I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 42: Chapter 42

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 42 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 42: Chapter 42. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

YEN. POV
"ATE YEN!"  Napahinto naman ako sa ginagawa kong pag tamin ng palay ng marinig ko ang pag tawag ng anak ni aling pasing. Kita ko naman ang pag takbo nito, at malawak ang ngiting papalapit sakin. Maganda, matangkat, maputi at habang buhok. halos wala kang makikitang kapangitan sa mukha nito. mabait, pero yun nga lang makulit. simula nung umuwi ako dito kila lola. At nakita ako halos ayaw na ako tantanan nito, palagi na lang nasa tabi ko. Minsan nga pinapagalitan na ng nanay dahil halos ayaw na umuwi sa kanila. minsan natatawa na lang ako, dahil nanay niya na ang sumusundo sa kanya.
"Ate yen, yuho. ayos ka lang ba. Jusko matutunanw naman tong ganda ko sa kakatitig mo eh" Nabalik naman ako sa malalim na pag iisip ng bigla itong pabirong nag salita. Di ko man lang napansin na nasa harap ko na pala ito.
"Hayy nako nica, umaandar nanaman yang kahanginan mo" Natatawa kong saad sa kanya at pinahiran siya ng putik sa ilong. kahit totoo naman yung sinasabi niya.
"Ehh ate naman eh" Naka simangot nitong pag rereklamo, at agad na pinunasan yung ilong niya. Agad naman na ako nag simula ulit sa ginagawa ko.
"Ano nanaman ginagawa mo dito. baka hanapin ka nanaman ni aling pasing huh. Lagot ka nanaman" Napapailing kong saad sa kanya habang pinag papatuloy ang pag tatamin sa palay.
"Hindi yun ate. Bago naman ako umalis nag linis na ako ng bahay at nag hugas ng pinggan" Saad nito at kinuha ang palay sa baldeng hawak ko at agad na binitawan sa lupa.
"Okay kung ganon.. Siya nga pala, wala kabang pasok?" Pag tatanong ko dito. Pagkaka alam ko kasi senior high na siya.
"Wala po ate yen. sabado diba" Natatawa nitong sagot sakin.  Sa pagkaka alam ko di naman nagkaka layo yung edad namin. pero tinatawag niya akong ate. Binalewala ko na lang 'yun at natawa na rin.. Siguro sobrang dami ko nang iniisip pati pag daan ng linggo nakakalimutan ko na.
Ilang buwan na din ang nakakalipas simula nang pumunta kami dito ni tan-tan. At masasabi kong nakakagaan ang pag punta at unti- unti kong pag limot sa sakit. Nung una sobrang hirap, pero sa tagal- tagal na din at palaging pangungulit sakin ni nica. At sa palaging may ginagawa. nakakagaan ng loob.
Minsan dumadating yung lungkot, sa tuwing naalala ko si maximo. meron sa parte sa katawan ko nasasaktan at nag alala sa kanya. Kahit na naiisip kong masaya na siya ngayon at magkaka pamilya na siya. Na sana ako na lang 'yun.
Ang daming sana. sana ako ang asawa niya, sana ako yung kasama niya, sana ako yung mahal niya.
Ang sakit- sakit. lalong sumasakit kapag napapaisip kong ito yung reyalidad samin. ang sakit- sakit tanggapin pero kailangan harapin.
"Ate yen, ayos ka lang ba?" Agad ko naman pinunasan ang luha sa pisngi ko ng biglang mag salita si nica.
Akala ko wala nang luha ang lalabas sa mata ko. Pero madami pa pala ang kailangan kong ilabas, para paulit- ulit na masaktan at ipamukha sa sarili ko na hindi na talaga siya para sakin.
"Nako inaalala mo nanaman yung si mr heartbreak na yan no. Tks, tks, tks" Napapailing nitong saad sakin.
"Mabuti pa ate yen, magpahinga kana muna. mas nakaka pagod ang pag tra- trabaho lalo na pag may iniisip at may nararamdaman kang bigat diyan sa puso mo...  Kung tutuusin nga parang mas mabigat pa ngang yang dalang sakit mo e, keysa sa trabaho na to" Napapailing nitong lintayang saad bago kunin sakin ang balde.
Tama nga siya. walang mas nakakapagod sa nararamdaman ko, keysa sa trabaho nato.
"Huy nica ano nanaman pinag sasabi mo kay yen huh?" Biglang pag sulpot ni keng sa harap namin.
"Wala buang ka. nakiki chismis ka nanaman dito samin kuya" Napapairap na saad ni nica dito na kinatawa naman ni keng.
"Hindi huh.. tinatanong ko lang, kasi mukhang malungkot nanaman tong yen ko eh" Nakangiti nitong saad bago tumingin sakin. Napapailing naman ako dahil sa kakulitan din nito.
Hindi ko din maitatanggi na gwapo siya. Matangkat, matangos ang ilong, moreno at medjo maskulado nitong katawan. hindi din naman nagkaka layo ang edad naming dalawa.
"Nako yen, iisipin ko nang pinag papantasyahan mo din tong ka gwapuhan at matcho kong katawan?" Mapang asar na saad nito sakin dahilan na pag iwas ko agad dito ng tingin. Narinig ko naman ang pag tawa nito, na kinahiya ko. ano- ano nanaman pinag iisip nito.
"Hangin mo loko- loko ka" Natatawa kong saad dito para maiwasan ang kailangan.
"Sinabi mo pa ate yen... Feelingero talaga yang si kuya keng. Parang mas lumakas nga ang hangin eh" Nang aasar ding saad ni nica na kinatawa ko na din dahil sa pinag sasabi niya.
"Suss inggit ka lang. Naaakit ka din naman eh" Humahangin namang saad ni keng dito.
"Yackk, mangilabot ka nga kuya keng. hindi tayo talo, hindi ko din type yung malayo na sa edad ko" Saad naman ni nica dito.
"Nako kakainin mo din yang sinabi mo nica" Natatawang pang aasar ni keng dito. Kita ko naman ang pag irap nito kay keng na kinatawa na lang namin.
Napapailing na lang ako dahil nag tatalo nanaman ang dalawa.
[ WELCOM TO MAG TANONG]
"FINALLY WE are here" Nakangiting pag saad ni spencer bago napatingin sa labas. Matapos ang sampung oras na byahe.
"Are you sure?" Magka salubong kilay na tanong ni maximo dito at napatingin din sa paligid.
Katahimikan lugar ang bumungad sakanila. May kanyang- kanya na ginagawa ang mga tao. Yung iba, nag lalako ng kakanin. Ang iba sa medjo kalayuan na palayan. kitang- kita ang paligid. kanyang- kanya din ang mga tao roon sa pag tatanim. Ang iba naman nag lalakat napapatingin sa kanilang gawi. Kapansin- sin ang sasakyan nila sa mga ito.
"So what now?" Nababagot na pag tanong ni sethrix habang taas kilay na nakatingin kay spencer na kanina pang busy na nakatingin sa hawak niyang cellphone.
"Walang signal" Tipid at kibit balikat nitong sagot bago itutok ang cellphone sa labas at nag hahanap ng signal.
"Common sense dude. Syempre walang signal, bundok na to eh" Napapailing na saad nito.
Napatingin naman ito kay maximo na abalang inaaligit ang mata sa labas. Malalim parin ang pag iisip nito, at nag aalala sa kung ano ang magiging reaction O mararamdaman ng dalaga. Hindi niya alam kung papaano sisimulan ang paliwanag niya kapag nagkita na sila. Hindi niya din alam kung kakausapin ba siya nito, O pag tatabuyan na umalis dahil sa ginawa niya dito. kahit hindi niya naman gusto ang saktan ito, at makitang umiiyak at nasasaktan ito sa harap niya. Wala siyang magawa kundi pigilan yakapin, dahil ang gusto niya lang mapalayo din ito sa mata ni sandro. 'yun na lang ang naiisip na paraan para malayo ito sa problema nila.
"Bro are you okay?" Pag tatanong ni sethrix sa kaibigan para mapa baling sa kanya ang tingin nito at basagin ang pag iisip nito.
"Yeah" tipid nitong sagot sa kaibigan, bago napa hilot sa nuo nito.
"Hey miss!" Napatingin naman sila sa labas ng tinawag ni spencer ang dalaga na papasok na sa kanilang gate. Napahinto naman ang dalaga at tumingin kay spencer na malawak ang ngiti nito.
"Bakit?" Nakataas na kilay na tanong ng dalaga dito at pinag saklop ang mga kamay malapit sa dibdib na papalapit sakanila.. Nagagandahan man at napapatanong naman ang dalaga sa kanyang isip. Binalewala naman niya ito, at hindi pinahalata sa taong tumawag sa kanya.
"Pwede mag tanong?" Nakangiti na pag tanong ni spencer dito, at hindi maaalis ang pagka play boy nitong ngiti.
Bigla naman umukit ang nakakalokong ngiti sa labi ng dalaga dahil sa naiisip nito.
" Hmm pwede naman pero..." Pabiting sagot nito at nakangisi nitong labi.
"Pero, ano?" Malawak na pag ngiting tanong ni spencer dito.
"1000 isang tanong sa sagot mo. 2000 naman kapag ituturo ko yung tatanungin mong lugar.. Ano deal?  Nakangising pag saad ng dalaga.
"What?" Gulat na tanong nito nang marinig ang sinabi ng kaharap.. Napapaisip ito, dahil mukhang naka hanap ata siya ng katapad.
"Ohh? Mukhang ayaw mo ata.. Ikaw din, mukhang yung hinahanap niyo baka alam ko pa" May halong pang aasar nito kay spencer. Bago napatingin sa loob dahil sa parang namumukhaan niya ang isang lalaki na nasa loob. At dun niya napag tanto na ang lalaking namumukhaan niya ang siyang nakita niyang picture na hawak ng ate yen niya.
Napapaisip din ito kung ano ang kailangan nito ngayon at napunta rito sa lugar nila. Sigurado siya na baka dahil sa dalaga. Pero ano naman ang kailangan nito, matapos niyang saktan ito.
"Siya nga" mahinang pag bulong ng dalaga, bago malawak na ngumiti sa kausap.
"Oh ano na kuya?" Tilang naiinip nitong pag tanong sa binata. Nakita niya naman ang pag kamot sa batok nito. Na parang hindi nagustuhan ang pag tawag niya ditong kuya.
"Deal" Parang napipilitan nitong pag sagot sa kanya. Aminadong na gwa- gwapuhan siya sa kausap ngayon, kahit na may edad na ito.
"Sige.. Sino pala hinahanap niyo?" Pag unang tanong niya dito. Huminga naman ng malalim ang binata bago siya sagutin.
"May kilala kabang Yen dito?" Tanong nito sa dalaga.
"Tama nga" Mahina nitong pag sambit sa sarili bago napa buntong hininga.
"Ahh, hmm. Wala eh, walang yen dito" Napapailing sagot ng dalaga bago pilit na ngumiti dito.
"Wait.. baka di mo kilala yung pangalan, pero nakikita O namumukhaan mo lang" Saad ni spencer, bago hinarap ang kanyang cellphone at ipakita ang larawan dito.
"Meron kasi nakapag sabi samin na dito sa lugar siya nakatira" Dagdag na saad ni Spencer sa dalaga at tinignan ito sa mata. nahuhuli niyang parang nag sisinungaling ito, at dahil panay kagat sa labi nito, at panay iwas sa tingin niya.
"Wala nga eh. ang kulit mo naman kuya, sa tingin mo sa ganda ng babaeng yan, mukhang mayaman pa. titira sa ganitong lugar, kaya maniwala ka sakin na wala akong nakikita dito na kaganyan kaganda" Salubong na kilay na saad ng dalaga dito, at nag kukunwareng masungit para hindi ipahalata na kinakabahan at nag sisinungaling siya.
"I see" tipid at kibit balikat na saad ni spencer bago napangisi sa dalaga.
"Oo, wala talaga.. Ohh saan na bigay mo na sakin yung 2000. Dalawang sagot ko na yun" Taas kilay na saad ng dalaga bago ilahat ang kamay nito.
"Eme hahaha" Natatawang saad ng dalaga bago ilayo ang kamay ng iaabot na sana ni spencer ang pera.
"Why. we have a deal right?" Nag tatakang saad ni spencer sa dalaga.
"Biro lang. di ko kailangan yan, sinagot ko lang tanong mo. kasi maganda at mabait ako" Mahangin na saad nito, bago hampasin ang buhok palikot.
"Hangin" Bulong na saad ni spencer.
"Ano?" Taas kilay na tanong ng dalaga.
"Nothing.. I said, thank you. Sorry to wasting your time" Saad nito, bago kindatan ang dalaga. Umirap naman ang dalaga dahil sa ginawa niya.
"Nica!"
Napa kamot naman ng ulo ang dalaga dahil sa pag tawag ng nanay niya sa kanya papalabas ng bahay nila na may dala pang sandok. Mukhang nag luluto pa ito.
"Nica, ikaw bata ka nandito ka lang pala. yung mga kambing, baka at baboy dun hindi mo tinulungan yung tatay mo pakainin ang mga 'yun. Lagwatchera ka talagang bata ka, kung saan- saan ka nag sisi- suot" Mahabang pag sesermon ng nanay niya sa kanya.
"Nanay naman eh. nakalimutan ko lang ho" Nakasimangot na sagot nito sa kanyang ina sabay kamot ng ulo.
"Anong nakalimutan mo, hindi kapa katandaan makakalimutin kana. ang sabihin mo, nandun ka nanaman kay ye--"
" hep, hep, hep. Opo na nay, papakainin ko na yun. Ako na mag lalaba, mag lilinis ng bahay bukas.. Pumasok kana po sa loob yung niluluto niyo sunog na" pagpipigil na pag salita nito sa pangalan ng hinahanap ng mga binata.
"At bakit?.. Teka sino mga to?" Biglang pag tatakang tanong ng kanyang ina, bago napatingin sa mga binata. bigla naman nag bago ang expression ng kanyang ina ng makita ang na gwa- gwapohan na mga binata.
"Anak sino sila. ang gwa- gwapo anak" Nakangiti at parang kinikilig na bulong ng kanyang ina sa kanya.. Napapailing naman ang dalaga bago napa sapo sa kanyang nuo.
"Hindi ko po kilala inay. nag tatanong lang sila" sagot nito sa ina.
"Sino naman?" Nag tatakang pag tanong nito sa kanya, bago balingan ulit ang tingin sa mga binata.
"Hi po tita. Spencer po, sethrix and maximo" Malawak na ngiting pagpapa kilala ni spencer sa sarili niya at sa mga kasama na lalong kinangiti ng ina. Bago ilahat ang kamay nito
"Aling pasing, nanay ni nica.. Sino pala hinahanap niyo mga ijo?"
"Inay diba may ginagawa kapa po. nasusunog na inay, puntahan mo na" Saad nito sa kanyang ina para maiwasan ang itatanong ng mga lalaki sa kanyang ina at baka masagot niya na nandito nga ang hinahanap nila.
Hindi nila dapat mahanap ang dalaga. Hindi niya alam ano nanaman ang kailangan nila dito, ayaw niya nang nakikita na malungkot ang dalaga at makita itong umiiyak. hindi niya alam kung bakit kailangan pang magpakita ang mga ito, para saktan nanaman ang dalaga.
"Ayy Oo nga pala. Sige maiwan ko na muna kayo mga ijo, nasusunog na kasi niluluto ko. Anak ko na lang sasagot sa tanong niyo" Nakangiti nitong saad bago nag mamadaling iwan sila.
"So nasagot ko na ang tinatanong niyo. maiwan ko na kayo, ang dami ko pang gagawin. Have a nice trip KUYA" Saad nito kay spencer at diniinan ang huling salita. Agad naman na umalis ang dalaga sa harap nila.
"Wait miss!" Pag pipigil sanang sigaw ni spencer, pero huli na kasi nakapasok na ang dalaga.
"Sayang naman, di ko man lang nakuha yung number" Napapailing na saad ni spencer bago napa buntong hininga at napa ayos ng upo.
"Child abuse ka gago" Nakangising saad ni sethrix dito.
"Wow nahiya naman ako sayo" Nakangising pabalik na saad niya dito.
"Stop that stupid nonsense. I think we need to move our own way" Biglang pag salita ni maximo sa likot habang nakapikit ang mata nito. halata ang pagod dito, at pag aalala.
Ilang sandali ang katahimikan ang namayani sa loob ng kotse, nang makita nilang lumabas ang dalaga at nag mamadaling umalis.
"You think nag sasabi ng totoo yung dalaga?" Pag basag ng katahimikan ni sethrix habang nakatingin sa papalayong dalaga.
"I don't think so.. Let's found out" Nakangising saad ni spencer bago paandarin ang kotse at sumunod sa dalaga.
YEN POV.
"Ate yen, ate yen!" Agad naman akong napahinto sa ginagawa ko ng makita ko ang hinihingal na pag sisigaw sakin ni nica.
"Oh bakit?. bakit hinihingal ka, may nangyare ba sayo, mukhang atang may humahabol sayo huh?" Nag tataka kong pag tatanong dito.
"Ka-si, kasi" Huminto naman ito sa pag sasalita para humugot ng malalim na pag hinga.
Ano naman atang ginawang kalokohan nito. Kani- kanina lang maayos ito nakauwi tapos ngayon bumalik dito parang hinabol ng sampong baka sa lagay niya ngayon. Kahit nag tataka man ay hinintay ko parin ang sasabihin niya habang inaayos ang pag liligpit sa mga ginamit ko sa pag tatamin ng palay.
"Kasi ate kailangan mo na umuwi, ngayon na wag kana mag tatanong" Hinihingal nitong saad sakin na lalo kong kinalito at kinataka. Dahil hinahablot niya na ang kamay ko, halos matumba na kami sa gilit ng putikan.
"Sandali nga nica.. Ano bang nangyayare sayo, parang hinahabol ka ng sampong baka sa lagay mong yan huh.. Siguro may ginawa ka nanaman kasalanan?" Saad at tanong ko rito at pinigilan siya sa pag hatak sakin.
"Mamaya ko na sasabihin sayo ate yen. Ang mahalaga ngayon sumunod kana lang muna sakin. Dahil mas malala pa sa baka ang humahanap sayo ngayon" sagot niya sakin at panay parin ang pag hatak sakin hanggang sa makarating kami sa daan. Wala na akong magawa kundi ang sumunod na lang sa kanya kahit na nalilito na ako sa pinag sasabi niya ngayon.
"Yen"
Napahinto naman ako at tumingin sa tumawag sakin ngayon. Nang makita ang taong tumawag sa pangalan ko, parang bumilis ang pag takbo ng oras. Kumakabog at sumisikip ang dibdib ko.
"Paktay" Rinig kong salita ni nica sa tabi ko. ngayon alam ko na kung bakit nag mamadali siyang pauwiin ako.
"Yen" Narinig ko nanaman ang malamig nitong pag tawag sa pangalan ko, bago ko naramdaman ang mainit nitong pag yakap sa katawan ko. Na lalong dumagdag ang kabog na nararamdaman ko. Naguguluhan na ako ngayon, ang daming pumapasok sa utak ko. At mga tanong kung anong ginagawa niya dito. O kung totoo bang nangyayareng to ngayon O panaginip lang to. Pero ramdam ko ang mainit at mahigpit nitong katawan na nakayakap sa katawan ko na ngayon ko na lang ulit naramdaman.
"Ano-.. Anong ginagawa mo dito?" May kaba at nag tataka kong tanong sa kanya ng bumitaw na siya sa pagkaka yakap sakin. dahilan na mabalik na din ako sa reyalidad na totoo nga ang nangyayare ngayon. totoo nga na nasa harap ko siya ngayon.
Mataimtim ang mga mata at may halong hindi ko maintindihan ang pag titig nito sa mata ko na halos iniiwasan kong titigan.
"I come here, because of you" May halong saya sa boses nitong saad sakin na mas lalong dumagdag ang pag iisip ko.
Ako ang pinuntahan niya. Sa anong dahilan, paano niya ako nahanap. paano si veronica, buntis yun bakit niya iniwan.
"Pero bakit po?" Napapa sagat labi kong pag tanong sa kanya, bago napatingin sa likot niya. Nandun sina spencer at sethrix, tinignan ko din sila na nag tatanong ang mga mata.
"Can we talk yen?" Kita ko sa mata niya ang pag susumamo nitong saad sakin.
Kakausapin, para sa ano. bakit paba siya nandito. Pilit ko na nga siya kinakalimutan pero ngayon nasa harap ko siya. ano paba ang kailangan niya, ang sakit- sakit na nga eh.
"Para sa ano?" Pinipigilan kong pag luhang pag tatanong sa kanya. aminin ko man O hindi pero umaasa ako na hindi ko alam kung bakit. parang gusto kong malaman ang sasabihin niya, pero meron din na natatakot akong malaman kung ano ang mga 'yun.
"Anong kailangan mo kay yen?" Biglang pag sulpot ni keng sa harap. Kita ko naman ang pag titig ni maximo dito at ang pag tiim baga niya. alam kong nainis ito sa biglang pag sulpot ni keng.
"Kung ano mang sasabihin mo, sabihin mo na ngayon sa harap namin" Dagdag pa nitong saad kay maximo. Napa buntong hininga naman ako dahil kapag di ko pipigilan ang sasabihin ni keng ngayon baka yun pa ang ikainis ni maximo, at baka magkaka gulo pa rito.
"Keng" Mahinang pag sambit ko sa pangalan nito, at hinawakan ito sa braso niya. Agad ko naman binitawan ang pagkaka hawak kay keng ng makita ko ang lalong pag tiim baga ni maximo, at malamig nitong pagtitig sa kamay ko sa braso ni keng.
Galit ba siya? Nag seselos? O nag aasume lang ako. Bakit naman siya mag seselos at magagalit, sinabi niya din naman na hindi niya ako mahal.
'Tanga mo yen. Wag ka mag assume, guni- guni mo lang 'yan'  Napahinga naman ako ng malalim dahil sa naiisip dahilan ng pag sikip ng dibdib ko. Hindi to tama na nakikita ko siya ngayon, hindi tama na magkaka usap kami. dahil sarili ko lang mismo ang lalong sasaktan ko. Nagpakalayo na ako para makalimot, pero bakit ngayon nandito siya. ginugulo niya ang isip ko, at pinapaasa niya nanaman ako.
"Senorito sabihin niyo na po dito, may gagawin pa po kasi ako" Saad ko sa kanya at iniiwasan ang pag titig sa mata niya.
Rinig ko ang pag buntong hininga nito at nakita ko ang pag kuyom ng mga palad nito. na lalong nag silabasan ang ugat nito sa kamay.
"Nothing" Tipid at malamig nitong saad. parang mas lalong sumikip yung dibdib ko, dahil umaasa ako sa kung anong sasabihin niya. Ang tanga ko kahit kailan, ano naman ang hinihintay kong sasabihin niya. Na mahal niya ako, na hindi totoo ang lahat nang 'yun. Impusible mangyari nga naman 'yun, dahil kita na ng dalawang mata ko na kinasal na ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Pero bakit. Bakit nandito siya, gusto niya ba ipamukha sakin na hindi ko siya deserve. Oo nga naman sino ba naman ako, hindi nga naman talaga.
"Ganon po ba... Sige po seniorito mauna na po kami. Mag iingat po kayo" Kagad labi kong saad rito. agad naman na akong tumalikot dahil ramdam ko ang pag iinit sa gilit nang mata ko, alam kong ano mang sigundo tutulo na yung luha ko.
Baka nga may pinuntahan lang sila dito at nag aasume lang ako, na ako yung pinuntahan niya.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 42. View all chapters or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.