My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 13: Chapter 13
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 13: Chapter 13. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Jashem's POV
"Hello po Ma'am. Nasa loob po ba si Kyler? Pwede ko po bang makausap? Sandali lang po talaga." Tanong ko sa secretary ni Kuya Josh.
"Sir working hours na po kasi ngayon. Bilin po kasi ni Sir Josh na wala po munang bisita ngayon."
"Let him in." Napalingon ako sa nagsalita at nabuhayan ako ng loob ng makita si Kuya Josh.
"Kuy—Sir Josh. Good morning po."
"He's my cousin. If he needs something, let him in." Nanlaki ang mata ng secretary niya pagkarinig kaya yumuko na lang ako.
Kuya Josh talaga, pinangalandakan pa na magpinsan kami.
"Sorry po sir. I'll take note of that Sir. Sorry po Sir Jashem."
"Okay lang po Ma'am. Sorry po sa istorbo." Ngumiti ako sa kanya saka sumunod kay Kuya Josh na papasok sa Office niya.
"Si Kyler ba kailangan mo?" Tanong niya habang papasok kami.
"Paano mo nalaman?"
"Never mo naman akong hinanap."
"'To naman, nagtatampo agad si Kuya Josh. Busy lang kasi. Malapit na month end kaya marami kaming ginagawang reports." Isinukbit ko ang braso ko sa braso niya.
"Ginawa pang rason ang month end ha. Hindi ka nga sumasabay sa akin kapag lunch time."
"Nakakahiya kasi. Baka sabihin nilang sipsip ako. At please lang 'wag mo ng ipagkalat na mapinsan tayo. Baka pag-initan ako dito. Ayoko ng atensyon. Gusto kong matapos ang practicum ng matiwasay."
"Nagiging matured ka na talaga ha." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. Buti naabot pa niya. Joke. Inayos ko rin agad pagkatapos niya guluhin.
"Ano'ng akala mo sa akin, 5 years old? Binibaby mo kasi ako, eh ang tanda ko na. Tsk."
"Oo na. Sige na. Hindi na po mauulit. Sasabihan ko na lang ang secretary ko na 'wag ipagkalat."
"Very good!" Nag thumbs up pa ako sa kanga at sabay kaming nagtawanan.
"Sige na puntahan mo na si Kyler, ando'n sa dulong cubicle. Sabihan ko na lang ang boss mo na may pinagawa ako sainyo." I mouthed I love you Kuya Josh bago ko pinuntahan si Kyler.
"Ky pwede ba tayong mag-usap?" Nakatutok lang siya sa PC niya at hindi man lang ako pinapansin.
"Ky please. Gusto ko lang naman magsorry sa'yo."
"Office hours na Jashem. Bumalik ka na sa trabaho mo."
"Pinaalam na ako ni Kuya Josh sa boss ko. Nag okay na rin siya na kakausapin kita." Huminga siya ng malalim at padabog na tumayo at naglakad palabas ng office.
Napunta kami sa rooftop ng building na may mini garden. Naalala ko tuloy ang unang beses na nagkita kami ni Ky. Sa rooftop ng school nga lang.
"Sorry Ky dahil sinabi ko kay Ritchie na magkapatid tayo. Akala niya kasi boyfriend kita kaya sinabi ko na lang na kapatid kita." Panimula ko.
"I don't care if mapagkamalan pa tayong magboyfriend basta't 'wag lang magkapatid. Dahil hindi kita kapatid at hinding hindi mangyayaring ituturing kitang kapatid." Pagtapos niya 'yong sabihin ay iniwan na niya ako.
Sumikip ang dibdib ko sa mga narinig ko. Pinilit ko mang pigilan ang mga luha ko ay hindi ko rin nagawa.
Binuhos ko na lahat ng luha ko sa rooftop na 'to. Wala na akong ititira pa. Habang maaga pa, pipigilan ko na ang puso ko.
"Saan ka galing? Bakit maga 'yang mga mata mo? Nag-away ba kayo ni Kyler? Kasalanan ko ba? Sorry talaga Jah! Promise hindi ko talaga sinasadya." Halos maiyak na si Ritchie habang nagsosorry sa akin.
"Hindi mo kasalanan, ano ka ba. Okay lang ako."
"Kasalanan ko talaga Jah. Naging taklesa ako."
"Wala kang kasalanan okay? Ako naman nagsabi sa'yo na magkapatid kami."
"Hindi ba?"
"Hindi kami magkapatid pero in the near future magiging kapatid din kami. Advance lang kasi akong mag-isip kagaya mo."
"Eh? Hindi ko maintindihan."
"Mommy ko at Papa niya. Sila. Gets mo?" Nanlaki ang mata niya. Tumango lang ako sa kanya.
"OMG!" Napalakas ang boses niya tinakpan niya agad ang bunganga niya.
"Please 'wag mong ipagsabi sa iba ha." Pakiusap ko sa kanya.
"No worries. This time I'll keep it to myself. Pero sayang." Bigla na lang may panghihinayang sa boses niya.
"Ano'ng sayang?" Nalilito kong tanong sa kanya.
"Bagay pa naman sana kayo."
"Baliw! Magtrabaho na nga tayo." Tinawanan lang niya ang reaksyon ko. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil sa biro niya.
"May dala nga pala akong gummy bears. Gusto mo ba?" Kinuha ko ang isang pack ng gummy bears sa bag ko at nilapag ito sa table namin.
"OMG! Favorite ko 'yan!" Nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya. Ganyan na ganyan din ako kapag nakakakita ng gummy bears eh.
"Sa'yo na 'yan para tumahimik ka na. Itago mo baka makita ng mga kasama natin." Tumango siya at kinuha ang isang pack ng gummy bears sa kamay ko saka tinago.
—
"OT daw tayo ngayon Jah." Malungkot niyang saad. "Hay, maeexperience na talaga natin ang month end rush. Aantayin ka ba ni Kyler?"
"Hindi na. Itetext ko na lang siya na mauna na siya. Baka matagalan tayo eh."
"Sabay ka na lang sa amin mamaya. Idaan ka na lang namin ni daddy sa condo niyo."
"Okay lang ba?"
"Oo naman. Para naman tayong hindi magkaibigan."
"Thank you."
Sa sobrang busy namin ni Ritchie kasama ng mga empleyado sa accounting department ay halos hindi na kami nag-uusap. Ni halos hindi na nga kami makatayo para umihi.
Natapos kami mga alas nueve na ng gabi. Hindi na kami nakapaghapunan. Buti na lang at pinakain nila kami ng pizza at donut. Kung hindi, baka nahimatay na kami sa gutom.
"Tara?" Pag-aaya ni Ritchie. Nagpaalam na kami sa mga kasama namin at nauna nang lumabas.
Pagkarating namin sa parking lot ay sundot ng sundot si Ritchie sa tagiliran ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. May kung anong tinuro siya at tiningnan ko kung ano iyon. Hindi pala ano, sino pala.
"Ky?"
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 13. Continue reading Chapter 14 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.