I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 34: Chapter 34

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 34 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 34: Chapter 34. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie POV
NAGISING naman ako dahil sa mainit na kamay ang huma haplos sa tiyan ko. Minulat ko naman ang mga mata ko at agad sumalubong sakin ang mapupungay na mga mata ni ximo at ang labi nitong nakangiting nakatingin sakin.
"Good morning my sweetie yen" nakangiti nitong pag bati sakin. Napatingin naman ako sa ibaba ko para tignan ang sarili. May damit pa ako kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naisuko kona ang bulaklak.
"Don't worry, walang nangyari saatin dalawa" nakangisi nitong saad sakin, na parang nabasa niya ang nasa isip ko ngayon.
"Paanong may mangyari saatin, tinulugan mo ako sa kalagitnaan ng pag hahalikan natin dalawa. Akala ko naubusan kana ng hininga pero natulog kalang pala, tapos ang lakas mo pang humilik" natatawa nitong dagdag na saad sakin. Dahil sa sinabi niya parang gusto ko na lang mawala bigla. ramdam kona rin ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman.
"Ang pangit mo, mag damit ka nga" nahihiya kong pag iwas na saad sa kanya nang makita kong tanging boxer lang ang suot niya ngayon.
"Oo alam kong kabaliktaran yan ng gwapo" nakangisi nitong saad sakin na kinangiwi ko, dahil ang aga- aga pa may hangin nang pumapasok sa utak niya.
"Nge. mag bihis kana lang" natatawa kong saad sa kanya para maiwasan ko ang mata kong madapo sa ibaba niya.
"Ayoko, gusto ko lang ng ganito para masilayan mo ang ganda ng katawan ko. libre na lang sayo kasi ikaw ang mahal ko, kung gusto mo din hawakan okey lang sakin. nag hihintay din naman tong abs ko na naramdaman ang palad mo" nakangisi nitong saad sakin, sabay himas ng tiyan ko. Naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko sa batok dahil sa ginagawa niyang pag himas.
"Ano kaba, naiilang ako kaya mag damit kana" pag amin kong saad sa kanya. Nakita ko naman ang pag ngiti niya bago hawakan ang bewang ko at hinili palapit sa kanya, dahilan ng pag hawak ko agad sa dibdib niya para hindi tuluyan na mag dikit ang katawan namin..
Tumingala naman akong napatingin sa kanya, na gulat ang mga mata ko. pero pag ngiti lang ang ginanti nito sakin habang sinasalubong ang mata ko.
"Ngayon pa lang masanay kana, dahil balang araw palagi na tayong tabi matulog at magka yakap. palagi mo narin makikita tong abs ko at yung ano ko sa ibaba--" agad ko naman tinakpan ang bibig niya bago pa niya matuloy ang sinasabi niya. Sobrang daldal niya na ngayon, wala nang preno pag nag sasalita. Narinig ko naman ang pag tawa niya nang nilayo kona ang kamay ko sa bibig niya.
"Wag mo nang ituloy" nahihiya kong saad sa kanya. Ramdam ko ang lalong pag iinit ng pisngi ko .
"My sweetie yen is blushing" natatawa nitong saad bago pisilin ang pisngi ko. Napa supsup na lang ako sa dibdib niya dahil sa pang aasar niya.
"Oww my sweetie yen, my jumbo hotdog down there, is already stand rawrr" nakangisi nitong saad sakin. Lumayo naman agad ako sa kanya nang may naramdaman akong matigas na bagay na tumatama sa tiyan ko.
"Halah ano, pakalmahin mo yan" kinakabahan kong saad sa kanya na kinatawa nito ng malakas. Iniwas ko naman agad ang mata ko sa matigas niyang bagay sa ibaba nang lalo itong lumaki.
"I can't. ginalit mo kasi siya" natatawa nitong saad sakin habang sinasalubong ang mata ko. Kahit pag tawa nito ang sarap pakinggan.
"Bahala ka nga jan, bababa na ako" saad ko sa kanya bago napaupo sa kama. handa na sanang umalis ng agad niya akong niyakap mula sa likot.
"Puwede bang mag stay ka muna dito, five minutes lang" pag lalambing nito sakin sabay sandal ng pisngi sa likot ko.
"Baka maabutan tayo ni nanay sita, at baka ano pa ang isipin" napapa kagad labi kong saad sa kanya. Nararamdaman ko kasi ang matigas na bagay sa likot ko.
"Don't worry, hindi naman ganun mag isip si manang" saad nito sakin.
"Ayaw mo bang mag almusal? Baka nagugutom ka?" Pag tatanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang pag tawa niya, na parang may nakakatawa sa sinabi ko.
"Halatang iniiwasan mo huh. don't worry pinapa kalma ko na to" Natatawa nitong saad sakin. Ramdam ko nanaman ang pag iinit ng pisngi ko at pag kabog ng puso ko.
"Dapat lang, nakakailang kasi" pag amin ko sa kanya na kinatawa nanaman nito. parang ang saya niya tuwing nasasabi ko yung mga ganitong salita.
"Tumigil ka nga kakatawa jan, nahihiya na nga ako pinag tatawanan mo pa ako" naka simangod kong saad sa kanya at hinawakan ang kamay niya na nasa tiyan ko.
"Okey I'm sorry. natutuwa lang akong pakingan ang mga sinasabi mo" saad nito. kahit hindi ko man nakikita ang mukha niya alam kong nakangiti nanaman siya...
"I love you my sweetie yen" malambing na saad nito bago halikan ang batok ko.
"I love you too" nakangiti kong saad sa kanya. Tuwing sinasabi niya ang salitang ito, kumakabog ang puso ko. ramdam ko ang totoo niyang pag mamahal para sakin
HABANG inaayos ang solopain na pinag lalagyan ng basura. bigla naman may taong nag salita sa likot ko.
"Ija saan ka natulog?, hindi kita nakita kaninang umaga sa kama mo?" napatingin naman akong nahihiya kay nanay sita ng nag tanong ito.
"Dun po kay ximo nanay" nahihiya kong pag amin sa kanya. Nakita ko naman ang pag daan ng gulat sa mata niya, pero agad din napalitan ng ngiti ang labi niya.
"Naisuko mo na ba ang bulak-lakin mo?" may gulat sa boses nitong saad sakin, na kinalaki ng mata ko dahil sa sinabi ni nanay sita. minsan talaga wala ding preno ang bibig ni nanay sita pag nag sasalita.
"Po? hindi po huh" gulat kong saad at agad umiwas ng tingin dahil ramdam ko nanaman ang pag iinit ng pisngi ko.
"Pina timpla niya po ako ng kape kaninang madaling araw, nag usap lang po kami dun. walang nangyari" nahihiya kong dagdag na saad. hindi ko na sinabi na nag halikan kami dahil nakakahiya.
"Aysus talaga bang walang nangyari O kahit tukaan man lang?" Natatawa nitong tanong sakin na kina dagdag ng hiya ko sa katawan.
"Oh siya alam kong hindi ka mag sasabi ng totoo. pinag daan kona din 'yan" nakangiti nitong saad sakin bago tinuloy ang pag luluto. napa kamot na lang ako sa aking kilay ng makita ko pa ang pag iling- iling ni nanay sita habang hindi umaalis ang ngiti sa labi.
"Natutuwa akong marinig na malakas tumawa si maximo. 'yun ang unang beses na narinig kong ganun siya kasaya" may saya sa boses na saad ni nanay sita sakin bago ako balingan ng tingin at ngumiti. Kahit naman medyo nagulat ngumiti na lang ako kay nanay sita.
Inayos ko naman na ulit ang pagkaka tali sa pinag lalagyan ng basura para mailabas na ito. Lumabas naman ako sa mansyon para matapon kona.
Nang nailagay kona sa gilit ang basura may nakagip naman ang mata kong isang babae. Nakatingin ito sakin habang may balot nang tela ang mukha niya, nakaka kilabot man ay lumapit naman ako sa kanya.
"Hi po, may kailangan po ba kayo?" hindi sigurado kong tanong sa kanya. dahil mukhang may kakilala siya dito at mukhang siya din yung kahapon. ngumiti naman ako sa kanya kahit na may kaba at ilang man akong nararamdaman. nakatingin lang kasi siya sakin na parang sinusuri ako. mata lang ang nakikita ko sa kanya na may kapareho, hindi ko lang alam kung saan ko ba nakita.
"Mag iingat ka ija. buksan mo ang mga mata mo sa paligid at maging handa ka sa mga mangyayari" maka hulugan nitong saad sakin. kumabog naman ang puso ko dahil sa kaba at biglang takot na naramdaman.
"P-o? anong ibig mo pong sabihin?" kinakabahan kong tanong sa kanya. pakiramdam ko tuloy sa sinabi niya parang nalalapit na ang kamatayan ko. Hindi naman ito nag salita, nakita ko lang na may kinuha siya sa kanyang bulsa.
"Ibigay mo to sa nobyo mo ija" saad nito sakin sabay bigay sakin ng kwintas at papel. Medyo nagulat pa ako nang makita ko ang kwintas na kapareho ng nakita ko kagabi. Pero pinag sawalang bahala ko 'yun at baka magka pareho lang sila.
"Manang sandali po!" Sigaw ko nang agad itong tumakbo. parang may tinataguan siya na kung sino?.
"Sweetie?" Napatingin naman ako sa likot ko nang may tumawag. Dun sumalubong sakin ang nag tatakang mukha ni maximo na nakatingin sa babaeng papalayo.
"Sino yun?" Nag tataka nitong tanong sakin bago tumingin sakin.
"Hindi ko alam. pero mukhang kilala ka niya kasi pinapa bigay niya ito, katulad ng kwintas sa picture" saad ko bago binigay sa kanya ang pinapa bigay ng ale kasama na pati ang papel. Nakita ko naman agad ang pag daan ng gulat sa mata at mukha niya nang makita niya ang pinapa bigay ng ale.
Gulat naman akong sumunod sa kanya ng tumakbo ito kung saan tumakbo ang ale kanina palabas sa vellage na ito.
"ximo, bakit?" Takang tanong ko sa kanya ng huminto kami sa pag takbo na parang nawala siya ng pag- asa na mahahabol niya ang ale na 'yun. Rinig ko ang pag- agaw hininga niya at pag daan ng lungkot at saya sa mata niya.
"Nakita mo ba ang mukha niya?" May saya sa boses nitong tanong sakin.
"Hindi. tinatabunan niya ang mukha niya e?" sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na binuklat niya ang papel na bigay ng ale. nakita ko ang pag daan ng saya at lungkot sa mga mata niya.
"Kilala mo ba ang ale na 'yun?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin bago ngumiti ng malapad at agad umiling.
"Don't mind her. hali kana pumasok na tayo" nakangiti nitong saad sakin. Kahit man nag tataka, hindi na lang ako nag tanong pa sa kanya.
MABILIS lumipas ang oras. ngayon gabing magaganap ang event. nasa harap ako ng body mirror ngayon habang pinag mamasdan ang mukha at katawan kong, suot ang bigay ni maximo.
"Ma'am ang ganda niyo po, bagay na bagay ang dress sa katawan nito. hapit na hapit para ka pong modelo" nakangiti na papuri sakin ng kasama ko ngayon na babae. siya yung nag ayos sakin ngayon na pinapunta ni maximo. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.
"Salamat" nahihiya kong saad na kinangiti nito sakin bago pumunta sa likot ko at tinuloy ang pag aayos. Hindi ko napansin kagabi na sexy pala ang dress na ito dahil kita ang likot at tiyan ko. may pa cross sa likot at may maliit na cross naman sa harap ng tiyan ko. tapos hindi pa umaabot ang dress sa tuhod ko. lite make- up naman ang nilagay niya sa mukha ko at medyo kinulot lang ang buhok ko habang nakatali ito.
"Ganda mo po talaga ma'am, bagay yung dress sa morena mo pong balat" nakangiti nanaman na papuri ng nasa harap ko. Ngumiti na lang ako sa harap ng salamin dahil dun siya nakatingin. parang hindi natatapos ang pag pupuri niya sakin hangang sa matapos siya.
"Wow. is that you my sweetie yen?" Nakangiti na saad ni maximo nang makalapit kami sa harap niya. Ngumiti naman akong nahihiya sa kanya.
"Hindi ko inaasahan na mas maganda ka sa na iimagine ko, habang suot ang dress na ito" nakangiti nitong papuri na saad sakin bago hawakan ang bewang ko at halikan ang nuo ko.
"Ikaw din ang gwapo mo" nakangiti kong saad sa kanya. Ang gwapo niya sa suot ngayon na kulay maroon din na toxido habang medyo kulot din ang buhok nito na hindi nalalayo sa messy hair.
"Wow ija, ikaw bayan? ang ganda mo" hindi maka paniwala na papuring saad ni nanay sita bago nilapag ang dalang juice. Ngumiti naman ako kay nanay sita, dahil wala akong masabi dahil sa mga papuri nila kasama na tong mahal ko.
"Kanina ko pa naririnig ang papuri niyo, baka lumaki na tong tenga ko huh" pag bibiro ko sa kanila na kinatawa nila.
"Amhh mr maximo I need to go now" napatingin naman kami sa babaeng kanina nag ayos sakin.
"Okey. I will send the pay to your bank account. I will double the price, dahil mas pinaganda mo tong sweetie ko" seryoso nitong saad sa babae bago ako balingan ng tingin at ngumiti.
"Thank you mr maximo, I will excuse my self now" nakangiti nitong saad bago yumuko sa harap namin at agad nang umalis.
"Let's go, kailangan na natin umalis. tayo na lang ang hinihintay dun" nakangiti nitong saad sakin bago hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ako sa kanya, bago ngumiti.
"Nanay sita aalis na po kami" nakangiting pagpapa alam kong saad kay nanay sita.
"Sige. mag iingat kayo, ijo wag mong pabayaan si yen dun huh" nakangiti na sagot ni nanay sita at pagpapa alala.
"Yes manang, I will" nakangiti na saad ni maximo bago kami tuluyan na lumabas. pinag buksan naman kami ng isang lalaking na mag hahatid saamin sa event. pumasok naman ako, sumunod naman agad si maximo sa pag pasok.
"Ready?" Nakangiti na tanong ni maximo bago nilahat ang kamay sa harap ko. Ngumiti naman akong kinakabahan sa kanya dahil nakita kong ang daming tao sa harap ng malaking building.
mukhang dito magaganap ang event. ang dami ding reporter at photographer ang nag hihintay sa labas. pero nakaayos din sila ng formal na kasuotan, parang yung nakikita ko sa tv pag nag aabang sila sa mga artista. Tumango na lang ako sa kanyang nakangiti kahit pa man na kinakabahan at nahihiya akong lumabas.
Nauna naman siyang lumabas ng pinag buksan siya ng pintuan. Nilahad niya naman ang kanyang kamay saakin para alalayan ako bumaba sa sasakyan. Inabot ko naman 'yun matapos bumuntong hininga bago lumabas..
Agad naman sumalubong sakin ang nakaka silaw na ilaw na nang gagaling sa camera nila. halos lahat ng camera nasaamin nakatutok habang nag lalakat kami papasok, habang hawak ni maximo ang bewang ko. alam ko kung bakit sila nag kakaganyan dahil ata sa gulat, at tanong nila sa kanilang isipan kung sino ako.
Akala ko makakahinga na ako ng maluwag pag naka pasok na kami sa loob, pero mukhang lalo ata akong hindi nakahinga dahil sa kaba. Nasaamin ang tingin nilang lahat. gulat, tanong, at pag hanga ang nakikita ko sa mukha at mata nila habang papasok kami sa loob.
"Don't mind them" malambing na pag bulong na saad niya sakin. Ngumiti naman akong nahihiya sa kanya. Hangang sa lumapit kami sa nakaayos na mesa ay ramdam ko parin ang tinginan ng mga tao sa loob.
Kung paano ako pag hilahin ni maximo ng upuan, hangang sa umupo din ito sa tabi ko. nahihiya ko naman nilibot ang tingin, hindi nga ako nagkaka mali nang inaakala na nakatingin sila lahat saamin. rinig ko ang bulungan ng mga babaeng malapit sa table namin.
"Who's she?" rinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya.
"I don't know. ang ganda ng dress niya, mukhang bagong labas" napa kagad labi naman ako sa narinig ko.
"No. Mukhang hindi e, kasi kung bagong labas yan nakita ko na sana yan sa mall"
"Modelo ba siya? mukha siyang modelo. she's beautiful, pero hindi ko naman siya nakikita sa tv or magazine" napatingin naman ako kay maximo ng hinawakan niya ang kamay ko bago halikan ang likot nito. Ngumiti naman ako sa kanya na kinangiti din nito.
"Hindi mo siya makikita, dahil hindi naman talaga siya model" rinig ko naman galit na saad ng isang babae. hindi ko na sila pa pinag tuunan ng pansin dahil sa kay maximo na lang ang atensiyon ko.
"Omg mukhang girlfriend siya ni maximo. wala kana palang pag- asa my dear veronica"
"Sir, ma'am drinks?" Napatingin naman kami sa isang lalaking na nag se-serve ng drinks. may hawak siyang tray sa kabila niyang kamay, na nag lalaman ng wine.
"You want to try this? Or juice. magpapa kuha na lang ako pag ayaw mo?" Nakangiti nitong tanong sakin.
"Wag na. gusto kong tikman yan" nakangiti kong saad sa kanya. tumango naman ito sakin na nakangiti bago sinenyasan ang lalaki na ilapag na sa harap namin. nilapag naman ng lalaki ang baso na nag lalaman ng wine sa harap namin.
"Try it, but little bit. hindi ka sanay, baka malasing ka kaagad" nakangiti nitong saad sakin. tumango naman ako sa kanyang nakangiti, bago sinimulan tikman ang kulay itim na wine.
Konting tikim ko pa lang parang gusto ko na agad isuka dahil sa ramdam kong bumalot ang pait sa lalamunan ko at init.
"Ang pait naman" saad ko sa kanya na kinatawa nito ng mahina.
"I told you, konti lang" nakangiti nitong saad bago pinisil ng mahina ang ilong ko.
"Hi dude, hi yen-. oww sh*t ikaw ba yan?.. ang ganda mo" napatingin naman kami kay sethrix at spencer na umupo sa harap namin. may gulat naman sa labi ni Spencer habang nakatingin sakin.
Ang gwapo din nila sa ayos nila ngayon, para silang artista sa suot nilang itim na toxido at buhok na nakaayos.. ngumiti na lang ako sa kanya dahil sa konting hiyang nararamdaman...
"hmm nga pala dude, ngayon pa lang isang malaking congrats na sayo" masayang pag bati ni Spencer na kinailing nito.
"Masyado kang excited.. By the way dude congrats narin" saad naman ni sethrix na kinasalubong naman ng kilay ni spencer. Napapailing naman kami ni maximo dahil sa kabaliwan ng dalawa niyang kaibigan.
"Good evening everyone" pag salita ng isang lalaki sa harap ng stage at sa likot nito isang malaking screen, na lumabas ang mga picture ng building at mall. Tumingin naman kami sa nag salita at ganun din ang iba.
"Hindi ko na patatagalin ang awarding na magaganap ngayon" nakangiting saad ng lalaki na nag sasalita sa harap.
"Let's welcome the top 2 business woman mrs marga dizon! the Owner of  beautiful jewelry!" Nakangiti na pag announce ng lalaki. nagpapa lakpakan naman lahat ng tao sa loob ng event na ito, habang pinakita sa screen ang isang bracelet na gawa sa ginto at jamante. Nakita ko naman ang isang maganda at maputing babaeng nakangiti na pumunta sa harap, habang nakipag kamay at hawak ang isang tropie na gawa sa ginto.
Nagulat naman ako ng makilala ko ang babaeng nakikita ko ngayon. Ito yung babaeng kasama ni maximo sa picture.. Napatingin naman ito sa dereksiyon namin, kita ko ang gulat at pag daan ng lungkot sa mata niya. napatingin naman ako kay maximo, wala itong emosiyon nakatingin sa harap na parang isang ordinaryong tao lang ang nakikita niya..
"And the top 1 of beautiful jewelry's! Let's welcome mr maximo Lucero! CEO of maximo corporation and the top list business man!" sigaw nanaman ng lalaki na lalong nagpa lagpakan ang lahat.
Nakita ko naman ang pagtayo ni maximo bago inayos ang suot na suit at nag lakat papunta sa harap na walang mababakas na kahit anong emosiyon.
Nakangiti naman akong pumalagpak kahit na may kaba akong nararamdaman sa hindi ko malaman na dahilan?. Nakita ko ang pag ngiti ng babae pero walang pag ganti ang ginawa ni maximo, wala itong kahit na anong emosiyon ang pinakita sa harap.
"Sa tingin mo may war bang magaganap mamaya?" Rinig kong tanong ni spencer kay sethrix.
"Mukhang wala naman" rinig kong sagot ni sethrix. pero ramdam kong nakangisi ito kahit na nasa harap ang tingin ko.
KUMAKAIN kami ngayon ng biglang bumulong si maximo sa tabi ko.
"Are you okey sweetie? gusto mo na bang umuwi?" may pag alala nitong tanong sakin. tumingin naman ako sa kanya at tipid na ngumiti.
Hindi ko alam parang bigla nawala ang lakas ko sa hindi ko malaman na kadahilan. 'nag seselos ba ako?' ano naman ang ikakaselos ko?
"Oo ayos lang ako, wag mo akong intindihin" saad ko sa kanya. tinitigan niya naman ng mabuti ang mata at mukha ko, na parang inaalam niya kung nag sasabi ba ako ng totoo.
"But-" hindi niya na natuloy ang pag sasalita niya ng may isang matandang lalaki ang lumapit saamin.
"Excuse mr maximo can i talk with you in 30 minutes. I have something to ask, about our deal" saad nito kay maximo. tumingin naman sakin si maximo na parang nagpapa alam at ganun din ang matandang nakangiti sakin.
"May I excuse your boyfriend beautiful lady" nakangiti nitong saad saakin. Ngumiti naman ako sa kanya dahil mukhang mabait at hindi mata pobre ang matanda na ito kahit mayaman.
"Opo" nakangiti kong sagot sa kanya. tumingin naman ako kay maximo bago tumango at ngumiti...
"Yen ayos ka lang ba?" Napatigil naman ako sa pag inom ng tubig nang nag tanong si spencer. habang tinitigan ng maigi ang mukha ko, ganun din naman si sethrix.
"Huh? Oo naman. bakit? mukha ba akong hindi okey?" sagot at tanong ko na may pag tataka sa mukha.
"Oo. mukha ka kasing nawala ng gana sa lahat. nag seselos ka no?" nakangisi na sagot at saad ni sethrix. Hindi naman agad ako nakapag salita dahil sa sinabi niya.
"Amh mag babanyo lang ako" paalam ko sa kanila at agad ng umalis para makaiwas na sa mga tanong at mapanuri nilang tingin.
Nang makarating sa cr agad naman akong napa buntong hiningang tumingin sa harap ng salamin.
"Wag kang mag selos yen. wala lang yun, wala" pag kukumbinsi ko sa sarili ko habang nakatitig sa harap ng salamin. Humugod naman ako ng malalim na pag hinga bago binuksan ang gripo at nag hugas ng kamay.
"Oww nice to see you again" napatingin naman ako sa tabi ko nang may nag salita. medyo nagulat pa ako ng makilala ko ang babae. ito yung pumunta dun sa mansyon at pinag bintangan ako ang naka basag ng vase.
Hindi ko na lang siya pinansin bago nagpa tuloy sa pag hugas ng kamay ko. nang may nakita akong tissue ay agad ko naman 'yun kinuha bago pinahit sa kamay ko.
Aalis na sana ako nang mag salita nanaman siya. parang hindi maganda ang mangyayari ngayon, mukhang aawayin niya nanaman ako.
"Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sayo?" Napa buntong hininga naman ako, bago humarap sa kanya na ngayon taas kilay nang nakatingin sakin.
"Anong pinakain mo sa kanya at kung bakit nagustuhan niya ang kagaya mong high school lang ang natapos.. O baka naman ginayuma mo siya, posible naman kasi ang may pinag aralan at mayaman na si maximo ay mahuhulog lang sa kagaya mong mahirap" Saad nito sakin. ramdam ko ang selos at galit sa bawat pag bigkas niya sa mga sinasabi niya ngayon sakin.
Hindi kona sana papansinin siya, pero dahil sa mga binitawan niyang salita ang nag bigay insulto sa pagka tao ko. porket ba mahirap at high school lang natapos ko, wala na akong karapatan mahalin?.
"bakit hindi siya ang tanungin mo kung bakit siya nagka gusto saakin.. wala naman akong ginawa, ang alam ko lang mahal namin ang isat- isa" walang emosiyon kong saad sa kanya na kinangisi nito sakin.
"Walang ginawa?, pusible naman. hindi na ako mag tataka kung inakit mo siya.. sabagay maganda ka naman talaga, hindi pusibleng maakit siya agad sayo dahil sa pinapa kita mong motibo" may pag iinsulto sa boses nitong saad bago ako tinignan mula ulo hangang paa.
"Bakit mo nasabi yan? gawain mo ba?" saad ko sa kanya na kinawala agad ng ngisi niya sa labi. kita ko ang inis niya sa mukha dahil sa sinabi ko.
"are you insulting me?" galit nitong tanong sakin. kita kona ang namumula nitong mukha dahil sa sobrang inis.
"Hmm naramdaman mo ba?, binabalik ko lang kasi sayo ang pag iinsulto mo sakin" kampante kong sagot sa kanya na lalong kina pula ng mukha niya..
Huminga naman ito ng malalim bago ako tignan ng masama. tinignan ko lang siya ng walang emosiyon, kahit na kinakabahan na ako sa mga mangyayari pa naming sagutan dito. gusto konang matapos ito at umalis na, hindi ako sanay na may nakaka- away.
"Name your price?.. you want double, triple?. just name it. ibibigay ko agad sayo, basta layuan mo na si maximo. magpa kalayo- layo ka, yung hindi na kita nakikita kahit anino mo" engrata nitong pagkaka saad sakin.
'ano daw? anong akala niya sakin mukhang pera? hindi ko ipagpapalit si maximo para sa pera niya. kahit ubusin man niya ang kayamanan niya, hinding-hindi ko iiwan si maximo'.
"Kahit ubusin mo pa ang pera mo, hinding- hindi ko iiwan si maximo" saad ko sa kanya. nakita ko naman ang pag tawa niya, tawang nakaka insulto.
"Wow sa isang mahirap na kagaya mo tinatanggihan ang alok ko?.. hey b*tch gumising ka nga, pera na ito. alam kong pera lang din naman ang habol mo kay maximo, kaya bakit mo pa papahirapan ang sarili mong akitin siya kung inaalokan na kita.. alam kong isa kang gold digger" nakangisi nitong saad sakin.
Napa kuyom naman ako ng kamao dahil sa mga sinasabi niya. naninikip ang dibdib ko sa galit, pero pilit ko na lang pinapa kalma ang sarili ko.
"Woo I can't believe na nasasabi mo yan veronica" napatingin naman ako sa taong pumasok habang puma palagpak pa itong nakatingin kay veronica.
"Bakit hindi ka humarap sa salamin at sabihin mo mismo yan sa sarili mo, kung sino ang sinasabihan mong gold digger" nakangiti na saad ng marga ata ang pangalan niya. kahit nakangiti ito, ramdam naman sa boses niya ang pag iinsulto kay veronica.
"Oww the cheater is here. nakabalik kana pala. oww welcome back cheater, balak mo din bang makisali dito at makipag agawan?" naka cross arms na tanong ni veronica kay marga.
"Oww my ex fake friend hindi ganun. masaya na akong namumuhay kasama ang asawa't anak ko ngayon. bakit ko pa aagawin sa kanya si maximo?, I know naman na masaya na si maximo sa kanya, hindi na ako ang mahal ni maximo siya na. I happy for them" saad nito bago ako balingan ng tingin at ngumiti.
"At sana ganun ka din. dahil sinasabi ko na sayo ngayon, wala kang pag- asa. hindi ka mamahalin ni maximo dahil sa magaspang mong ugali" nakangisi nitong saad bago hawakan ang kamay ko.
"Bye" nakangiting insulto na pagpapa alam nito bago ako hilahin palabas ng cr. Nakita ko pa ang masamang tingin, inis at namumulang mukha ni veronica sa sobrang galit.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 34. Continue reading Chapter 35 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.