I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 35: Chapter 35

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 35 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 35: Chapter 35. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

NAKANGISI naman pumasok ang binata sa loob ng cr, habang naka pamulsang nakatingin sa dalaga na ngayon nag tataka ang mukhang nakatingin sa kanya.
"Who are you?.. hindi mo ba alam na cr to ng mga babae, at basta- basta kana lang pumapasok dito?" may inis sa boses nitong saad at tanong sa binata.
"Alam ko" nakangisi nitong sagot sa kanya bago napa buntong hininga at tinignan siya ng seryoso.
"Hindi ako pumasok dito para mamboso, I have a manners.. gusto lang kitang maka- usap" Saad nito bago napa sandal sa pader. Kunot nuo naman siyang tinignan ng dalaga dahil wala siyang alam sa pinag sasabi ng lalaking kaharap niya, O kilala man ito.
"What?. hindi kita kilala para kausapin ang lalaking hindi straight to the point ang gustong sabihin" inis nitong saad sa binata bago kinuha ang bag na naka lapag sa lababo.
"Gusto mo si maximo?" tanong agad ng binata nung handa na sanang lumabas ang dalaga.
"yeah, at wala kana dun" maldita nitong pagkaka sagot. Ngumiti naman ang binata sa kanya bago tumayo ng maayos.
"Kung gusto mo siyang makuha, makipag tulungan ka sakin" saad nito, na kinakunot nanaman ng nuo niya.
"Anong ibig mong sabihin?" may pagtataka sa mukhang tanong ng dalaga. Nakita niya naman ang pag ngisi ng binata sa kanya.
"I think this is not the right place para mag usap at ipaintindi sayo ang gusto kong sabihin" nakangisi na saad ng binata bago may kinuhang card sa loob ng kanyang suit na suot.
"Meet me in that place, tomorrow morning" walang emosiyon na saad ng binata bago lumabas matapos inabot ang card na bigay niya.
"What those he mean. he's creepy but interesting" saad ng dalaga sa sarili at kunot nuong nakatingin sa bigay sa kanyang card.
HUMARAP naman siya sakin ng nakangiti matapos namin huminto sa harap ng wine na naka display sa isang lamesa.
"Here, cheer's dahil sa nainis ko din siya sa wakas. Hmm ang sayang makita ang mukha niyang naiinis" may saya sa boses nitong saad sakin sabay abot sakin ng wine.
Kinuha ko naman 'yun na nahihiya bago napatingin sa kanyang na ang laki ng ngiti sa labi. walang halong plastic, totoong ngiti.
"Emh by the way I'm marga ex- girlfriend ni maximo. pero wag ka mag alala ex naman wala na akong intensyon agawin siya sayo, alam ko kasing nag mamahalan kayo" nakangiti nitong saad sakin.
"Yennie, yen na lang" nakangiti koring pagpapa kilala sa kanya.
"So kamusta naman kayo ni maximo, maayos lang ba ang pag aalaga niya sayo?" Nakangiti nitong pag tatanong sakin.
"Ayos naman, minsan kung ano- ano lumalabas sa bibig niya" nakangiti kong sagot sa kanya, na kinatawa nito ng mahina.
"Hmm mabuti naman" nakangiti nitong saad at biglang naging malungkot ang mukha niya.
"May naikwento ba siya sayo, kung bakit kami nag hiwalay" may lungkot sa boses nitong tanong sakin. Natigilan naman ako bago sumagot ng wala akong maalala.
" wala naman siyang naikwe- kwento sakin. ayoko din naman mag tanong, hinihintay ko na siya mismo ang mag kwento sa past niya" nahihiya kong sagot at saad sa kanya.
Nakangiti naman itong nakatingin sakin habang pinag mamasdan ang mukha ko. Nakakailang ang tingin niya.
"Ang ganda mo at ang bait mo pa. hindi na ako mag tataka kung bakit ka nagustuhan ni maximo. I'm happy to both of you. siguro lalo akong magiging masaya kung tuluyan niya na akong napa tawad sa mga ginawa ko sa kanya" nakangiti pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya ng sabihin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"I admit, na niloko ko siya habang kami pa. hindi ko alam e, mahal ko naman siya pero nasasakal ako sa pag mamahal na binibigay niya sakin. ayoko ng pag mamahal niya, nakakasawa siyang mahalin... hindi ko nakikita yung future ko sa kanya, yung parang kulang, yung hinahanap kong isang bagay ay hindi ko nakikita sa kanya.. sa iba ko nakita e, nakakatawa right?. basta ang nasa isip ko nun ay baka hindi talaga kami para sa isat-isa" lintaya nitong saad sakin habang may lungkot sa mukha niya.
Hindi ako naka pag salita dahil sa mga sinasabi niya. hindi ko alam kung anong sasabihin ko, wala akong maisip  dahil sa narinig ko. basta ang alam ko lang may lungkot sa puso ko ang bumabalot.
"yen" napatingin naman ako sa likot ni marga ng may tumawag sakin. dun ko nakita si sandro na kinagulat ko.
"Nandito kadin pala?" Nakangiti nitong tanong sakin. tumango-tango naman akong kinakabahan sa kanya, bago napatingin sa paligid para tignan si maximo. Baka magalit yun pag nakita niya kaming nag uusap dalawa, at baka mag away nanaman sila.
"A-h Oo" kinakabahan at pilit na ngiti kong sagot na lang sa kanya. Lumapit naman ito saamin bago  napatingin kay marga na kinalaki ng ngiti niya sa labi.
"Oww marga it's that you?. long time no see" nakangiti nitong saad bago yumakap kay marga na natatawa narin. hindi na ako mag tataka na magka kilala sila dahil ex ni maximo si marga at alam niyang kapatid ni maximo si sandro.
"yeah long time no see. how about you, matured kana ba mag isip ngayon?, And okey na ba kayo ng you know?" Nakangiti na saad at tanong ni marga kay sandro, ng lumayo na sila sa pagkaka yakap.
"Hmm of course, I'm always fine. but hindi ko masasagot ang tanong mong yan, you know hindi talaga kami mag kakasundo" nakangiti din na saad ni sandro kay marga.
"Hmm so magka kilala kayo?" Pag iiba ng usapan ni marga sabay baling sakin ng tingin at agad din napatingin kay sandro na ngayon nakangiting nakatingin sakin.
"Emm yeah" sagot naman ni sandro, habang ako hindi mapakali dahil baka makita kami ni maximo. ayokong mag away sila ulit, gusto kong umiwas kung kinakailangan para hindi lang sila mag away mag kapatid.
"How?" Nakangiti na tanong ni marga habang nagpa baling- baling ang tingin samin.
"Muntik ko na siyang masagasaan" mahinang pag tawa na sagot ni sandro, bago tumabi sakin sa pagtayo na ang laki ng ngisi sa labi.
"Oww that's it hmm" napapa tango- tango na saad ni marga.
Nagulat naman ako ng biglang hinawakan ni sandro ang bewang ko. agad naman akong napatingin sa kanya na ngayo'y lalo lumaki ang ngisi sa labi.
Agad ko na sanang aalisin ang pagkaka hawak niya sa bewang ko, ng bigla na lang siyang bumulakta. dahil sa biglang pagkaka suntok sa kanya ni maximo.
"Ximo!" Sigaw ko at agad na siyang nilapitan ng susuntukin niya pa sana si sandro. Kita ko ang galit sa mukha niya at parang nag liliyab sa galit niyang mga mata. kita ko rin ang nag lalabasan na ugat sa kamay niya dahil sa pag kuyom niya dun.
"Wag" mahinahon kong saad sa kanya. lahat ng tao sa loob napapatigil sa ginagawa nila at napapatingin saamin. nakita ko naman agad ang pag lapit ni marga kay sandro at tinulungan itong tumayo sa pagkaka upo habang sapo ang gilit niyang labi.
Hinawakan ko naman ang kamay niyang nag alala dahil kita ko na may dugo ito. Napatingin naman ito sakin, ang kaninang galit niyang mata ay bigla na lang naging malambot.
"Tama na. umuwi na tayo please" mahinahon kong saad sa kanya. Napa kagad labi naman ako para pigilan ang pag tulo ng luha ko. kinakabahan ako ngayon dahil lahat ng tingin ay nasaamin.
" Try to touch her again, and you will see the hell" tiim baga nitong saad kay sandro sabay turo nito. nakita ko lang ang pag ngisi ni sandro habang nakatingin sa kapatid, na parang walang nangyari.
"Ano bang problema mo maximo? why did you punch him, he's your brother" may galit sa boses na saad ni marga. Nakita ko naman lalong naging madilim ang mukha ni maximo.
"I don't f*cking care.. what's mine is mine. binalaan ko na siya na lumayo siya kay yen dahil ako ang makaka laban niya." galit na saad ni maximo bago hawakan ang kamay ko.
"What happening here?" Biglang pag sulpot ni spencer kasama si sethrix na seryoso at salubong ang kilay.
"please sabihin niyo kay maximo na umuwi na tayo" pag kukumbinsi ko kay spencer.
"Hindi ka parin nag babago, you're still possessive maximo at baka dahil jan sa magiging posessive mo iiwa-" hindi na natapos ang sasabihin ni marga ang sasabihin niya ng bigla itong putulin ni maximo.
"Ano?, na iiwan niya din ako, tulad ng ginawa mo sakin? dahil nakakasawa akong mahalin ganun ba huh?. F*ck why don't you admit your self na hindi lang 'yun ang dahilan, kasi hindi mo naman talaga ako minahal! because of that nagawa mo akong lokohin!" galit at tiim bangang na sigaw ni maximo. ramdam ko ang sakit sa boses niya, Kita ko ang pamumula ng tenga at pag pigil niya sa pag labas ng luha.
Hinawakan ko naman ang kamay niya at ramdam ko ang panginginig sa galit nun. hindi ko narin napigilan ang pag bagsak ng luha ko dahil sa narinig at nangyayari ngayon.
Napatingin naman siya sakin ng marinig ang pag pigil ng hikbi ko at bigla na lang hinawakan ang kamay ko. Agad niya naman akong hinila palabas na galit ang mukha. napansin ko naman agad ang pag iwas ng mga tao sa bawat na pag daan namin at hindi makatingin sa dereksiyon namin.
"Get inside the car now yen" seryoso pero may halong galit sa boses niyang saad sakin, sabay sa pag tunog ng sasakyan para mabuksan ang pag lock ng pinto ng sasakyan.
Hindi na lang ako umangal pa at agad nang pumasok sa loob ng sasakyan. Nang maka pasok siya agad niya naman ito pinaharurot na parang wala nang bukas.
"Ximo dahan- dahan lang, baka masagasaan tayo" mahinahon pero may halong kaba sa boses kong saad sa kanya. Hindi niya naman ako pinansin dahil lalo niya lang pinabilis ang pag takbo ng sasakyan at walang pakialam sa ibang sasakyan sa gilit namin.
Nakita ko ang pag higpit ng hawak niya sa manibela ng sasakyan dahil sa sobrang galit. Napa hawak naman ako sa seatbelt dahil sa takot na baka mabundol kami..
Hindi ko alam kung saan na kami papunta ngayon dahil wala na kaming nasasabyan na sasakyan ngayon. mga puno na lang ang nakikita ko sa paligid.
"Ximo!" Sigaw ko sabay pikit ng mariin nang makita kong malapit na kami sa bangin. binuksan ko naman ang mga mata nang maramdaman ko ang biglaan na pag preno niya. tumingin naman ako sa kanya ng marinig ko ang mabibigat nitong pag hinga.
"F*ck!, F*ck!, F*ck!" Paulit-ulit nitong pag sigaw sabay pag hampas sa manibela. ramdam ko ang galit sa sigaw niya, parang hindi si maximo ang kasama ko ngayon. ang nakikita kong maximo, yung nakilala ko nung simula.
"Ximo ano ba, tama na. sinasaktan mo lang ang sarili mo" nag aalala kong saad sa kanya sabay pag hawak ng kamay niya, para pigilan siya. nakikita kona kasi na namumula na ang kanyang kamay.
"Ano ba ang kinagagalit mo? ang pag hawak ni sandro sa kamay ko O dahil sa nakita mo ulit ang ex mo!" galit kong pag tanong sa kanya.
"Pareho!" Galit nitong sigaw sakin sabay labas sa sasakyan. medyo nagulat pa ako sa biglang pag sigaw niya sakin, pero agad din akong sumunod sa pag labas niya.
"D*mn!" Nakita ko naman ang pag suntok niya sa salamin ng sasakyan, kaya naman agad na akong lumapit sa kanya.
"Ximo ano bang nangyayari sayo? hindi na kita maintindihan?.. bakit ba galit na galit ka? mahal mo parin ba siya kaya ka galit?" hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko ng itanong ko 'yun sa kanya.
Natatakot ako sa isasagot niya na baka mahal pa niya si marga, kaya siya nagkaka ganito. hindi ko mapigilan makaramdam ng pag kirot sa puso.
Tumingin naman ito sakin na nag liliyab ang mata niya sa galit bago dali- daling lumapit sakin, sabay hawak sa magka bilaan kong balikat. mahigpit ang pagkaka hawak niya at mariin ang pagka titig sa mata ko.
"Sabihin mo sakin yen, iiwan mo rin ba ako pag marami akong ipag babawal sayo? masasakal ka rin ba sa pag mamahal na ipapakita ko sayo, mag sasawa kaba sa pagiging obsessed ko?. iiwan mo din ba ako tulad ni marga? Tell me yen! sagutin mo ako!" Sigaw nito sakin. napa igik naman ako sa sakit ng lalong humigpit ang pag hawak niya sa balikat ko.
"Ximo ano ba nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya at agad siyang tinulak ng mahina palayo sakin.
"Bakit ba kailangan mo akong ikompara kay marga ximo?. sa tingin mo ba iiwan kita huh?" Umiiyak kong saad at tanong sa kanya.
"Hindi mo naman kailangan mag alala e, mahal kita ximo sana naman mag tiwala ka sakin. Hindi ko magagawang iwan ka dahil mahal na mahal kita.. alam mo masaya pa nga ako sa pagiging obsessed mo sakin e, masayang- masaya ximo. alam mo kung bakit?. kasi hindi na ako mag iisip na baka pinag lalaruan mo lang ako" humihikbi kong pag saad sa kanya. Nakita ko naman ang pag lambot ng mukha niya at pag tulo ng luha niya pababa sa pisngi.
"may trust issue parin kasi ako hangang ngayon sa sarili ko ximo, na baka kasi hindi mo talaga ako mahal. pero sa nakikita ko ngayon alam ko na ang totoo, at masaya ako dun, masayang- masaya" dagdag kong saad sa kanya sabay punas ng pisngi ko.
"Alam kong iisipin mong wala akong tiwala sayo, pero hindi mo ako masisisi na maramdamam ito. dahil sa natatakot din ako na baka balang araw na sasabihin mo sakin biro lang ang lahat ng ito.. ayokong maging tulad sa mga naging babae mo, ayoko kong sandali lang ako sa buhay mo, ayokong gawin mo akong pampalipas oras mo lang" saad ko pa bago napa yuko. sobrang sakit man ng mga sinasabi ko ngayon, pero 'yun ang nararamdaman ko.
"Im sorry, I'm so sorry sweetie" saad nito sakin sabay mahigpit akong niyakap na ginantihan ko naman..
Rinig ko ang mabibigat niyang pag hinga at ramdam ko ang pagpapa kalma niya sa kanyang sarili..
"Alam mo ang malas nila dahil hindi nila nakikita ang pag mamahal na sayo lang makikita.. kung hindi nila gusto ang pag mamahal mo, handa kong saluhin 'yun ng buo" saad ko sa kanya bago bumitaw sa pagkaka yakap sa kanya sabay hawak sa pagka bilaan niyang pisngi.
"Hindi kita iiwan, at sana ganun ka din" nakangiting mapait kong saad sa kanya. Umiling naman ito sabay hawak ng kamay ko na nakahawak sa pisngi niya.
"No. I won't do that. I'll promise" nakangiti nitong saad sabay halik sa nuo ko.
"I love you" saad nito bago ako mahigpit na niyakap.
"I love you too" saad ko rin sa kanya at niyakap siya pabalik.
Dahil sa sinabi niya ay kailangan ko siyang pagka tiwalaan. tiwala ang ibibigay ko sa kanya ngayon.
"ARE you feel cold?" Nakangiti naman akong napatingin sa kanya bago napatango.
Hangang ngayon nandito parin kasi kami, hindi pa kami umuuwi pampa alis ng init ng ulo at maka limutan ang nangyari kanina. Nakaupo kami sa lupa habang nakatanaw sa nag iilawan na mga ilaw, galing sa nag tataasan na mga building. Siguro pag umuga ito kita ang syudad. ang gandang pag masdan dahil parang mga bituin ang mga ilaw.
Napatingin naman ako sa kanyang nakangiti ng binalot niya sa likot ko ang suit na suot. Nakita ko naman ang pag ngiti niya bago ako ilapit sa kanya at hawakan ang bewang ko para yakapin ng mahigpit. Kung hindi dahil sa ilaw na nang gagaling sa sasakyan niya, siguro sobrang dilim ngayon dito.
"Sorry ulit kung nasigawan kita kanina" may pagsisisi sa boses nitong saad sakin. Napangiti naman ako dahil kanina pa siya nag so- sorry. Kanina nag kwento siya tungkol sa nangyari sa kanila ni marga noon. aminado naman akong nakaramdam ng selos dahil sinabi niya sakin na sobra niyang minahal si marga noon kaya ganun siya kagalit. pero nakaramdam din naman ako ng lungkot dahil kahit alam niya na niloloko siya ni marga ng patago, at patago din pala siya nasasaktan kasi kahit na alam niya na ang totoo ay binalewala niya ito. kasi mahal niya.
Pero ang hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo niya sa kapatid niya. hindi  na ako nag tanong dun, dahil mas gusto ko siya mismo ang mag kwento sakin. dahil ayokong isipin niya na nangingialam ako sa pribado niyang buhay.
Agad naman akong tumingin sa kanya bago hinawakan ang magka bilaan niya pisngi. natawa ako ng mahina bago pinag pipisil ang pisngi niya.
Bago dalawang beses ko Dinampi ang labi ko sa labi niya, bago ngumiti dito na kinangiti niya din dahil sa ginawa ko.
"Itigil mo na nga ang kakasabi ng sorry" natatawa kong saad bago pisilin ulit ang kanyang pisngi.
"Taste good sweetie. more please" nakangisi nitong saad sakin bago ngumuso, habang hawak ko parin ang magka bilaan niyang pisngi.
"Uyy sobra kana huh" natatawa kong saad sa kanya bago bitawan ang pisngi niya at tumingin sa harap.
"Hmm sige na. mas masarap pala pag ikaw unang humahalik" natatawa nitong saad bago sinandal ang baba sa balikat ko.
"Hee tumigil ka jan. mabuti pa umuwi na tayo at baka nag aalala na 'yun si nanay sita" saad ko sa kanya bago tumayo. narinig ko naman ang mahina niyang pag tawa bago tumayo.
"Hmm sige kung ayaw mo" may pag tatampo at pag kokonsenya sa boses nitong saad. Natatawa naman akong sumunod sa kanya dahil sa nagiging malambing nanaman siya.
Pumasok naman ako sa sasakyan dahil nauna na siyang pumasok nang hindi man lang ako pinag buksan. Halatang nag tatampo talaga.
"Ayos ka lang ba?" May pang aasar sa boses kong pag tatanong ko sa kanya. Pigil pag tawa naman akong tumingin sa kanya dahil sa nakikita kong salubong ang kilay nitong tumingin sakin.
"Tks. of course I a'm" salubong ang kilay na sagot nito. Hindi ko na napigilan ang hindi ilabas ang tawa, na lalong kinasalubong ng kilay niya at pag simangod na nakatingin sakin.
"H-lata nga" natatawa kong saad sa kanya. pilit ko naman kinagad ang pag ibabang labi para pigilan ang gustong lumabas na malakas na pag tawa. ayoko nang tumawa dahil sa nakikita ko ang salubong niyang kilay, naawa na ako sa pagiging pikonin niya.
"Tks, wag mo na yang pigilan. ilabas mo na, nahiya kapa" inis niyang saad bago paandarin ang sasakyan. dahil sa sinabi niya, hindi ko na nga napigilan at natawa na ako ng malakas...
"SORRY na ximo huyy" pag kalabit ko sa braso niya dahil hindi na siya nag salita nang makarating kami sa mansyon niya. Napangiti naman ako ng hindi niya ako pinansin O balingan ng tingin bago lumabas.
Agad naman akong bumaba bago sumunod sa kanya at agad siyang niyakap patalikot, na kinatigil niya sa pag pasok sa loob.
"Sorry na" nag lalambing kong saad sa kanya bago sinupsup ang mukha sa likot niya na nag bigay init sa katawan ko, dahil sa mainit niya ring katawan. Ang bango niya at ang sarap yakapin dahil sa matigas niyang likot at tiyan.
"Tks. hindi naman halatang ayaw mo nang bumitaw no?" Nabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang pag salita niya bago mahinang natawa. Nag init naman ang pisngi kong bumitaw sa pagkaka yakap sa kanya.
Humarap naman siya sakin na ang laki ng ngisi sa labi, na lalong kinainit ng pisngi ko.  Gusto ko pa sanang ibaba ang tingin ko dahil alam kong namumula na ito ngayon. pero hindi ko na 'yun nagawa dahil sa pag dapo agad ng tingin ko sa namumula niyang labi na, parang nang aakit.
"Sh*t don't look at me like that sweetie. feel ko hinuhubaran mo na ang pagka tao ko" natatawa niyang saad sakin. Napangiti naman ako dahil sa kabaliwan nanaman niya.
Agad naman akong lumapit sa kanya bago pinaikot ang dalawa kong balikat sa batok niya, at walang pag dadalawang isip kong sinakop ang malambot niyang labi. labi niyang nakakaakit at ang sarap halikan, hindi na nakakasawa. parang kumakain lang ako ng munchmalow na matamis tamis.
Naramdaman ko ang pag ngisi niya sa kalagitnaan ng pag hahalikan namin, bago niya hawakan ang batok ko para mas idiin ang labi ko sa labi niya.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 35. Continue reading Chapter 36 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.