I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 33: Chapter 33
You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 33: Chapter 33. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.
                    Yennie POV
LUMABAS na ako sa kwarto ng matapos kong maka pag ayos. Pupuntahan ko ngayon ang kapatid ko para ipa bunot ang ngipin niya. Nag text kasi sakin si ell na sumasakit daw ang ngipin ng kapatid ko, hindi daw kumakain dahil sa sakit ng ngipin.
Yen naka pag ayos na si tan, hinihintay kana lang dito. Sorry huh hindi kita masasamahan kasi may exam kami ngayon' nang mabasa ko ang text ni ell agad ko naman siyang nireplyan.
Ayos lang ell ano kaba. Good luck sa exam mo :)' matapos kong siyang replyan ay agad ko naman nilagay ang cellphone sa slling bag ko.
"Good morning my sweetie yen" tumayo naman ako sa pagkakaupo sa sofa nang makita ko sa harap ko si maximo.
"Where are you going? Bakit nakabihis ka?" May pag tataka nitong tanong sakin matapos akong halikan sa nuo.
"Hmm amh magpapa alam lang sana ako kung puwede pumunta sa kapatid ko, para samahan magpa bunot ng ngipin" nahihiya kong saad sa kanya sabay kamot ng kilay.
"Sure walang problema basta ikaw. Hindi naman ako makakatanggi sayo my sweetie" nakangiti nitong saad sakin na kinangiti ko din sa kanya.
"Salamat ximo. Promise uuwi din agad ako" nakangiti kong saad sa kanya.
"Hatid ko na kayo nang kapatid mo dun. Pero hindi ko na kayo mahihintay kasi may urgent meeting ako ngayon" nakangiti nitong saad sakin sabay gulo ng buhok ko.
"Nako wag na may meeting ka pala e. Kaya naman namin, baka mahuli ka ngayon dun. sige na pumunta kana, kaya ko na" saad ko sa kanya.
"Nop maihahatid ko pa kayo, 9: 30 ang sinabi kong time dun.. kaya hali kana" saad nito sakin bago ako hilahin palabas ng mansyon.
"Teka, hindi kapa nag almusal" pag pigil na saad ko sa kanya.
"Hindi na dun na lang sa opisina" nakangiti nitong saad sakin bago ako pag buksan ng pinto. Ngumiti naman ako sa kanya bago pumasok sa loob...
"Promise mo na mag aalmusal ka dun huh? Pag nalaman ko talaga hindi, kukurutin ko yang pisngi mo" pananakot kong saad sa kanya na kinatawa nito.
"Yes sweetie" natatawa nitong saad sakin bago paandarin ang sasakyan.
"ATE YEN!" Sigaw na pag tawag ng kapatid ko at agad akong sinalubong ng yakap ng pumasok kami sa loob ng bahay. Agad ko naman siyang binuhat bago halikan sa pisngi, pero agad din naawa dahil nakita ko ang pamamaga ng pisngi nito.
"Hi kuya max" pag kaway na saad ng kapatid ko kay maximo. Ngumiti naman si maximo dito bago ginulo ang buhok ng kapatid ko.
"Yen mabuti nandito kana" nakangiti na saad ni mama fe nang maka lapit samin.
"Opo. Mano po mama fe" nakangiti kong saad bago nag bigay galang sa kanya.
"Magandang umaga po auntie" nakangiti na saad ni maximo at ganun din ang ginawa niya.
"Nako magka sama pala kayo. Hali na muna kayo at ipag hahanda ko kayo ng makakain niyo" nakangiti na saad ni mama fe na agad ko naman tinangihan.
"Wag na po mama fe nag mamadali din po kasi si ximo, may urgent meeting po e" nakangiti kong saad.
"Next time po auntie dadalaw kami dito" nakangiti na saad ni maximo bago hawakan ang bewang ko.
"Hmm ganun ba, ohh siya sige na baka mahuli pa nga si maximo. Pumunta na din kayo para hindi na to nahihirapan ang kapatid mo, ayaw kumain kasi sobrang sakit daw ng ngipin niya" may awang pagpapa liwanag sakin ni mama fe.
"Sige po mama fe aalis na po kami" nakangiti kong saad. Lumabas naman na kami at nilagay ko naman sa likot si tan-tan bago ako pumasok sa katabi ni maximo.
"Saan dentist ko kayo ihahatid?" Tanong ni maximo nang sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan niya.
"Limang kanto simula dito" sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag tango niya sakin.
"DITO yung sinasabi mo?" Kunot nuo nitong tanong sakin. Tinangal ko muna ang seatbelt bago sumagot sa tanong niya.
"Oo, ito yung sinabi sakin ni ell" sagot at saad ko sa kanya. Tumingin naman ako sa kanya na ngayon salubong ang kilay na nakatingin sa labas nitong hospital.
"Bakit may problema ba?" Tanong ko sa kanya na kinabalik nito sa ulirat.
"Wala naman" sagot nito sakin bago ngumiti.
"Gusto mo bang sunduin ko pa kayo?" Malambing nitong tanong sakin bago hinawakan ang kamay ko.
"Wag na kaya naman namin e, sige na baka malate kapa. Mas kailangan ka dun" nakangiti kong saad sa kanya. Ngumiti nanaman ito sakin bago napa buntong hininga matapos tumingin sa labas. Nag tataka na ako kung bakit parang may galit siya, pero pinag sawalang bahala ko na lang 'yun.
"Salamat sa pag hatid samin. Ingad ka huh, yung bilin ko wag mong kalimutan na kumain" nakangiti kong saad sa kanya matapos ko siyang halikan sa pisngi niya, na kinalaki lalo ng ngiti niya sa labi.
"Yes my sweetie yen" nakangiti nitong saad bago pisilin ang tungki ng ilong ko. Bumaba naman ako at agad pumunta sa back site para pag buksan ng pinto ang kapatid ko, bago kunin at buhatin.
"Salamat kuya max, ba-bye po" nakangiti na saad ng kapatid ko bago kumaway. Nakita ko naman ang pag kaway muna ni maximo bago paandarin ang sasakyan. Nang hindi ko na makita ang sasakyan niya agad na akong pumasok sa may kalakihan na building para sa pagpapa bunot ng ngipin.
Buhat- buhat ko ang kapatid ko habang papasok sa loob ng clinic. naka subsub ito sa leeg ko na parang iniinda ang sakit ng ngipin niya. Naawa na ako sa kapatid ko.
Nakita ko naman ang mga tao na nakaupo sa upuan, na nag hihintay na sila na ang sumunod sa pila. Dismaya naman akong napaupo sa pinaka huli dahil kailangan pa tiisin ng kapatid ko ang pag sakit ng ngipin niya dahil sa mahabang pila.
Ewan ko ba kay ell kung bakit dito niya pang sinabi na magpa bunot ng ngipin, e ang dami naman tao. Sabi kasi nang kaibigan niya ay maganda daw ang pag assist dito sa pasyente, kung nakikita nila na hindi pa puwede bunutin O nasasaktan hindi daw pinipilit. Nag bibigay muna ng reseta para sa ngipin. At isa pa magaan daw ang kamay ng doctor kapag binubunot ang ngipin ng pasyente. Hindi mo raw nararamdaman ang sakit sa pag bunot. yun ang sabi ni ell sakin kagabi.
"Ma'am kayo na po" nabalik naman ako sa ulirat ng may biglang nag salita sa harap ko. Agad naman akong napatayong buhat ang kapatid ko, dahil hindi ko man lang namalayan na kami na ang sunot.
"Ahh sige po" hindi siguradong saad ko bago sumunod sa kanya na pinag buksan kami ng pinto.
"Doc may kasunod pa po" saad ng babae na sa tingin ko assistant. Narinig ko naman ang pag salita sa loob, bago kami balingan ng tingin ng babae.
"Pasok na po kayo ma'am" nakangiti nitong saad sakin. ngumiti naman ako sa kanya bago ako pumasok sa loob.
"Salamat" pahabol kong saad bago humarap sa dentist. Nakita ko naman ang isang lalaki na nag huhugas ng kamay at tinaggal ang mask bago humarap sakin. Nagulat naman ako sa lalaking nasa harap ko ngayon na biglang lumaki ang ngiti na parang nakilala na ako.
"Ell?.. ikaw nga" saad nito sakin na ang laki ng ngiti nito bago lumapit sakin ng konti.
"H-i" nahihiya kong pag bati dito dahil naalala ko ang hindi pag sagot sa tawag niya. Dahil sa tinapon ni maximo ang phone ko sa pool na kinasira nito.
"Kapatid mo ba ang magpapa bunot ng ngipin?" Nakangiti nitong saad sakin. Agad naman akong tumango na nakangiti sa kanya.
"Oo e. Sobra daw kasi yung sakit ng ngipin niya, hindi na nga kumakain dahil sa sakit" sagot at saad ko sa kanya.
"Amhh ganun ba.. sige ipahiga mo dito yung kapatid mo at titignan ko kung mabubunot ba yan ngayon" nakangiti nitong saad bago tinuro ang pang isang higaan at may ilaw sa taas nito. Hindi ko alam kung anong tawag dito.
Agad ko naman pinahiga ang kapatid ko na kanina pa tahimik at hindi nag sasalita dahil sa sakit ng ngipin niya.
"Let me see young boy" nakangiti nitong saad sa kapatid ko habang nag susuot na ng glabs. Binuka naman ng kapatid ko ang bibig niya, na agad din naman tinutok ni sandro ang ilaw banda sa bibig ng kapatid ko.
"Aww may toothache siya kaya sumasakit ang ngipin ng kapatid mo" saad nito matapos tignan ang ngipin ng kapatid ko.
"Ano po yun?" Tanong ko sa kanya.
" toothache. kaya nanakit ito na nag mumula sa infected tooth cavity o ngipin na may impeksyon at pagkakaroon ng nana sa ngipin or tooth abscess" nakangiti na pag paliwanag nito.
"Kaya hindi puwede bunutin ngayon dahil baka magkaka infection lang" dagdag na saad pa nito sakin.
"E sumasakit kasi, hindi siya makakain dahil sa sakit. May gamot po ba doc para mabawasan ang pag sakit?" Saad at tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito sakin bago sumagot.
"Meron naman. may ibibigay akong reseta sayo para mabasawan ang pamamaga ng gilagit niya at para mawala ang bacteria sa loob nito" nakangiti nitong saad sakin. Bago lumapit sa table niya at nag sulat ng kung ano dun.. Inabot niya naman sakin ang papel na nakasulat ang gamot na bibilhin ko.
"Tree time a day mong ipainum sa kapatid mo yan. para mabilis mawala ang bacteria sa ngipin niya at maiwasan ang pangingilo at para din bumaba ang pamamaga nang gilagit.. pero pagka tapos kumain magmumog muna. Then balik ka dito sa sabado para mabunot kona" lintaya nitong saad sakin habang sinasalubong ang mata ko. Nakakailang man ay pinag sawalang bahala ko na lang 'yun dahil sa nag sasalita siya.
"Paano maiiwasan ang toothache po?" Tanong ko nanaman sa kanya para malinawan na ako.
"Kumain lamang ng sapat na matamis na pagkain at mag sipilyo ng dalawang beses" nakangiti nitong sagot sakin. Nakakailang dahil kanina pa siya nakangiti.
Tumango naman ako sa kanya nang nakangiti ng maintindihan ko ang sinasabi niya sakin.
"Salamat doc" nakangiti kong saad sa kanya. Nakita ko naman ang pag ngiti nito sakin.
"Too formal naman niyan 'doc? or nakalimutan mo na ang pangalan ko" saad nito at mahina natawa. Napa kamot naman ako sa kilay ng sabihin niya 'yun.
"Hindi naman. Ano kasi nandito ka sa trabaho mo at ikaw ang tumingin sa kapatid ko, kaya doc" nahihiya kong saad sa kanya.
"Hmm tayo lang naman dito" nakangiti nitong saad sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya dahil wala na akong masabi.
"Amhh aalis na kami salamat ulit" nakangiti kong saad sa kanya bago lumapit sa kapatid ko.
"Yen I forgot to ask?" Saad nito na kinalingon ko sa kanya habang buhat ang kapatid ko.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Bakit hindi na kita matawagan sa number mo?" may pag tatampo nitong tanong sakin. Bigla naman akong natahimik dahil sa hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya.
"H-uh? Ano kasi-"
"Tinapon ko" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang salita sa likot ko. Agad naman akong napatingin dun nang makilala ko ang boses ng taong yun. Dun ko nakita si maximo na seryoso ang tingin kay sandro, may bahit na galit sa emosiyon niya...
"Hali kana yen, umuwi na tayo" walang emosiyon na saad nito sakin bago kunin ang kapatid ko sakin at agad hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa pinto. Hindi pa man kami nakaka labas ng may humawak na sa kamay ko para pigilan kami.
"Hindi pa kami tapos mag usap-" saad ni sandro na seryoso din ang mukha na sinalubong ang tingin ni maximo.
"Brother" dugtong nito na may ngisi sa labi. Nagulat naman ako sa dinugtong niya. 'mag kapatid sila?' naguguluhan akong nagpapa baling tingin sa kanilang dalawa na pareho magka salubong ang kilay. Alam Kong nagulat din ang kapatid ko.
"Don't you dare call me brother. wala akong kapatid" malamig na saad ni maximo at hihilahin na sana ulit ako palabas ng hilahin din ako ni sandro. Parang mag hahati na ako sa dalawa dahil sa higpit ng hawak nila sakin.
"Tks edi hindi" nakangisi nitong saad kay maximo na may halong pang aasar.
"Get lost id*ot" galit na saad ni maximo at hinila ako palapit sa kanya.
"Teka nag uusap pa kami" Hindi naman din nagpa talo ang isang to at hinila din ako.
"T-eka masakit na. puwede kung mag usap kayo wag niyong hilahin ang kamay ko" pag rereklamo ko sa kanila at agad hinila ang kamay ko sa pagkaka hawak nila.
"Stay away from her. wag mong kausapin si yennie, dahil hindi ako pumapayag" ramdam ko ang pag titimpi ni maximo.
"Bakit ano mo ba siya? Kung maka pag salita ka parang pag mamay- ari mo na si yen" saad naman ni sandro. Nakita ko naman ang pag ngisi ni maximo sa kausap.
"Yes. Saakin na siya kaya lumayo kana sa kanya at baka hindi ako maka pag timpi ngayon madapo tong kamao ko sa pag mumukha mo... I warning you I'd*ot kung anong binabalak mo wag mo nang ituloy" tiimbaga na saad ni maximo. pero hindi ko narinig ang sinabi niya dahil binulong niya lang ito kay sandro. Hindi ko alam kung narinig ba ni sandro. Nakita ko naman agad ngumisi si sandro.
"Tama na yan.. sandro pasensiya na pero kailangan na namin umalis" saad ko at agad lumapit kay maximo bago hawakan ang kamay ko para umalis na.
"Tara na ximo please" pakikiusap ko sa kanya at hinila na siya palabas. Dahil kung patuloy sila sa pag uusap baka mapunta lang sa bugbugan.
Nakarating naman kami sa parking lot na galit parin ang mukha ni maximo. Pinasok niya naman ang kapatid ko sa loob ng back site. Pumasok naman agad ako sa kotse niya nang pinag buksan niya ako ng pinto...
"Ximo?" Pag tawag ko sa kanya nang maka pasok ito sa loob na salubong ang kilay nito.
"What?" Galit nitong tanong sakin. Habang galit ang mga matang nakatingin sakin ngayon. ' ano bang problema niya?'
"May problema ba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Pinaandar niya muna ang sasakyan bago sumagot sakin.
"Wag mo na siyang kakausapin" seryoso nitong saad sakin na kina salubong ng kilay ko.
"Pero siya kasi ang dentist ng kapatid ko" saad ko sa kanya na lalong kina salubong ng kilay nito. Impusible kasi ang sinasabi niya na wag kong kausapin si sandro kasi siya yung dentist na bubunot sa ngipin ng kapatid ko.
"D*mn. ako na ang hahanap ng ibang dentist, basta wag mo na kausapin ang lalaking 'yun" saad nito sakin. Napa buntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya.
HININTO niya naman ang sasakyan sa tapad ng gate nitong mansyon. rinig ko naman ang pag buntong hininga ni maximo. Hindi naman ako nag salita dahil mukhang galit parin siya hangang ngayon. Kanina pa hindi nag babago ang emosiyon niya hangang sa hinatid na lang namin ang kapatid ko.
"Wag kanang lumapit sa kanya. ayokong makita na kinakausap mo siya" may bahit na galit sa boses nito. Napa buntong hininga naman ako dahil hindi ko siya maintindihan.
"Bakit ba galit na galit ka sa kapatid mo?.. kinausap ko siya kasi siya yung dentist, at hindi ko naman alam na kapatid mo siya, at hindi ko din alam na siya yung dentist" saad ko sa kanya na kinalingon nito sakin.
"Basta gawin mo na lang ang sinasabi ko yen" nag titimpi nitong saad sakin. Nakaka pikon bakit parang sakin niya nilalabas ang galit niya.
"E bakit parang may galit ka sakin?" Tanong ko sa kanya at umiwas ng tingin bago napa sandal sa upuan ng kotse niya. Narinig ko naman ang ilang beses niyang pag buntong hininga.
"Hindi ako galit okey" saad nito.
"Hindi galit?, pero kanina pa yang salubong ang kilay mo at kanina kapa tahimik" saad ko sa kanya bago siya nilingon.
"Parang sakin ka may galit" dagdag kong saad sa kanya. Nakita ko naman ang pag lambot ng tingin niya sakin.
"I'm sorry. ayoko lang mag salita kanina dahil baka ano masabi ko sayo dahil sa galit at selos na nararamdaman ko" saad nito bago hawakan ang kamay ko.
"So may galit ka nga sakin?" Nakanguso kong tanong sa kanya na agad naman niyang kinailing.
"No. Wala akong galit sayo, nag seselos lang ako kasi nakita ko na ngumiti ka sa g*gong yun" may pag tatampo nitong saad sakin. Yung pikon na nararamdaman ko kanina bigla na lang nawala dahil sa sinabi niya.
"Gusto ko sakin mo lang ipakita ang ngiti mo wag sa g*gong yun.. I'm sorry" dagdag na saad nito. Ramdam ko ang selos sa boses niya na may halong inis.
"Pero bakit galit na galit ka sa kapatid mo may nagawa ba siya?.. kapatid mo parin naman siya huh?" Saad ko sa kanya. Napa buntong hininga naman ito bago pisilin ang kamay ko at sinalubong ang tingin ko sa kanya.
"Malalaman mo din, pero sa ngayon lumayo na kana lang muna sa kanya" may lungkot sa boses nitong saad sakin.. tumango na lang ako nang makita ko sa mukha niya na parang ayaw niya munang pag usapan. Kaya irerespeto ko 'yun, hihintayin ko na siya mismo ang mag kwento.
"Okey. Sorry" nakangiti kong saad sa kanya. Ngumiti naman ito sakin bago ako niyakap, na ginantihan ko naman.
Lumayo naman ako sa pagkaka yakap sa kanya nang may naanig akong tao sa may bandang puno na nakabalot ang mukha nito nang tela. Hindi ko masasabing babae ba O lalaki ang taong yun dahil sa malayo ito samin at medyo madilim banda sa kinatatayuan niya dahil sa malaking puno na natatabunan ng araw.
"Bakit? may problema ba?" May pag tatakang tanong niya sakin. Lumingon naman ako sa kanya bago siya sagutin.
"May tao" sagot ko sa kanya at agad ulit binalik ang tingin sa taong yun na biglang nawala. Tumingin naman siya kung saan ako ngayon nakatingin. Narinig ko naman ang mahina niyang pag tawa.
"Wala naman e. mabuti pa pumasok na tayo, gutom lang yan" nakangiti nitong saad sakin at ginulo ang buhok ko, bago paandarin ang sasakyan papasok sa loob ng mansyon. Tumingin naman ulit ako sa gawi kanina, pero wala naman na akong nakita. Siguro tama siya na nagugutom lang ako at kung ano- ano na nakikita ko.
NAGISING naman ako ng tumunog ang cellphone sa ibabang unan ko. Nag tataka naman ako kung sino ang tatawag sakin sa ganitong oras ng hating gabi.
Agad ko naman kinuha ang cellphone ko bago tignan ang tumatawag. Agad naman akong napaupo ng makita ko ang pangalan ni maximo sa screen.
"Hello" bungad kong pag sagot sa kabilang linya.
"Hi sweetie yen good morning. sorry kung nadistorbo ko ang tulog mo, pero puwede pumunta ka ngayon dito" saad niya na kinagising ng diwa ko. Parang nawala ang antok ko dahil sa sinabi niya.
"Huh? Bakit?" Naguguluhan kong pag tatanong sa kanya. Kahit hindi ko man nakikita alam kong nakangiti siya dahil ramdam ko ang pag pigil sa boses niya.
"Gusto ko sana magpa timpla ng kape" saad nito na kinangiti ko na lang. Agad naman akong dahan-dahan bumaba sa kama para hindi maka gawa ng ingay, baka kasi magising ko si nanay sita.
"Okey papunta na" mahina kong sagod sa kanya at agad lumabas sa kwarto at dumeretyo sa kusina.
"Thank you sweetie yen I love you" malambing nitong saad sakin, pero nararamdaman ko parin ang pag pigil niya sa antok. dahil narinig kong humikab ito.
"I love you too" nakangiti kong saad sa kanya bago pinatay ang tawag para simulan na ang pag timpla ng kape.. Kahit man nag tataka kung bakit gising pa siya ay pinag sawalang bahala ko na lang muna at mamaya ko na lang siyang tatanungin.
Matapo mag timpla ng kape ay agad naman na akong dumeretyo sa taas para puntahan siya dun. Kumatok naman ako at narinig ko naman ang inaantok niyang boses na nagpapa pasok sakin. Nakabukas lang pala ang pinto, kaya naman ay pumasok na agad ako.
"Ito na yung kape mo.. bakit gising kapa?" saad at tanong ko sa kanya sabay lapag ng baso sa study table niya.
"Thank you sweetie" nakangiti nitong saad sakin na kinangiti ko rin.
"Tinitignan ko kasi itong mga kwintas na ipapa labas sa event bukas nang gabi" sagot nito sa tanong ko kanina at napatingin sa loptop niya. Tumingin naman ako sa loptop at nakita ko ang larawan ng mga kwintas na ibat- iba ang disenyo. nag sisigaw sa mahal at kintab. jamante kasi ang pagkaka gawa nito. Ang naka agaw ng pansin ko ang isang hugis puso ang disenyo nito sa baba, kung titignan simple lang siyang pag masdan. pero agaw pansin naman. Kung sa picture maganda siya paano pa kaya pag sa personal na?..
"What do you think of them? maganda ba?" Tanong nito sakin. Agad naman akong tumango sa kanya na nakangiti bago siya balingan ng tingin.
"Oo ang gaganda nila. lalo na ang isang ito, simple pero agaw pansin" nakangiti kong saad sa kanya sabay turo sa isang kwintas na hugis puso.
"Really?. Alam mo bang siya yung pinaka mahal sa lahat kahit simple kung pag masdan?" Saad nito sakin na kinalingon ko sa kanya.
"Hindi. bakit mag kano ba yan?" Napapa kamot kilay kong tanong sa kanya.
"70 million" malapit na akong masamit sa sarili kong laway ng marinig ko ang sagot na 'yun.
"Ganun kamahal?" Hindi maka paniwala kong tanong sa kanya na agad naman niyang kinatango, na natatawa ng mahina. Dahil ata sa nakikita niyang reaction ng mukha ko ngayon.
"Siya lang kasi ang nag iisa. maraming nag tangka bumili, pero hindi ko pina pabili bukot sa hindi nila kayang bilhin ito. wala rin ito ngayon sakin" may konting kayabangan at lungkot sa boses nitong saad sakin.
"Bakit nila pinag aagawan yan? At nasaan pala?" Tanong ko sa kanya.
"Galing pa ito sa ninuno namin kaya nila pinag aagawan, mas mahal kasi ito sa panahon ngayon.. kaya hindi ko ito panabibili kasi may value ang kwintas na yan saamin. Ayokong dinidisplay sa lahat ng mall para ang mag mamay- ari man sa kanya balang araw ay nag iisa lang, sa kanya lang at para siya lang ang may ganyan.. hindi ko alam kung nasaan na ngayon ang kwintas na yan, kasi tinago ni dad at hindi niya nasabi kung saan nakatago" lintaya saad nito sakin bago napa sandal sa upuan. Umupo naman ako sa kama na kaharap niya sa gili nito, na ngayon umiinom na ng kape.
"Bakit hindi pinabibili yang kwintas na yan?" Tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti naman ito sakin bago ako sagutin.
"Binibigay kasi yan sa mga susunod na henerasyon ng Lucero" nakangiti nitong saad sakin. Tumango- tango na lang ako nakangiti sa kanya bago napatingin sa loptop niya.
"E yung iba mag kano naman sila?" Tanong ko ulit sa kanya. Ang daldal ko na, ang dami ko na atang tanong sa kanya.
"Pinaka mura jan is 20 million" nagulat naman ako sa sinabi niya. Parang nahihilo ako sa presyo ng mga kwintas. ' Yun na ang mura? jusko!'
"Nakaka hilo naman ang presyo. yung binibili ko kasing kwintas, e mahal na sakin yung singkwenta pesos" saad ko sa kanya na kinatawa nito at agad pinisil ng mahina ang ilong ko.
"Wait" saad nito na parang may naalala bigla. tumayo naman siya bago pumasok sa loob ng closet niya na parang may kukuha.. nang maka labas siya ay may dala na siyang mahabang puting karton.
"Here" nakangiti niyang saad bago inabot sakin ang karton. Kunot nuo ko naman tinignan ang karton at nag dadalawang isip kung kukunin ko ba.
"Amh ano to?" Nahihiya kong tanong sa kanya bago kinuha ang bigay niya. Umupo naman ito sa kama habang nakangiti akong pinag mamasdan.
"Open it first, para malaman mo" nakangiti nitong saad sakin. Binuksan ko naman ang karton at tumambad saakin ang isang kulay maroon na dress. maganda siya dahil sa kumikinang na maliliit sa paligit nito na halatang jamante. Tumingin naman ako sa kanya na nag tatanong ang mata, pero pag ngiti lang ang ganti nito sakin.
"You like it?" Nakangiti nitong tanong sakin. ramdam ko ang saya sa boses niya at mukha niyang nag hihintay sa sagot ko.
"Para saakin to?" May gulat sa boses kong tanong sa kanya, na kina tango nito agad sakin. Hindi ako maka paniwala na nakatingin sa kanya ngayon. dahil bakit niya binibigay sakin ito?, e parang ang mahal at parang nakakatakot suutin dahil sumisigaw sa ganda at mahal.
"Yes. nagustuhan mo ba?" Sagot nito at balik na pag tanong sakin. ilang ulit naman akong napa tango sa kanya na may ngiti sa labi. Kahit sinong babae magugustuhan ang damit na hawak ko ngayon.
"Oo ang ganda sobra" nakangiti kong sagot sa kanya. Nakita ko naman ang lalong pag laki ng ngiti sa labi niya habang nakatingin sakin.
"Nag iisa lang yan. pinagawa ko yan para sayo, akala ko hindi mo magugustuhan kasi kung hindi magpapa gawa ulit ako" Napatingin naman agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Hindi. Gustong- gusto ko ang ganda nga e" may saya sa boses kong saad sa kanya.
"Pero nakakatakot suutin" saad ko sa kanya na kina kunot ng kanyang nuo.
"Why?" Tanong nito sakin. Ngumiti naman akong nahihiya sa kanya bago sagutin ang tanong niya.
"E kasi mukhang ang mahal" napapa kamot kilay kong sagot sa kanya dahil sa hiya.
"Ahmm wag mo na isipin 'yung presyo.. gusto ko soutin mo yan bukas ng gabi" nakangiti nitong saad sakin.
"Huh? Bakit saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya na nag tataka ang mukha.
"Sa event. gusto ko kasing makita nila ang maganda kong sweetie yen bukas" nakangiti nitong saad sakin. Dahil sa sinabi niya ramdam ko na ang pag iinit ng pisngi ko dahil pinupuri niya nanaman ako.
"Parang nakakahiya, puwede bang hindi na lang ako sumama. siguradong maraming tao dun" nahihiya kong saad sa kanya. Nakita ko naman ang pag lungkot ng mukha niya pero salubong ang kilay nito.
"Hindi mo ba ako mahal?" May lungkot sa boses nitong tanong sakin.
"Syempre mahal kita. mahal na mahal" sagot ko sa kanya.
"Pinagawa ko yan kasi gusto kong makita na suot mo yan, pero mukhang hindi ko makikita kasi ayaw mong sumama" Saad nito. Parang pinapa konsensiya niya yung damdamin ko sa paraan kung paano siya mag salita..
"Amh sige na sasama na ako" pag bawi ko sa sinabi ko sa kanya kanina. Nakita ko naman ang pag ngiti niya na may halong ngisi.
"Promise? walang bawian?" Paninigurado nitong tanong sakin. Agad naman akong tumango sa kanya.
"Promise. pinapa konsensiya mo kasi ako e" may paninisi kong saad sa kanya na kinatawa nito.
"Pero nag promise kana, kaya walang bawian. sasama kana sakin" natatawa nitong saad sakin. Napa simangod naman ako na kinatawa nito at agad lumapit sakin bago ako niyakap.
"Thank you and I love you so much my sweetie yen" malambing nitong saad sakin at agad hinalikan ang nuo ko at mag kabilaan kong pisngi. Pero agad siyang napa hinto ng malapit niya nang mahalikan ang labi ko. Nakita ko ang pag pula ng tenga niya habang sinasalubong ang mata ko. Kumakabog ang puso ko ngayon habang nakatitig sa mata niya, parang naduduling ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ang pag kabog ng puso ko dahil ramdam ko ang lakas nito.
Medyo nagulat pa ako dahil sa biglaan pag lapad ng malambot niyang labi sa labi ko. pero agad ko din siyang sinabayan ng halik. Naramdaman ko pa ang pag hawi niya sa karton at pag lapit sakin ng konti habang hindi bumibitaw ang halikan namin dalawa. Nakaka baliw ang paraan ng pag halik niya sakin, parang uhaw- na uhaw niyang sinasalubong ang dila sa loob ng bibig ko. hindi ko alam kung tama ba ang pag sabay ko sa halik niya dahil sumasabay lang ako. parang nakalimutan ko na ang pag hinga ko. Bigla niya naman dinahan- dahan ang pag halik niya sa labi ko na dahilan na lalong kinabaliw ko at parang ayaw kong hihinto niya ang pag halik sakin. Sumasabay din ang pag kabog ng puso ko sa loob dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon..
                
End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 33. Continue reading Chapter 34 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.