My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 1: Chapter 1

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 1 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 1: Chapter 1. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Kyler's POV
"Kyler Suson?" Napalingon ako sa taong tumatawag sa akin at nakita ang professor namin na palinga-linga at hinahanap ako.
"Sir?" Tinaas ko ang kamay ko at lumingon siya sa kinaroroonan ko.
"Pinapapunta ka ni Dean sa office niya ngayon. May naghahanap sa'yo." Napataas ang kilay ko dahil sa narinig.
Sino naman ang maghahanap sa akin?
"Nakabuntis ka ba tapos tinakasan mo?" Siniko ako ni Paulo na nasa tabi ko lang.
"Baliw. Bakit ko naman gagawin 'yon?" Ang lawak din ng imahenasyon ni Paulo eh.
"Biro lang! Pumunta ka na." Tinulak pa niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Naglakad na ako papuntang Dean's Office. Nang makarating ako ay kumatok muna ako bago pumasok.
"Come in." Binuksan ko ang pintuan at lumapit sa may mesa ni Dean. Napansin kong hindi siya nag-iisa. Nang makalapit na ako ay lumingon ang lalaki.
"Hi son. How are you?" P*ta?!
"Nagkakamali ka ng hinanap. Hindi mo ako anak. Sorry po Dean, hindi po ako ang hinahanap niya." Lalabas na sana ako nang magsalita si Dean.
"Suson. Come back here." Kinuyom ko ang mga kamay ko at bumuntong hininga bago sila hinarap ulit. "Umupo ka."
Umupo na lang ako kahit labag man sa kalooban ko. Tinuon ko na lang ang paningin ko sa fortune plant na nasa mesa ni Dean habang kinakagat ang kuko ko.
"I'm sorry about that Mr. Ortiz. So going back to what we have discussed, I have already here the documents that you requested for the continuation of Kyler's scholarship." Nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig.
"Ano po'ng sinabi niyo?" Kunot noo kong tanong kay Dean. Mukhang hindi ko magugustuhan kung saan patungo ang usapang 'to.
"Mr. Ortiz is the sponsor of your scholarship. Hindi niya pinapasabi sa'yo." Sagot ni Dean na parang hindi big deal sa akin 'yon.
"Kailan pa?"
"Since you entered this University." Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.
Sa lahat ng ayaw ko ay ang tumanggap ng tulong mula sa taong dahilan kung bakit wala na akong matawag na kumpletong pamilya.
Bata pa ako noon at hindi ko pa naiintindihan ang mga nangyayari. Ang alam ko lang ay parati silang nag-aaway ni mama. Simula no'n parati na ring umuuwing lasing si papa. Mas lalo pang lumala ang mga away nila pagkalipas ng ilang linggo hanggang sa isang araw umuwi ako galing eskwelahan na wala na si papa.
Sinabi ni mama sa akin na 'wag daw akong magtanim ng sama ng loob sa papa ko pero paano? Pagkatapos kaming iwan ni papa ay parati na lang umiiyak si mama. Parating matamlay. Minsan nakakalimutan na niya akong pakainin kaya natuto na akong magluto kahit bata pa ako. Kaya bakas parin ang mga paso sa mga kamay at mga sugat dahil sa pagkakahiwa.
Tapos ngayon malalaman kong siya pala ang sponsor ko? Sa tingin ba niya mababawasan no'n ang galit ko sa kanya? Nagkakamali siya.
"Hindi ko kailangan ng tulong ng taong 'yan. Tanggalin niyo na ako sa scholarship. Wala akong pakialam." Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa si Dean ulit at lumabas na ng office niya.
Naglakad ako papuntang rooftop at kinuha ang susi sa bulsa ko. Bawal ang mga studyante dito pero hindi nila alam nasa akin ang susi. Naiwan kasi ng guard dito dati, hindi ko na binalik. Hindi rin naman niya hinanap.
Dahil sa inis ko ay pinagsusuntok ko ang pader hanggang sa dumugo ang kamay ko.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan papunta dito sa rooftop kaya kinabahan ako. Baka narinig ako ng guidance namin. Wala pa namang patawad 'yon kapag parusa ang usapan.
"S-sorry. Akala ko walang tao." Sabi ng isang matangkad na lalaki nang makita niya ako.
"Umalis ka na. Bawal ang estudyante dito." Pagtataboy ko sa kanya.
"Estudyante ka rin diba?" Tanong niya sa akin na para bang pinapaalala sa akin na estudyante rin ako.
"So?"
"Hala! Nagdurugo ang kamay mo!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya napaatras ako sa ginawa niya. Tiningnan niya ang mga sugat sa kamay ko.
"Masakit 'to for sure." Sinabi niya 'yon na para bang kinakausap niya ang sarili niya.
"Bitawan mo ang kamay ko." Para namang hindi niya narinig ang sinabi ko at may kinuha sa bag niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak parin sa kamay ko.
"Nakipagrambulan ka ba?" Binuksan niya ang isang bandage at binalot sa sugat ko.
Nakatuon ang atensyon ko sa kanya na dapat ay sa kamay ko pala habang binabalot niya ang kamay ko ng bandage. Napailing na lang ako nang mapagtanto ang nangyari.
"Ayan. Okay na. 'Wag mo munang babasain 'yan ha. Tapos pumunta ka na rin sa clinic para masure na hindi 'yan magka impeksyon." Saka pa niya binitawan ang kamay ko.
"O gusto mo samahan kita? Kaso hindi ko alam kung saan eh. Hehe" Dagdag pa niya. Napakamot pa siya sa batok niya.
"Hindi na." Tipid kong sagot.
"Sure ka? Sige mauna na ako ha. See you around!" Ngumiti siya sa akin at kumaway pa bago umalis.
"Ano'ng nangyari diyan sa kamay mo?" Pag-uusisa ni Paulo nang makabalik ako sa room.
Dumaan na rin ako sa clinic kanina at sabi ng nurse ay maayos naman daw ang pagkabandage kaya hindi na niya inulit pa. Binigyan lang niya ako ng pain reliever at inumin ko raw kapag sasakit. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinunod na pumuntang clinic.
"Okay class. Get back to your seats." Hindi ko pa nasasagot si Paulo ay pumasok na ang professor namin.
"You have a new classmate. Come in." Sinenyasan niya ang bago naming kaklase na pumasok na.
"Introduce yourself." Nang pumasok na ang bago naming kaklase ay napatingin ako sa nakabandage kong kamay—Siya 'yong nasa rooftop!
"Hi! I'm Jashem De Dios. You can call me Jah for short. Nice to meet you all."
Ngumiti siya sa aming lahat hanggang sa magtama ang mga mata namin at ang kaninang singkit niyang mata ay bumilog dahil sa gulat. Halos ituro pa niya ako pero pinigilan niya ang sarili niya at ngumiti ulit—sa akin.
"You can now take your seat Mr. De Dios." Nagbow siya at naglalakad papalapit sa akin or should I say sa pwesto namin?
Okay, mali ang iniisip niyo. Walang bakanteng upuan sa tabi ko.
"Hi!" Ngumiti siya ng malapad habang bumabati sa akin. Napakafriendly naman nito.
Dumiretso siya sa bandang likuran ko kung saan may bakanteng upuan.
"Kilala mo?" Bulong ni Paulo habang kinakalabit ako kaya napalingon ako sa kanya.
"Hindi." Tipid kong sagot pero tiningnan niya lang ako ng may pagdududa. Pinaningkitan pa niya ako ng mata pero hindi ko na siya pinansin.

"Kyler pinapatawag ka raw ulit ni Dean. Sabi niya kung hindi ka raw pumunta, tatanggalin ka raw niya sa varsity." Sabi ng isa naming kaklase. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis.
Tiningnan ako ni Paulo ng may pag-aalala. Hindi na rin niya ako tinanong kung anong nangyari dahil umalis rin ako agad.

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 1. Continue reading Chapter 2 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.