My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 12: Chapter 12
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 12: Chapter 12. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Jashem's POV
"Ky si Ritchie nga pala, kasama ko sa accounting department. Ritchie, si Ky."
Nag Hi si Ritchie sa kanya pero tiningnan lang niya ito kaya nagpatuloy na lang kumain si Ritchie.
"Kumusta work mo? Sino'ng boss mo?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"Sir Josh" Eh?
"Si Kuya Josh?!"
"Hindi mo ba alam na director siya dito?"
"Hindi. Hindi ko naman kasi siya tinatanong sa trabaho niya."
Apaka fake pinsan ko naman. Wala man lang akong kaalam-alam sa kanya. First, bago ko lang nalaman na dito siya nagtatrabaho. Second, Director pala siya dito. Third, sana wala na baka itakwil na niya ako.
—
"Sabay ka sa amin? Saan ka ba nakatira?" Alok ko kay Ritchie. Out na kasi namin.
"Hindi na. Nakakatakot ang kapatid mo. Joke lang! Susunduin ako ni papa." Natawa ako sa sinabi niya.
Intimidating naman talaga ang awra ni Ky. Tahimik at parang ang laki ng galit sa mundo. Ay sa akin lang pala.
"Mauna na ako ha. Puntahan ko pa si Ky." Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya kaya lumapit din ako.
"Hindi mo na siya kailangang puntahan. Andiyan na siya sa labas. Hinihintay ka." Bulong niya sa akin.
Tingnan ko siya ng talaga? look at tumango siya sa akin. Nakatalikod kasi ako sa pintuan. Baka pinagtitripan lang pala ako nito pero mukhang hindi naman bakas sa mukha niya na nagsisinungaling siya kaya naniwala na rin ako.
Nagwave na lang ako sa kanya at nauna nang naglakad palabas kunwari hindi ko alam na andiyan na siya. Ang special ko naman, sinundo pa talaga ako. Eme.
"Ky, andiyan ka na pala. Kanina ka pa?" Best actor!
"Bago lang. Tara na. Mag grocery tayo." Nauna na siyang naglakad sa akin at nakasunod lang ako sa likod niya.
Nang makarating na kami sa grocery store ay kumuha siya ng isang cart at siya na rin ang nagtulak.
Habang busy siya sa pamimili ay busy rin ako sa pagkuha ng mg snacks na favorite ko. Nilagay ko na isa-isa sa cart. Dampot lang ako ng dampot hangga't sa magustuhan ko.
"Magtatayo ka ba ng sarili mong gocery store?"
Tiningnan ko ang cart namin at puno na ito ng snacks specially gummy bears. Hindi na nga makita 'yong nilagay niya sa cart kung ano man 'yon. Nalibing na sa dami ng kinuha ko. May you rest in peace. HAHAHA
Ngumiti ako ng malapad sa kanya na parang batang guilty. Kaya kapag pinapagrocery ako ni mommy ay nakalista na 'yan at nakabudget na rin ang pera dahil alam niyang impulsive buyer ang nag-iisa niyang anak.
"Sorry, ibalik ko na lang ang iba." Kumuha ako ng isang pack ng gummy bears. Nagdalawang isip pa ako kung ibabalik ko ba o hindi.
Tumingin ako kay Ky na napapailing na lang dahil sa dilemma na kinakaharap ko. Hindi niyo kasi naiintindihan! Okay? Ang hirap nito para sa akin! Ugh!
"Pwede bang bilhin ko na lang 'to? Ako naman ang magbabayad eh." Pakiusap ko sa kanya habang nakanguso. Nahihirapan talaga akong igive-up ang gummy bears ko.
*sigh*
"Ibalik ko na lang." Malungkot kong sabi pagkatapos kong marinig ang buntong hininga niya. Nastress na siya dahil sa akin.
"Ngayon lang 'yan ha. Sa susunod hindi na ako papayag." Nagliwanag agad ang mukha ko pagkasabi niya.
"Thank you Ky! Promise next time, kaunti na lang talaga ang kukunin ko. Mga . . . kalahating cart na lang. Hehe" Napasapo siya sa noo niya. Bakit? May problema ba? Kaunti na nga lang 'yon eh!
Nang matapos na siya sa pagkuha ng mga kakailanganin ay pumunta na kami sa counter para magbayad.
"Ihiwalay ko muna 'yong akin." Sabi ko sa kanya ng ilagay na niya sa counter isa-isa.
"Ako na magbabayad." Kukunin ko na sana 'yong mga gummy bears ko nang magsalita siya.
"Hindi na. Ako na magbabayad. Akin naman 'to eh." Insist ko sa kanya.
"Jashem" Tahimik kong binalik sa counter ang mga kinuha ko.
Ayaw ko talaga na tinatawag ako sa first name ko kaya parati kong sinasabing Jah na lang ang itawag sa akin pero no'ng narinig ko kay Ky, medyo nakakatakot nga lang pero parang unang beses kong nagustuhan ang pangalan ko.
Third Person's POV
"Hi Kyler, saan na ang kapatid mo?" Kumunot ang noo ni Kyler nang tanungin siya ni Ritchie kung nasaan ang kapatid niya kasi alam naman niya sa sarili niyang wala siyang kapatid.
Magkakilala ba kami? Tanong niya sa isip niya. Wala naman siyang pinagkukwentuhan ng buhay niya at mas lalong wala naman siyang kapatid.
"Wala akong kapatid." Tipid nitong sagot sa kaharap.
Si Ritchie naman ngayon ang naguguluhan sa sagot ni Kyler. Secret lang ba dapat na magkapatid sila? Wika nito sa isipan.
"I mean si Jah. Sabi kasi niya magkapatid kayo. Secret ba dapat 'yon?" Pagkatapos sabihin ni Ritchie 'yon ay hindi na siya sinagot pa ni Kyler at umalis na ito habang hindi maipinta ang mukha.
Naguguluhan man si Ritchie ay naglakad na rin siya papuntang accounting department habang pinapagalitan ang sarili dahil sa pagiging madaldal nito. Nakasalubong naman niya ang hinahanap niya kaya nilapitan niya agad ito.
"Jah! May kasalanan yata akong nagawa sa'yo. Sorry talaga." Nabigla naman si Jashem sa biglang pagsulpot ni Ritchie. Hindi niya kasi napansin ito dahil nakayuko siya habang inaayos ang neck tie niya.
"Ano'ng kasalanan?" Tanong niya rito.
"Secret ba dapat na magkapatid kayo ni Kyler?" Bulong nito sa kanya.
"Bakit? May pinagsabihan ka ba?"
"Nakasalubong ko kasi si Kyler bago lang. Tapos tinanong kung saan ang kapatid mo. Mukhang galit ata. Sabi niya wala raw siyang kapatid." Napasapo ng noo si Jashem dahil sa narinig at dali-dali niyang iniwan si Ritchie para puntahan si Kyler.
"Magkapatid nga. Walang duda. Parehong nang-iiwan." Napailing na lang si Ritchie at tuluyan ng pumasok ng opisina.
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 12. Continue reading Chapter 13 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.