My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 14: Chapter 14

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 14 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 14: Chapter 14. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Jashem's POV
"Mauna na ako ha. Hindi mo na pala kailangang sumabay sa amin eh. Haba ng hair! Ayiieh! Byeee!"
Pipigilan ko pa sana si Ritchie na 'wag na muna siyang umalis pero mabilis pa sa alas kwartong nawala sa harapan ko.
Naglakad na ako papalapit kay Kyler na nakasandal sa sasakyan habang busy sa cellphone niya.
Simula no'ng nangyari sa rooftop ay hindi na ulit niya ako kinakausap. Minsan tinetext ko siya pero hindi rin nagrereply. Kagaya na lang kanina no'ng tinext ko siya na mauna na lang siya kasi mag oovertime ako.
"Ky. Bakit andito ka pa? Hindi mo ba nareceive ang text ko? Kanina ka pa ba dito? Diba may lakad kayo ni Paulo? Sana hindi mo na lang ako hinintay." Sunud-sunod kong tanong sa kanya. Pinasok niya ang cellphone niya sa bulsa niya.
"Pasok na."
Ni isa sa mga tanong ko ay hindi man lang niya sinagot. Tahimik akong pumasok ng sasakyan at hindi na muling nagsalita pa. Ang saya at kilig ko kanina ay napalitan ng lungkot.
Hanggang sa makarating kami sa condo ay wala kaming imikan. Nauna na akong naligo at nagbihis pagkatapos ay sumampa na agad ako sa kama ko para matulog.

Bago pa ako mabaliw dahil sa gutom ay minabuti kong kumain na. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Sinigurado ko munang tulog si Ky saka lumabas ng kwarto.
"What to eat? What to eat?" Sabi ko habang nag-iisip kung anong kakainin.
Napansin kong may isang maliit na note na nakapatong sa may food cover na nasa mesa.
Tawagin niyo na akong OA or what pero hindi ko talaga mapigilang umiyak. Sabi nga ni Pau, maliit na bagay man sa iba, napakalaki na 'yon para kay Ky.
I know he's not expressive, but he do things in his own little ways. And I always appreciate him for doing so.
Hindi lang niya alam na ang maliliit na ginagawa niya ay napakalaki na rin nang impact no'n sa akin.
Mula no'ng siya ang nagluto instead na ako dahil pumutok ang itlog na niluto ko, sa pagsisigurado niyang hindi ako mahuhulog sa motor kaya okay lang sa kanyang nakayakap ako sa kanya, no'ng inimbita niya akong manuod ng praktis nila kahit hindi naman kami okay, no'ng tinext niya si Pau na isama ako sa laro nila.
'Yong pagpapasama niya sa akin no'ng victory party nila sa basketball kahit wala naman akong ambag sa pagkapanalo nila, 'yong hindi siya uminom dahil magd-drive siya at nangako siya kay mommy na siya ang bahala sa akin, sa pag-aantay niya sa akin kanina dahil nag-OT ako, at ngayon, tinabihan niya ako ng pagkain dahil hindi pa ako nakapaghapunan.
The lists could go on, but one thing is for sure, that made me fall in love with him. Alam kong mali na mahalin siya lalo pa at magiging kapatid ko na siya pero masisisi niyo ba ako? Siya lang ang bukod tanging nagpakita ng ganito sa akin.
Kung kailan nahanap ko na siya, saka pa hindi pwede.
Ang sakit lang isipin, pero kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko parin na makilala ko siya kesa hindi. Bibihira na lang kasing makatagpo ng gan'yang tao sa mundo at masaya akong isa ako doon.

"Good morning Ky. Thank you nga pala doon sa pagkain kagabi." Pilit kong binati siya ng may sigla sa boses ko kahit na nagmumukha na akong desperado.
As usual wala parin akong natatanggap na reaksyon mula sa kanya. Ngumiti na lang ako ng mapait at saka pumunta sa banyo para maghilamos.
Pumunta ako sa kusina para kumain ng agahan. 10 AM na pero ngayon pa lang ako kakain. Kumuha ako ng cereals at fresh milk at nilagay sa bowl. Pumwesto na ako sa mesa saka kumain.
Habang kumakain ay nagb-browse lang ako sa fb ko. Sasandok na ulit sana ako ng cereals ko nang mapagtantong nawala ang bowl ko. Hahanapin ko na sana nang mapansing nasa tabi ko na pala si Ky at hawak na niya ang bowl ko na may cereals.
"K-ky. Hindi ka pa ba nag-agahan? Gusto mo rin ng cereals? Ipaghahanda kita." Tatayo na sana ako para kunan siya ng cereals nang pinaupo niya ulit ako.
"Ito lang ba ang kakainin mo?" Tumango ako sa kanya bilang tugon.
"Nagluto ako ng pang-agahan. 'Yon ang kainin mo. Kaya ang payat mo, walang sustansiya mga kinakain mo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay dinala niya ang bowl ko sa lababo at binuhos ang cereals ko.
Tahimik siyang nagsalin ng mga pagkain sa plato at nilapag ito sa mesa.
Umupo rin sya kaharap ko at nagsimulang kumain. Hindi pa siya nag-agahan? Hinintay niya ako? Me and my assuming thoughts again.
"Bakit hindi ka pa kumain kanina? Late na oh." Sabi ko sa kanya.
"Ang tagal mo kasing magising." Nasamid ako sa sinabi niya kaya napaubo ako. Dali-dali akong kumuha ng tubig.
"Hinintay mo ako?" Tiningnan lang niya ako at hindi na sumagot.
Bumalik siya sa pagkain habang ako hindi parin makapaniwala na ang mga iniisip ko ay tama pala.
"Nauna ka na sanang kumain. Hindi mo naman ako kailangang antayin. Ano'ng oras na oh, kanina ka pa siguro nagugutom."
"Ayaw mo ba akong makasabay kumain?"

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 14. Continue reading Chapter 15 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.