I'm The Maid Of Cassanova Ruthless - Chapter 9: Chapter 9

Book: I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 9 2025-09-22

You are reading I'm The Maid Of Cassanova Ruthless, Chapter 9: Chapter 9. Read more chapters of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless.

Yennie POV
BUMABA naman na ako sa taxi nang nasa harap na ako ng mansiyon ni señorito maximo, nag bayat naman na ako sa driver bago kinuha ang mga binili ko.
Papasok na sana ako ng napahinto ako dahil sa nakita ko ang paparating na kotse, nag taka naman ako dahil hindi naman ito kotse ni señorito. pero agad rin napangiti ng lumbas ang nag mamay- ari ng kotse.
"Hii cutie yen" nakangiting pag bati sakin ni kuya spencer nang maka lapit ito sakin.
"Hi din po kuya spencer" nakangiti kong pag bati pa balik, nag taka naman ako ng makita ko ang pag simangod nito sakin.
"Cutie yen naman. hindi pa naman ako ganun katanda para may 'po' at 'kuya'. Spencer na lang" nakasimangod nitong saad sakin na kinatawa ko.
"Heheheh okey spencer" nahihiya kong saad sa kanya at napa kamot pa ng ulo ng ginulo niya ang buhok ko habang nginitian ako.
"Nga pala nasa loob si señorito. Pasok ka" nakangiti kong saad sa kanya.
"Ah, e hindi naman si maximo yung pinunta ko rito" nahihiya nitong saad sakin at medyo namumula pa ang tenga niya.
"E sino?. ahh yung kasama ba ni señorito sa loob?" Pag tatanong ko sa kanya na kina kunot naman ng kanyang nuo, pero agad rin napalitan ng ngiti.
"No. hindi siya. Ahmm actually ikaw ang pinunta ko rito" nahihiya nitong pagpapa liwanag sakin na kingulat at napalitan iyun rin ng hiya.
"Huh? E bakit ako?" Nahihiya kong tanong. dahil bakit niya naman ako pinuntahan dito ? Sino ba naman ako?
"Hmm gusto lang kitang makausap" nakangiti nitong saad sakin na kinangiti ko ng pilit dahil sa hiyang nararamdaman ko.
Hindi naman ako naka sagod sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman ko.
"Ohh ija nakarating kana pala" pareho naman kaming napatingin kay nanay sita.
"Oh ijo nandito karin pala? Nagka sabay ba kayo?" Pag tatanong ni nanay sita samin ng makita niya si spencer sa tabi ko.
"No"
"Hindi po"
Nagka titigan naman kami ni spencer dahil sa sabay pa kaming sumagod, pero agad rin kaming nag tawanan at naki sabay narin si nanay sita samin.
"Ohh siya tama na muna. pumasok na muna kayo. nga pala yen nabili mo ba lahat?" Saad ni nanay sita at tanong sakin habang pumapasok na kami sa loob.
"Ahh Opo nanay. Ito na po lahat" nakangiti kong saad at pinakita ang dala kong mga gulay.
"Oh siya mabuti naman. ako na ang bahala dito at ipag handa mo na lang si spencer ng maiinom.. Nga pala ijo nasa swimming pool si señorito puntahan mo na lang dun" mahabang saad ni nanay sita at kinuha sakin ang dala ko.
"Okey po manang. Salamat po" nakangiting saad ni spencer kay nanay sita. tumango na lang nang nakangiti si nanay sita bago umalis dala ang mga pinabili niya.
"Ahmm anong gusto mong maiinom?" nakangiti kong pag tatanong sa kanya, nang nakangiti itong nakatingin sakin.
"Kahit ano na lang" nakangiti nitong sagod sakin habang umupo sa sofa.
"Ahh sige kukuha lang ako" saad ko at agad nang umalis sa harap niya.
Pumasok naman ako sa kusina at nakita ko naman agad si nanay sita na hinuhugasan na ang mga gulay na pinabili niya.
"Oh ija kamusta na ang kapatid mo?" Biglang tanong ni nanay sita nang mapansin na pumasok ako sa loob.
"Okey naman po siya nanay. medyo nag tatampo lang po sakin kanina kasi raw po matagal daw po ako bago dumalaw sa kanya" may lungkot sa boses kong saad habang kumuha ng baso.
"Pero okey naman na po kasi pinaliwanag ko na po sa kanya, kung bakit ako matagal dumalaw" nakangiti kong sagod.
"Mabuti naman kung ganun ija, wag ka mag alala may awa ang diyos gagaling din ang kapatid mo" nakangiting saad ni nanay sita sakin na kinatango at kinangiti ko.
"Nga pala ija sa sabado uuwi ako sa probinsiya namin. ikaw na muna ang bahalang umasikaso sa mansiyon at kay señorito huh" saad ni nanay sita sakin na kinatigil ko sa pag titimpla ng juice.
"Po? Bakit po nanay?" Sunod-sunod kong tanong.
"Kasi piyesta at binyag nang apo ko. wag ka mag alala limang araw lang naman ako dun at uuwi rin ako agad, sinabi ko na ito kanina kay señorito" nakangiti nitong saad habang nilalagay sa freezer ang mga gulay.
Hindi naman ako naka pag salita dahil sa biglang kabang naramdaman ko dahil maiiwan ako dito sa mansiyon na kasama si señorito lang.
"Ayos ka lang ba ija?" napatingin naman ako kay nanay sita na ngayon ay may pag aalala sa kanyang mukha ng mapansin na hindi ako kumibo.
"Wag ka matakot ija. Mabait naman ang batang yun, alam ko na may naririnig ka sa kanila na hindi maganda ang mga sinasabi. ako na ang nag sasabi sayo na mabait ang batang yun" nakangiting pagpapa gaan ng loob sakin ni nanay sita ng mapansin niya atang kinakabahan ako.
Tumango naman na lang akong nakangiti kay nanay sita, dahil bigla akong nahiya sa sarili ko dahil hinuhusgahan ko na ang taong hindi naman ako ang higit na nakaka kilala sa kanya.
Nang matapos ang pag uusap namin ni nanay sita at agad naman na akong lumabas sa kusina na dala ang tray na nag lalaman nang meryenda ni spencer.
"Sorry kung medyo natagalan" nakangiti kong saad habang nilapag ang tray sa table kaharap sa sofa.
"Ayos lang" nakangiti nitong sagod sakin.
"Yen" natigil naman ako sa pag lapag ng juice sa harap niya ng tinawag niya ang pangalan ko.
"Bakit?" Pag tatanong ko sa kanya na ngayon ay hindi mapa kali at parang kinakabahan na ewan.
"May gagawin kaba sa sunday?" Tanong nito sakin at may halong kaba sa pananalita niya habang palihim na nakatingin sa likot ko, pero hindi ko na lang iyun binigyan ng pansin.
"Huh? E sa sunday hmm Oo. dadalawin ko yung kapatid ko" nakangiti kong sagod sa kanya.
Tuwing Sunday naman kasi ay may day- off kaso nga lang ay Apat na oras lang ang binibigay, kasi sabi ni nanay sita sakin dapat panatilihin na malinis ang mansiyon dahil ayaw daw ni señorito na makakita ng dumi.
"Ahmm puwede ba akong sumama sayo? Kung okey lang naman?" nakangiti nitong tanong sakin.
"Please" dagdag na saad nito ulit sakin ng hindi ako nakasagod dahil sa hiya.
"A, e sige kung gusto mo" nahihiya kong saad na kinangiti niya at agad tumayo at ginulo nanaman ang buhok ko.
"Oww ang sweet niyo naman" bigla naman akong napatingin sa likot ko nang may nag salita.
Dun ko nakita ang ngiti sa labi ng babae at mariin na tingin sakin ni señorito na kinakaba ko bigla.
"What are you doing here spencer?" bagod na tanong ni señorito kay Spencer nang makalapit samin at tinignan ako bago binalingan ng tingin ang kaibigan.
"Nothing dude. tinanong ko lang si yen kung may gagawin ba siya sa sunday" may mapang lokong sagod ni spencer kay señorito at binalingan ako ng tingin.
"She's busy in that day" malamig na sagod ni señorito na kinatingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Po? Diba day- off ko pag sunday?" kinakabahan kong tanong kay señorito bago yumuko dahil sa titig niyang na parang galit.
Kinakabahan ako dahil nangako pa naman ako sa kapatid ko na dadalawin ko siya sa sunday. kaarawan pa naman niya sa araw na iyun ayokong umasa nanaman siya at mapapagod nanaman sa kakahintay sakin.
"I said you have to do in that day, hindi ka naman siguro despera na makipag date sa kaibigan ko right?" malamig nitong saad sakin. inis, galit at pang iinsulto ang pinaparamdam niya sakin ngayon.
Hindi naman yun ang dahilan e, ang dahilan ko ayokong umasa ang kapatid ko.
"Hindi naman sa ganun señorito kasi po nangako ako sa kap----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi niya ako pina tapos sa pag sasalita.
"No more buts. I said no. No. we are clear?" Madiin nitong sagod sakin na kina yuko kona lang dahil sa ayokong salubungin ang nakakamatay niyang titig.
"Opo" tumatango- tango kong sagod sa kanya, napa angad lang ako ng tingin ng wala na sila siya sa harap ko kasama ang babae.
"Sorry yen kung pinagalitan ka at hindi pinayagan" napatingin naman ako kay spencer na malungkot na nakangiti sakin.
"Paano nayan? nangako pa naman ako sa kapatid ko na dadalawin ko siya dahil kaarawan niya yun e" malungkot kong saad sa kanya. nakita ko naman ang gulat niyang mukha at napalitan iyun ng lungkot.
"I'm sorry. wag ka mag alala ako ang bahala" nakangiti nitong sagod sakin at ginulo ang buhok ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ni spencer pero natatakot ako sa plano niya, makulit pa naman ang isang to at malalaman mo agad na may katigasan rin ang ulo.
NAGISING naman ako nang maaga dahil alam ko ngayon ang alis ni nanay sita para pumunta sa probinsiya, kaya naman ako na ang nag handa ng almusal para kay señorito baka kasi pagod pa uuwi si nanay sita sa kanila e.
Nang matapos ihanda ang mga niluto ko sa mesa ay nag handa rin ako ng pagkain kay nanay sita para naman may makain si nanay sita sa byahe niya.
"Magandang umga ija" napatingin naman ako sa pinto ng kusina ng may nag salita at dun ko nakita si nanay sita na nakaayos na.
"Ang aga mo naman ija hinintay mo na lang sana ako ang gumawa nito" nakangiti nitong saad sakin.
"Kaya ko naman po nanay atsaka aalis po kayo ngayon kaya dapat hindi ka po mapagod" nakangiti kong saad sa kanya at inabot sa kanya ang maliit na bag na ang laman ang pagkain na hinanda ko para sa kanya.
"Ano to ija?" may pag tataka nitong tanong sakin bago kinuha ang bag.
"Pagkain po nanay baka kasi magutom po kayo sa byahe. kaya napag isipan ko gawin ka po ng makakain para naman hindi kana po bumili" nakangiti kong pagpapa liwanag kay nanay sita.
"Nako salamat ija huh ang bait mo talagang bata ka. siguradong kung nasaan man ang mga magulang mo ngayon ay masaya silang nakikita kang lumalaking mabait, masipag at higit sa lahat maganda" nakangiti nitong saad sakin at agad akong niyakap na ginantihan ko naman at ngiti.
"Wala po yun nanay sita masaya po akong tinuturing niyo rin po akong anak mo" nakangiti kong saad at bumitaw na sa pagkaka yakap.
"Ohh siya aalis na ako at baka maiwan ako ng bas. ikaw na ang bahalang mag sabi kay señorito at baka mag init pa ang ulo nun dahil ginising ko pa siya. maya- maya mo na lang siyang gisingin huh at pag tiisan mo muna ang kainitan ng ulo niya" mabahang saad nito sakin at may halong tawa pa sa huling saad nito sakin.
"Opo nanay sita. mag iingat ka po sa byahe. bumalik ka po agad huh?" nakasimangod kong saad sa kanya na kinatawa niya habang papalabas kami sa mansiyon.
"Nako naman bata ka hindi pa naman ako nakakaalis, pero gusto mo na akong umuwi agad" natatawa nitong saad sakin at pinara ang taxi na papalit sa gawi namin.
"ikaw na ang bahala huh sa mansiyon at kay señorito. yung palagi kong sinasabi sayo wag kang matakot sa kanya" dag- dag na saad nito sakin bago pumasok sa loob ng taxi. kaya naman tumango na lang ako at ngumiti ng pilit.
"Mag iingat ka po nanay sita" nakasimangod kong saad habang kumakaway ang kamay ko habang unti- unti nang umaandar ang taxi.
Napa buntong hininga muna ako bago nakatingalang napatingin sa malaking mansiyon.
Pakiramdam ko ay parang malaking halimaw ang nasa loob ng mansiyon na ito na pag sisilbihan ko habang buhay, kahit na limang araw lang naman.
Pumasok naman ako sa loob at napag isipan ko muna mag dilig ng mga halaman. 6:00 am pa lang naman sabi ni nanay sita maya- maya ko na lang daw siya gisingin baka mag init ang ulo ni señorito na ayokong mangyari.
Nang matapos mag dilig ng mga halaman ay napag isipan ko nang pumunta sa taas ng kwarto ni señorito dahil sa nakikita ko na ang pag litaw ng araw.
Napa buntong hininga muna ako bago napag isipan kumatok. kinakabahan pa ako dahil baka inaantok pa siya tapos iistorbohin kona na sanhi ng pag init ng ulo niya.
"Señorito magandang umaga po" saad ko sabay katok. pero wala akong naririnig na ingay sa loob pahiwatig na hindi pa gising si señorito.
"Señorito gising na po malalate kana po sa trabaho mo" kinakabahan kong saad sabay katok ulit. Pero tulad kanina wala parin.
"Señorito gising kana po ba?" Pag tatanong ko dahil sa parang baliw lang akong katok ng katok rito sa labas.
Napahawak naman ako sa seradura at napag tanto kong hindi pala naka lock ang pinto, kaya naman kahit na kinakabahan ay binuksan ko ng konti ang pinto at sumilib.
"Señor-- ahh!" Napasigaw naman ako sa gulat ng may humila sakin papasok sa loob at agad akong sinandal sa pader at agad tinakpan ang bibig ko.
Nakabawi naman ako sa gulat ng napag tanto ko na si señorito pala ang humila sakin at nasa harap ko ngayon. magulo ang buhok nito mukhang bagong gising lang at wala siyang damit pang itaas, habang walang emosiyon na nakatitig sa mga mata ko bago bitawan ang kamay sa bibig ko.
Aalis na sana ako sa harap niya ng agad niyang hiniharang ang magka bilaan niyang kamay sa pader at mariin na nakatitig sakin.
"Señorito mag almusal kana po" kinabahan kong saad sa kanya habang sinalubong ang mariin niyang titig na hindi ko maintindihan.
"Alam mo bang istorbo ka sa tulog ko" may halong inis na saad nito sakin.
"Patawarin mo po ako señorito. sasabihin ko lang po sana na mag almusal kana po kasi po malalate kana rin sa trabaho mo" kinabahan kong saad sa kanya.
"Ano bang pakialam mo? mag aalmusal ako kung kailan ko gusto, at higit sa lahat papasok ako kung kailan korin gusto" inis nitong saad sakin na kinayuko ko sa takod dahil halata sa tono nito ang galit.
"Sorry po. aalis na lang po ako para ligpitin iyun" kinakabahan kong saad sa kanya at napa tagilit sa kanya at hinihintay na alisin ang kamay niyang nakaharang. napa kagat labi naman ako para pigilan ang mapaiyak dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.
"Bakit sinabi ko na bang makakaalis kana sa kwartong to?" malamig nitong tanong sakin dahilan ng pag baling ko ng tingin sa kanya, pero agad rin napayuko dahil sa nakita kong ngisi sa labi niya.
"Look to my eye. wala Jan sa baba ang kausap mo" malamig nitong saad sakin. napa kagat labi naman ako bago salubungin ang mga mata niya. konti na lang ay maiiyak na ako sa takod sa kanya dahil sa kinikilos niya ngayon.
Nakatitig lang ito sa mata ko at hindi nag sasalita. napababa naman ang tingin nito sa labi ko bago ulit tumingin sakin.
Nilapit naman nito ang sarili sakin at ang mukha nitong unti-unti ng lumalapit na lalong kinakaba ko.
Napapikit naman ako ng mariin ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang leeg ko. napa pitlag naman ako sa gulat ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa leeg ko dahilan na tuluyan pag tulo ng luha ko.
"Señorito" humihikbi kong pag bangit dahil sa takod ng hindi niya nilalayo ang labi niya sa leeg ko at rinig ko lang ang mabibigat nitong pag hinga.
"Señorito pakiusap lumayo kana po" humihikbi kong saad. lumayo naman ito sakin at sinalubong ang mga mata kong luhaan, narinig ko naman ang pag buntong hininga nito na parang natauhan.
"Get out!" Sigaw nito sakin at agad tumalikot, kaya naman agad na akong lumabas dahil sa takod ko sa kanya hindi pa naman ako nakakababa ay rinig ko ang pag basak ng kung anong bagay sa kwarto niya. pero hindi ko na lang iyun binigyan ng pansin at tumakbo na lang papasok sa kwarto namin ni nanay sita.
Nang nakapasok ay dun lang ako naka hinga ng maluwag at agad pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pag landas.

End of I'm The Maid Of Cassanova Ruthless Chapter 9. Continue reading Chapter 10 or return to I'm The Maid Of Cassanova Ruthless book page.