubong ang kanyang titig.
"I want to help. May masama ba dun? Gusto ko mag linis wala naman din kasi akong ginagawa" saad nito sakin at inagaw sa kamay ko ang walis.
"Señorito wag na po, kaya naman na po namin, magpa hinga kana lang po jan kung wala Kang gagawin" saad ko sa kanya at kukunin na sana ang walis sa kamay niya nang agad niya itong nilayo.
"I said, I want to help. Wag nang madaming sinasabi, turuan mo na lang ako" saad nito sakin at tinitigan ang mga mata ko. Napa buntong hininga naman ako dahil mukhang wala na akong magagawa, dahil siya na ang nag didisisyon.
"Ijo bakit ikaw ang nag tatanggal niyan?" Gulat na tanong ni nanay sita habang nakatingin kay señorito na tinatangal ang kurtina, dahil lalabhan na ito.
"I want to help manang, i want to learn how to clean house" saad ni señorito bago humarap samin matapos matanggal ang kurtina.
Napatingin naman sakin si nanay sita na gulat ang mga mata at parang nag tatanong kung anong nakain ni señorito. pero nag kibit balikat na lang ako sa kanya, dahil hindi ko din maintindihan si señorito.
"Ohh siya ikaw bahala kung gusto mo talaga, basta kung pagod kana iwan mo na lang jan at kami na lang ni yen ang tatapos" lintayang saad ni nanay sita kay señorito..
Tumango na lang si señorito bago tumingin sakin, ngumiti na lang ako sa kanya na nahihiya.
Nang umalis na si nanay sita ay pinagpa tuloy na namin ang pag tanggal ng mga kurtina sa glass window nitong mansyon niya.
"Ako na baka mahulog ka" rinig kong saad ni señorito habang tinatanggal ko ang isang kurtina na malapit ko nang matanggal.
"Wg na po señorito, malapit ko naman na matanggal" saad ko sa kanya at tumingkayat pa ng konti, dahil hindi ko maabot ang dulo nito. Dahan-dahan ko naman ito tinanggal dahil baka mahulog din ako sa upuan.
"Ako na lang ang tatangal jan, wag mo nang pilitin abutin. Baka mahulog ka lang pag pinilit mo pa" saad nito sakin. Nabigla naman ako ng hinawakan nito ang bewang ko at agad akong inaalis sa pag kakatayo sa upuan. Gaano ba ako kagaan? At nabubuhat niya lang ako ng ganung kadali, nang hindi man lang nahihirapan?
Wala na lang akong nagawa at tumingin na lang sa kanya habang tinatangal ang kurtina na kanina ko pa pilit na tanggalin. Dahil matangkat siya ay madali lang para sa kanya ang matanggal iyun.
"Akin na po señorito, ako na po ang mag lalaba. Pahinga kana lang po jan" Nakangiti kong saad sa kanya, bago kinuha ang kurtina sa kamay niya.
"Tayo na ang mag lalaba" saad nito sakin bago kinuha ang ibang kurtina sa kamay ko.. Ang kulit din pala niya, hindi ko alam kung para saan tong ginagawa niya? Kahit ayaw kong isipin na parang ito yung daan para maipakita niya sakin na seryoso siya, ay hindi ko napipigilan maka ramdam ng pag kabog ng dibdib.
"Señorito ako na lang po, mukhang pagod kana po kasi. Pahinga kana lang po muna jan, pinag papawisan kana po oh" saad ko sa kanya at kinuha ang panyo sa balikat ko at agad pinunasan ang pawis sa nuo niya.
Sinama ko narin pati ang leeg niya dahil baka magka sakit nanaman siya sa pinag gagawa niya ngayon, at mukhang hindi pa naman siya sanay sa mga gawaing bahay.
Napatigil naman ako ng mapag tanto ko ang ginagawa ko ngayon. Nahihiya naman akong napatingin sa kanya na ngayon nakatitig na sa mukha ko.
"Ahmm ito po señorito panyo, may pawis ka pa po oh" nahihiya kong saad at agad binigay sa kanya ang panyo na hawak para ipagpa tuloy niya ang pag punas.
Kinuha ko naman ang ibang kurtina bago tumalikot at napa pikit ng mariin dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
HABANG kinukusot ang kurtina, bigla naman akong natigilan ng sumulpot na lang bigla si señorito at tinulungan akong mag laba.
Hindi kasi ito puwede sa washing machine dahil baka masira at mag halo ang ibang kulay, kaya kinamay ko na lang sila.
"Señorito wag na po" pag pigil ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin na salubong ang kilay.
"Bakit ba kanina mo pa ako pinipigilan? Sabi nang gusto kong tumulong" saad nito sakin. Napa buntong hininga muna ako dahil nakukulitan na ako, baka kasi masugatan ang kamay niya dahil hindi siya sanay sa sabon na ito.
"Señorito hindi ka po sanay sa mga gawaing bahay, baka po magka sakit ka. kaya ako na lang po dito wag kana pong tumulong, baka magka sugad din po kamay mo dahil sa pag kusot ng labahan" lintaya kong saad sa kanya at sinalubong ang mata niyang bigla na lang naging maamo.
"Nag aalala ka sakin?" Nakangiti nitong tanong sakin bago hinawakan ang kamay ko.
"Po? Hindi po huh" pag tatanggi ko sa kanya at pinagpa tuloy ang pag laba para makaiwas narin sa tanong niya sakin.
"Okey. Basta gusto kong tumulong" saad niya bago tumulong sakin. Napatingin naman ako sa kanya na seryoso ang pag kusot ng mga kurtina. Napapailing na lang ako dahil ang kulit niya.
"Baka lamunin na ako ng mata mo, sa sobrang lalim ng titig mo" agad naman akong napaiwas ng tingin at nag kunwaring kinukusot ang kurtina. Ikalawang kahihiyan nanaman ang ginawa ko.
"Okey lang na titigan mo ako, basta ako lang" saad nito. Gulat naman akong napatingin sa kanya ng pinahiran niya ako ng bula sa ilong ko. Nakita ko naman ang pag ngiti nito sakin na parang natutuwa sa nakikitang reaction ko.
Natawa naman ako ng makita ko ang mukha nito na puno ng bula, dahil pinahiran ko rin siya ng bula sa mukha niya. Pero mukhang nasobrahan dahil buong mukha niya puno ng bula.. gusto niya kasi ng laro kaya ginantihan ko na siya.
"Señorito tama na po hahaha" natatawa kong pag pigil sa kanya ng pinahiran niya rin ako ng bula sa buhok.
Para na kaming t*nga at bata sa ginagawa namin ngayon. Gantihan ng parihan nang bula na kami. Pero natutuwa akong marinig na tumatawa na si señorito parang musika sa tenga ang pag tawa niya.
NANG pag labas ko ng kwarto ay agad na akong dumeretyo ng kusina. Matapos kasi ang pag laba namin ni señorito ay agad na akong naligo, dahil ang lagkit sa balat ng bula.
Nagulat pa ako ng makita si señorito na nag lilinis ng isda sa lababo. Agad naman akong lumapit sa kanya ng makita kong nahihirapan siya sa pag tanggal ng kaliskis.
"Señorito ako na po jan" saad ko sa kanya.
"No. ako na, I can do this" saad nito sakin at pinagpa tuloy ang pag tanggal ng kaliskis.
Napa buntong hininga na lang ako dahil wala nanaman akong nagawang pag pigil sa kanya.
"Saan po si nanay sita señorito?" Nag tataka kong tanong sa kanya ng hindi ko nakita dito si nanay sita.
"Pumunta ng palengke" sagod nito at seryoso sa pag lilinis ng isda. Napatingin naman ako sa mukha niya dahil mukhang gusto niya talagang matuto?
"Ahh ganun po ba" naisaad ko na lang at napatingin na lang sa ginagawa niya. Napailing naman ako dahil hindi pa tama ang pag lilinis niya.
"D*mn" daing na pag mura niya. Bigla naman akong nataranta ng makita kong hawak niya na ang kamay niya.
"Señorito ayos ka lang po ba? Sabi ko naman sayo ako na e" may pag aalala kong tanong at saad sa kanya. agad ko naman kinuha ang kamay niya para tignan.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong hindi naman siya nasugatan. Natamaan lang ata siya ng tinik ng isda.
Napatingin naman ako sa kanya at agad ko nang binitawan ang kamay niya ng nakatingin siya sakin na nakangiti.
"Sabi na e nag aalala ka sakin" nakangiti nitong saad sakin na kinainit ng mukha ko at pag kabog ng dibdib ko sa hiya.
'Oo na nag aalala na ako sayo' saad ng isip ko bago umiwas ng tingin at napapa kagad labi na lang para dun ilabas ang kahihiyan na nararamdaman ko.
"T-uruan na lang po kita, para matapos na po" utal na saad ko sa kanya.
Pumunta naman ako sa likot niya bago hinawakan ang kamay niya, na ngayon ay hawak ang malaking isda. Napa angad naman ako ng tingin sa kanya ng hindi ito gumagalaw.
"Bakit po? may problema po ba señorito?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Napa kunot naman ang nuo ko ng makita ko ang pag pula ng tenga niya?
"Nothing" tipid nitong saad sakin bago bumaling ang tingin niya sa isda, kaya naman dun ko narin tinuon ang atensiyon ko para simulan siyang turuan kung paano mag linis ng isda.
NATAPOS ang buong tanghali na tinuruan ko siya kung paano linisin ang buong mansyon at kung paano mag luto. Lahat ng alam ko sa pag lilinis tinuruan ko na dahil hindi siya nagpapa pigil lahat ng trabaho namin dito ni nanay sita halos siya na ang gumawa.
"Tama na muna yan, hali na muna kayo at mag meryenda" napatigil naman kami sa pag tatanim ng halaman ng dumating si nanay sita na may dalang pagkain.
Pinunasan ko naman ang nuo sa pawis ko dahil narin sa sobrang pagod.
"Let me" napatingin naman ako kay señorito ng bigla niya na lang pinunasan ang pawis sa nuo ko.
"Ako na lang po señorito" pag pigil ko sa kanya at lalayo na sana ng konti ng hinatak niya ang kamay ko para mapa lapit sa kanya.
Napatitig naman ako sa kanya dahil ang lapit ng mukha niya sakin, habang pinupunasan ang pawis ko sa nuo. Napatigil naman ito sa pag punas at tinitigan din ako ng mapansin niya ang pag tingin ko sa kanya.
"Ahemm baka naman lalangamin na ako dito" bigla naman akong lumayo kay señorito ng biglang nag salita si nanay sita. Nakakahiya nakalimutan kong kasama pala namin si nanay sita.
"Kain na po muna tayo" nahihiya kong saad bago nag mamadaling nag hugas ng kamay sa malapit na gripo sa pwesto namin.
Hindi ako makatingin ng deretyo sa mata ni señorito habang kumakain kami kasama si nanay sita dito sa garden nila. Kapag nahuhuli ko siyang tumitingin sakin ay agad ko na iniiwas ang tingin ko. Para kasing nakakatunaw ang tingin niya, hindi ko kayang salubungin. Dahil kumakabog ang dibdib ko, kahit hindi ko man aminin ay kinikilig ako, isama narin ang hiyang nararamdaman ko.
"Ija anong balak mo gawin sa sunday?" Tumingin naman ako kay nanay sita na may pag tataka dahil sa tanong niyang iyun.
"Dito lang po nanay sita?" May pag tataka kong sagod sa kanya. Napa kunot naman ang nuo nito dahil sa sagod ko sa kanya?
"Bakit naman? Diba kaarawan mo iyun?" May pag tataka nitong tanong sakin na kinagulat ko dahil paano nalaman ni nanay sita, ipag sabay na rin kahit sariling kaarawan ko malapit ko nang maka limutan.
"Paano niyo po nalaman nanay sita?" Nahihiya kong tanong sa kanya bago uminom ng juice.
"Sinabi kasi sakin ni ell. Baka daw na gusto mong pumunta dun sa kanila, at makaka pag handa agad daw sila" sagod ni nanay sita sakin.
"Ahh ganun po ba" medyo nahihiya kong saad bago napa buntong hininga.
"Tatawagan ko na lang po mamaya si ell nanay sita, ako na lang po ang mag sasabi sa kanya" nakangiti kong saad sa kanya bago pinagpa tuloy ang kinakain.
"Wala kabang balak mag enjoy?" Napatingin naman agad ako kay señorito ng bigla siyang mag tanong. Ngumiti naman ako sa kanya bago napailing.
"Hindi naman na po iyun kailangan" nakangiti kong sagod sa kanya.
"At isa pa po gagasto nanaman si mama fe, nakakahiya na po sa kanya.. ang impormatante naman po buhay at malusog" dagdag kong saad sa kanya. Tinignan naman ako nito ng mabuti, kaya naman ay ngumiti na lang ako para makaiwas sa ilang.
Wala naman na nag salita samin kaya naman ay pinagpa tuloy ko na lang ang kinakain ko, siguro mag sisimba na lang ako dahil sunday naman.
NAPAUPO naman ako sa kama at napa sabunot ng buhok dahil hangang ngayon ay hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Tumayo naman ako ng napag isipan kong pumunta na lang sa labas para uminom ng tubig, baka kasakaling dalawin na ako ng antok pag tumayo ako.
Hindi pa ako nakakarating ng kusina ng makita ko si señorito nakaupo sa sofa habang may ginagawa. Habang nakabukas ang tv, kahit hindi naman siya nanunuod.
"Señorito" pag tawag pansin ko sa kanya dahilan ng pag hinto nito sa ginagawa niya. Lumapit naman ako sa kanya para makita kung anong ginagawa niya, dahil medyo madilim sa dereksiyon niya dahil naka patay ang ilaw.
"Bakit gising ka pa po?" May pag tataka kong tanong ng maka lapit na ako sa kanya. Napatingin naman ako sa hawak niya ngayong alcohol, bigla naman akong natigilan ng makita kong may pasa siya sa kamay. Namumula pa ito at bumabalat, mukhang dahil ito sa pag laba niya at pag prito ng isda kanina dahil natatalsikan siya.
Napa buntong hininga naman ako bago umupo sa tabi niya at kinuha sa kamay niya ang alcohol at bulak.
"Sabi ko naman po sayo señorito wag kanang tumulong, dahil hindi sanay nang kamay mo sa sabon, tignan mo po ang nangyari sa kamay mo nasugatan" may pag aalala kong saad sa kanya at dinampian ng mahina ang bulak sa kamay niya.
"Ayos lang to, hindi naman ako mamamatay sa konting sugat lang" saad nito sakin.
'Hindi daw mamamatay sa konting sugad, pero kung makadaing, parang mamamatay na?'
Hangang ngayon iniisip ko parin ang mga ginawa niya kanina at iniisip korin na kaya niya ito ginawa dahil ito ang daan niya ng pang liligaw. Hindi niya naman kailangan gawin ang lahat ng ito? Ang gusto ko lang naman ay iparamdam niya sakin.
' pero hindi paba to pagpapa ramdam'?
"Señorito bakit niyo po ginawa ang lahat ng iyun?" Tanong ko sa kanya ng matapos ko nang gamutin ang mga sugat niya sa kamay.
Napatingin naman ako sa kanya at hinihintay ang magiging sagod niya sakin. Tumingin naman ito sakin ng seryoso at sinalubong ang tingin ko, bago ito napa buntong hininga.
"Gusto ko kasing ipakita na kaya kong makipag sabayan sa inyo, yung hindi mo iisipin na ang layo ng estado natin sa buhay" seryoso nitong saad sakin. Napayuko naman ako dahil sa narinig ko sa kanya.
"gusto ko rin maramdaman mong seryoso yung pag mamahal ko para sayo, kaya wang mong isipin na hindi tayo bagay dahil lang sa ang layo ng estado natin sa buhay. Mahal kita kung sino ka at tanggap ko lahat- lahat sayo" dagdag nitong saad sakin. Napa angad naman ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang mapupungay niyang mga mata.
Grabe yung pag kabog ng puso ko ngayon, parang naririnig ko na sa sobrang lakas. Kilig, saya at konting kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
"Señorito bigyan mo po muna ako ng pag kakataon para makapag isip" nahihiya kong saad sa kanya at napayukong napa kagad labi.
"It's okey, naiintidihan ko. Mahal kita yen at irerespeto ko kung ano man ang magiging disisyon mo, tatangapin ko iyun" saad nito at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako duon ng pinisil niya ito ng mahina at agad rin napa angad ng tingin na sinalubong ang mga mata niya. ramdam ko ang pag lalamig ng kamay niya na parang kinakabahan.
Kinakabahan naman akong napapikit ng nilapit niya ang kanyang mukha sakin. Naramdaman ko na lang ang mainit nitong labi na dumampi sa nuo ko, na mas kinadagdag nang pag kabog ng puso ko sa kilig.
                
End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 28. Continue reading Chapter 29 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.