My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 10: Chapter 10

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 10 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 10: Chapter 10. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Jashem's POV
"Okay na kayo rito? Hindi ba maliit 'tong condo niyo?" Tanong ni papa sa amin.
"Okay na po kami dito pa. Malaki na nga po eh." Tahimik lang si Ky na nag-aayos ng mga gamit niya.
"Sige iwan ko na kayo. Magtext lang kayo kung may kailangan kayo."
"Okay po." Umalis na rin si papa pagkatapos.
Kami na lang ni Ky ang naiwan dito. Nag-umpisa na rin akong ayusin ang mga damit ko sa closet.
"Pumili ka na ng kama mo Ky. Okay lang naman sa akin kahit saan." Bunk beds kasi ang meron dito sa condo na kinuha namin.
Ito rin ang pinili namin kesa sa queenbed. Hindi ko kakayaning tumabi sa kanya. Sa sahig na lang ako matutulog kung gano'n.
"Ikaw na ang maunang pumili." Sagot niya.
"Sa taas na lang ako." Nilagay ko na ang mga unan na dala ko at umakyat sa kama ko.
Napagpasyahan kong magpahinga muna. Nakakapagod din palang maglipat ng mga gamit.

"Jah" Nagising ako sa aking mahimbing na tulog nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ky.
Idinilat ko ang mga mata ko at mukha niya ang bumungad sa akin.
"Kain na." Tiningnan ko ang relo ko at gabi na pala. Bumangon na ako at bumaba sa kama ko.
"Sorry nakatulog ako." Umupo na ako dahil nakahain na ang mga pagkain sa mesa.
Nabalot ng katahimikan ang buong condo hanggang sa matapos kaming kumain.
"Ako na maghuhugas Ky. Ako na bahala dito." Niligpit ko na ang pinagkainan namin.
"Thank you Ky."
"Hmm?"
"Thank you sa pagluluto. Ang sarap mo talagang magluto. Kung ako lang siguro mag-isa, baka nag noodles na lang ako." Sabi ko sa kanya habang ngumingiti.
"Hindi ka magno-noodles hangga't kasama mo ako."
"By the way, bakit baby ang tawag ni Josh sa'yo?" Napatigil ako sa paghuhugas nang magsalita siya kaya lumingon ako sa kanya.
For real? Kinakausap na niya ako? I mean, kinakausap naman talaga niya ako pero paminsan nga lang pero iba 'to! Gets niyo?
"H-ha? Ano . . . ano kasi no'ng bata pa ako siya kasi nagbabantay sa akin kapag wala si mommy and since na mas bata ako sa kanya nakasanayan na niyang tawagin akong baby. 'Yon kasi tawag nila mommy and daddy sa akin dati."
Bakit ba ang haba ng sinabi ko? Bakit ba para akong nagpapaliwanag? Huhu!
"Magpinsan ba talaga kayo?"
"H-ha? Oo naman. 100%! Magkapatid ang mga mama namin."
"Okay."
"Taray! Level up ka na Ky ah!" Bungad sa amin ni Pau nang makarating kami sa tapat ng building ng company kung saan siya nagpapracticum.
Sinundo namin siya para maglunch. Dahil first day namin ay lalabas muna kami. May manlilibre kasi.
"Hindi 'to akin. Pinahiram lang."
"Sus! Pakipot pa. So saan tayo pupunta?"
"Nag-invite si Kuya Josh na maglunch tayo sa restaurant nila."
"Yayamanin pala 'yang pinsan mo."
"'Di naman. Tama lang."
Malapit lang naman ang restaurant nila Kuya Josh kaya 10 minutes lang ay nakarating na kami.
"Baby—Jah!" Sinamaan ko ng tingin si Kuya Josh kaya napakamot siya sa batok niya. Mga nakasanayan talaga, ang hirap alisin.
"Buti at sumunod agad kayo. Is this your friend Paulo?" Tumango ako sa kanya. Nagshake hands sila pagkatapos magbatian.
Dinala niya kami sa isang private dining room kung saan kami kakain.
"Sandali lang ha. Ipapaserve ko muna 'yong mga pagkain natin." Lumabas muna si Kuya Josh at naiwan kaming tatlo dito.
"Baby tawag niya sa'yo?" Bulong ni Pau sa akin habang kinakalabit ako.
Naalala ko na naman ang pag-uusap namin ni Ky kagabi.
"Bakit ka ngumingiti diyan?" Umupo muna kami at katabi ko si Pau. Sa harap ko naman ay si Ky.
Nawala agad ang ngiti ko nang mapagtanto ang kahibangan ko. Iniling-iling ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang nangyari kagabi.
"'Yan kasi ang tawag ng lahat sa akin no'ng bata pa ako kaya nasanay na siya pero sinabihan ko na siya na itigil na niya kasi matanda na ako kaso ayun nga, mahirap baguhin ang nakasanayan." Sagot ko kay Pau.
"Kung hindi ko lang alam na magpinsan kayo, mapagkakamalan ko talaga kayong magjowa."
Oh? Talaga? 'Yon din kaya iniisip ni Ky kaya niya natanong? Me and my delulu thoughts!
"Alam mo, natanong din 'yan ni Ky kagabi." Bulong ko kay Paulo. Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Talaga?" Tumango ako sa kanya.
"So ano Ky? Panatag ka na?"

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 10. Continue reading Chapter 11 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.