My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 15: Chapter 15
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 15: Chapter 15. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Jashem's POV
"H-hindi . . . I mean gusto . . . mali mali . . . ibig kong sabihin, hindi naman sa gano'n. Tanghali na kasi, baka gutom ka na kahihintay sa akin." Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa pautal-utal kong sagot.
Matagal kasi ako nakatulog ulit kagabi dahil sa mga nangyari. Ayoko na sanang isipin pero hindi talaga mawala sa isipan ko.
Napansin kong ngumiti si Ky. Guni-guni ko lang ba 'yon?
Tiningnan ko siya ulit pero balik seryoso na ang mukha niya. Marahil ay guni-guni ko nga lang siguro 'yon. Imposible namang ngingiti siya. Ngumingiti lang naman siya 'pag kaharap ang ibang tao.
Gusto ko rin maging ibang tao paminsan, para makita ko ring ngumiti siya sa harapan ko. Matagal na rin no'ng huli 'yong nangyari. Magkaibigan pa kami no'n.
"Hindi pa ako nagugutom kanina."
"Thank you Ky." Sabi ko habang nakatungo.
Hindi ko na inangat pa ang ulo ko para tingnan ang reaksyon niya o kung narinig ba niya ang sinabi ko.
"Know that I always appreciate you. Kahit hindi tayo okay, nararamdaman ko parin na inaalagaan mo ako. Thank you." Saka pa ako tumingin sa kanya. Ngumiti ako pagkatapos ng huli kong sinabi.
"Sorry" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo siya at iniwan ang pagkain niya sa mesa ng hindi inuubos.
Tama ba ang narinig ko na nag sorry siya? O guni-guni ko na naman? Kailangan ko siyang makausap. Maybe, we can still fix this. I hope.
Tumayo ako at sinundan siya palabas ng terrace. Nadatnan ko siyang malayo ang tingin at malalim ang iniisip.
"Ky" Lumingon siya sa akin. "Pwede na ba tayong mag-usap?"
Ang tagal na naming pinagpaliban ang dapat ay matagal na naming pinag-usapan. Kahit na masasaktan ako sa sasabihin niya ay okay lang. Gusto ko lang malaman ang nararamdaman niya. Gusto ko lang malaman niya na makikinig ako sa kanya.
Kung hindi niya ako kayang tanggapin bilang pamilya, naiintindihan ko. Mas masakit 'to para sa kanya. Hindi ko kailanman naging intensyon na agawin ang papa niya sa kanya. Hindi ko man nasasabi pero masakit din 'to para sa akin.
"Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin Ky. Tatanggapin ko. Mas gugustuhin kong sabihan mo ako ng masasakit na salita kesa hindi mo ako kinakausap. Nasasaktan din ako Ky. Kaibigan kita kaya nasasaktan din ako na nakikitang nasasaktan ka sa mga nangyayari."
"Please Jashem. 'Wag ngayon."
"Kung hindi ngayon, kelan? Hindi ka ba napapagod? Kasi napapagod na ako Ky. Magkasama tayo palagi pero parang feeling ko mag-isa lang din ako. Ang hirap mong abutin."
"Hindi kita pinipilit na pakisamahan ako. You can leave me alone kung napapagod ka na."
"Oo pagod na ako pero hindi sa'yo kundi sa sitwasyon natin. Hindi na ba tayo magiging okay? Kasi naniniwala parin ako na magiging okay tayo."
"Please 'wag mong paasahin ang sarili mo. Mas lalo ka lang masasaktan."
"Gano'n na ba kalaki ng galit mo sa akin?"
"Hindi ako galit sa'yo."
"Kung hindi ka galit sa akin, bakit hindi tayo pwedeng bumalik sa dati?"
"Kasi wala ng babalikan pa. Tigilan na natin 'to Jashem." Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"Pero bakit pinapakita mo sa akin na may pag-asa pa? Ky hindi ako bulag. Nakikita ko lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa akin at taliwas 'yon sa mga sinasabi mo. Kaya kung sa tingin mo wala na talaga tayong pag-asang magkaayos pa, please stop caring about me. Stop showing me that you care for me." Isa-isa nang nagbabagsakan ang mga luha ko.
"O utos lang ba 'to lahat ni mommy sa'yo? Ni papa? Na pakisamahan ako? Kasi kung gano'n, hindi mo na kailangang gawin 'yon." Ako naman sana ang aalis nang marinig kong nagsalita siya.
"Walang nag-utos sa akin kung 'yan ang iniisip mo." Mariin niyang sabi.
"Kung gano'n bakit mo 'yon ginagawa? Kasi hindi ko maintindihan. Kung ayaw mo sa akin then show it to me. 'Wag mo akong bigyan ng rason na umasa kasi nahihirapan na ako. Act like you don't know me, like you don't care for me then maybe maniniwala na ako sa'yong wala na talaga." Umalis na ako ng tuluyan sa harapan niya.
Josh's POV
"Okay ka na?"
Pagkatapos niyang mahimasmasan sa pag-iyak ay pinainom ko muna siya ng tubig. Magang-maga na ang mga mata niya.
Nagulat ako no'ng marinig na umiiyak siya kanina habang tinatawagan ako. He's always a ray of sunshine and seeing him like this hurts me too.
Huminga muna siya ng malalim saka tumango sa akin.
"Pwede ba dito na lang muna ako?" I guess they're not in good terms.
"Anytime. You're always welcome here Jah." I assured him.
"Thank you Kuya. So saan ang kwarto ko?" Pilit siyang ngumiti kahit hindi naman umabot sa mata niya.
"Doon ka sa kaliwang kwarto. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka . . . at kung ready ka na. Andito lang si Kuya, makikinig sa'yo."
"Thank you Kuya Josh." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Ayusin mo na ang mga gamit mo doon sa kwarto mo."
Pagsundo ko sa kanya kanina ay may dala na siyang isang backpack. Hindi ko na siya tinanong kung para saan kasi iyak na siya ng iyak hanggang sa makarating kami dito sa condo ko.
Gano'n ba kalala ang away nila na humantong sa ganito?
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 15. Continue reading Chapter 16 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.