My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 11: Chapter 11

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 11 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 11: Chapter 11. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Jashem's POV
"Ano'ng pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ng Ky. Habang busy kasi kami sa bulungan namin ay busy rin siya sa cellphone niya.
"Panatag na raw siya Jah." Sabi ni Paul sabay tapik pa sa balikat ko.
Loko talaga 'to. Buti na lang hindi alam ni Ky ang pinag-uusapan namin. Nagkasalubong naman ang kilay ni Ky habang nakatingin kay Paulo.
"Sinama mo na sana si Stell." Bulong ko naman kay Paulo at ngumiti ng malapad sa kanya.
"Bakit ko naman siya isasama? Hindi naman kami close."
"May hindi ba close tapos aabutan ka ng gamot? Ayiieee Haha" Panunukso ko sa kanya. Inirapan niya lang ako.
"Nagiging chismoso ka na Jah ha. Sino'ng nagturo sa'yo?"
"Ikaw."
"Ang bilis mong matuto. Ayoko na sa'yo." Natawa ako sa sinabi niya.
Hindi ko namalayang napalakas na pala ang tawa ko kaya napatingin si Ky sa akin. Tinakpan ko kaagad ang bibig ko at tumahimik na lang.
"I'm sorry natagalan. Gutom na ba kayo?" Natigil ang pagcha-chat namin ni Pau nang pumasok si Kuya Josh. Binaba ko na ang cellphone ko.
"Sakto lang." Sagot ko. Napakamot siya sa batok niya.
"Alam ko na 'yang mga sagutan mo na 'yan eh. Gutom ka na." Natatawa niyang sabi. Ngumiti lang ako ng malapad sa kanya.
Isa-isa nang inihain ang mga pagkain sa mesa namin. Nang matapos na ay umupo na rin si Kuya Josh.
"Okay, let's eat!" Nagsimula na rin kaming kumain.
"Kumusta ang orientation niyo?"
Bago kasi kami isalang sa trabaho ay kailangan muna naming umattend ng orientation na matatapos din ngayong araw. Sila na rin ang mag-aasign sa amin kung saang department kami.
"Okay naman Kuya." Sagot ko.
"Mabuti naman. So saang department kayo maaassign?"
"Bukas pa raw sasabihin eh."
"Ah okay."

"Saan ka na-assign Ky?" Binigay na kasi sa amin kung saan kaming Department ma-aassign.
"Office of the Director." Sagot niya. Napasimangot ako ng malamang hindi kami pareho.
"Accounting Department ako." Malungkot kong sabi.
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay iniwan na niya ako nang hindi man lang nagpapaalam. Sabagay sino ba naman ako para magpaalam siya.
Naglakad na ako papunta sa Accounting Department dala ang assignment letter namin.
"Good morning po. I'm an Intern at dito po ako na-assign." Binigay ko sa secretary ng Chief Finance Officer ang letter.
"Hi, welcome Mr. De Dios. Pasok na po kayo sa loob." Nag thank you ako sa kanya saka pumasok sa office ng CFO.
Pagkapasok ko ay may iba na rin intern ang nasa loob. Umupo na ako sa bakanteng upuan habang hinihintay namin si CFO.
"Hi! I'm Ritchie." Bati ng katabi ko.
"Hello I'm Jashem. Jah na lang for short." Bati ko rin sa kanya.
"Hi Jah! Alam mo balita ko pinakamahirap daw dito na assignment kasi maraming hinahabol na work. So that means, may times na mag-oovertime tayo. Hay, iniisip ko pa lang pagod na ako." Natawa ako sa sinabi niya. Ang daldal pala nito. Parang makakasundo ko siya.
"'Yan na agad iniisip mo? Hindi pa nga tayo nagsisimula." Sagot ko sa kanya.
"Inunahan ko na. Ganyan ako ka advance mag-isip eh." Nagtawanan kaming dalawa.
Nagkukwentuhan lang kami hanggang sa pumasok ang isang matangkad na babae na kagalang-galang ang pormahan. Tumayo kaming lahat para batiin siya.
Nagkaroon lang ng kaunting briefing before kami sinalang sa trabaho.

"Jah sabay tayo maglunch." Kinuha na ni Ritchie ang bag niya at sumabay sa akin papuntang eating area.
Bumili na rin kami ng makakain namin at humanap ng mauupuan.
Si Ky hindi ko na nakita simula kaninang umaga nang maghiwalay kami. Hindi ko na rin siya hinanap baka mairita siya sa akin na dikit ako ng dikit sa kanya.
Bibigyan ko muna siya ng space. Mula bahay hanggang dito, magkasama kami. Baka nagsawa na rin 'yon sa mukha ko.
"Hindi ba masarap? Bakit hindi ka kumakain?" Nabalik ako sa wisyo nang masalita si Ritchie.
"Masarap naman. May iniisip lang."
"Diba siya 'yong boyfriend mo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nilingon ang tinuturo niyang boyfriend ko raw.
Nasamid ako sa kinakain ko nang magtama ang mga mata namin ni Kyler na naglalakad papalapit sa amin.
Kinuha ko ang bottled water na binili ko at uminom ng tubig. Hindi naman siguro siya dito uupo 'no?
"Hindi ko siya boyfriend. Kapatid ko siya." Bulong ko kay Ritchie. Nanlaki ang mata niya at tinakpan niya ang bibig niya sa gulat.
Wait! Kapatid? Bakit ko ba sinabi 'yon? Sabagay, kung magpapakasal sila mommy at papa, magiging magkapatid na kami diba? Siguro dapat ko ng sanayin ang sarili ko.
"Shoot! Sorry! Hindi kasi kayo magkamukha. Hindi naman kayo kambal diba? So—"
Natigil kami sa aming bulungan nang tumabi si Ky sa akin at tahimik na kumain.

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 11. Continue reading Chapter 12 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.