My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 17: Chapter 17
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 17: Chapter 17. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Jashem's POV
"Ano'ng niluluto mo?" Pumunta ako sa kusina nang may maamoy akong masarap.
"Adobo." Sagot niya. "Maghugas ka na ng kamay. Ihahain ko lang 'to." Sinunod ko ang sinabi niya at naghugas na rin ng kamay.
Tutulong pa sana ako sa paghahain pero umupo na lang daw ako. Act of service talaga ang love language ni Ky at ngayon ko lang narealise. Lahat nang ginawa niya para sa akin is to show his love for me.
"Kain na." Tumango ako sa kanya.
Nilagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko saka niya pa nilagyan ang sa kanya. Inantay ko siyang matapos saka pa ako kumain.
"Ang sarap mo talagang magluto Ky. Ang swerte ng mapapangasawa mo." Sabi ko sa kanya at sumubo ng pagkain.
"Mas maswerte ako kung papayag kang pakasalan ako."
Nabulunan ako sa sinabi niya dahil bigla kong nalunok ang kinain ko. Inabot ko agad ang tubig na nasa tabi ko para uminom. Lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko.
"Okay ka na?" Tanong niya sa akin na parang hindi niya sinabi ang salitang kasal.
"'Wag ka ngang magbiro ng gan'yan." Sabi ko sa kanya. Nang masigurado niyang okay na ako ay bumalik na rin siya sa upuan niya.
"Sino'ng nagsabing nagbibiro ako?" Seryoso niyang sabi. Hindi na muna ako kumain kasi feeling ko mabubulunan ulit ako dahil sa pagiging straightforward niya.
"Namumula ka na." Natatawa niyang puna.
Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi at tiningnan siya ng masama.
"What? Sinasabi ko lang naman ang totoo. Ayaw mong maniwala. Bakit may iba ka bang gustong pakasalan bukod sa akin?"
"H-ha? S-syempre wala." Nauutal kong sagot.
"Good." Sabi niya habang nakangiti.
"Pwede ba kitang makatabi ngayon?" Paakyat na sana ako sa kama ko nang magsalita siya.
"H-ha?"
"Tabi tayo." Pag-uulit niya. Narinig ko naman talaga. Heto na naman siya, nambibigla.
"Hindi tayo kasya sa kama." Sabi ko.
Pang isang tao lang kasi ang mga kama namin kaya mahirap kung may katabi. For sure mahuhulog ang isa.
"Hindi 'yan problema." Ngumiti siya.
Pagkatapos ay kinuha niya ang foam sa kama ko at sa kama niya at nilagay niya ito sa sahig. Sunod niyang kinuha ang mga unan namin at mga kumot.
"Problem solved." Sabi niya na may ngiting tagumpay.
Napatulala ako dahil sa ngiti niya. Pangarap ko lang dati na makita siyang ngumiti sa harap ko at hindi ko aakalain na nakikita ko na.
"May dumi ba ako sa mukha?" Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.
"Gustung-gusto mo talaga akong makatabi ha." Biro ko sa kanya.
"Oo." Hindi na talaga siya paawat. Baka mamatay na ako sa kilig dito. I never knew he has this side.
Lumapit siya sa akin at pinisil ang magkabila kong pisngi saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.
"Ang cute mong kiligin. Haha Matulog na nga tayo." Hinila na niya ako pahiga.
Medyo lumayo pa ako sa kanya ng kaunti kasi naiilang ako. Kasi sino ba naman ang hindi maiilang? Kaninang umaga lang nag-away pa kami tapos naglayas pa ako tapos hinatid ako ni Kuya Josh then boom naging kami na. Ang daming nangyari sa isang araw.
Sa bilis ng mga pangyayari, hindi pa rin ako makamove-on sa saya kasi sino ba naman ang mag-aakala na gusto pala namin ang isa't isa? All this time? Hay, ang daming nasayang na panahon.
"Umusog ka nga dito. Ba't ang layo mo?" Napuna na rin niyang malayo ako sa kanya.
"Malikot akong matulog kaya tama lang 'tong distansiya natin." Rason ko sa kanya at hindi siya sinunod.
"Nahihiya ka lang sa akin eh." Sabi niya.
"Hindi ah. Bakit naman ako mahihiya sa'yo?" Sagot ko pero hindi ko siya tinitingnan.
"Kung hindi ka nahihiya sa akin, lumapit ka nga." Panghahamon niya.
Wala na akong kawala nito. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang umusog papalapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko na ang pagdikit ng mga braso namin. Hinawakan niya ang kamay kong pawis na pawis na.
"Bakit ba parati kang tense kapag kasama mo ako?" Tanong niya sa akin. Nararamdaman kong nakaharap na siya sa akin pero hindi ako lumilingon sa kanya.
"Kasi nahihiya ako sa'yo. First time ko rin magkaboyfriend at hindi ko alam ano ba dapat ang gagawin." Sabi ko.
"Wala kang dapat gawin okay? Just relax. 'Wag kang magdalawang isip na sabihin sa akin kung naiilang ka na. I can adjust." Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin para bigyan ako ng assurance.
Pinisil niya ang kamay ko pagkatapos ay binitawan ito. Bigla ko na lang naramdaman ang lungkot nang gawin niya 'yon.
"K-ky"
"Hmm?"
"Aaminin ko naiilang ako pero hindi ibig sabihin no'n hindi ko gusto ang ginagawa mo. K-kaya. . .ano . . ."
"Ano?" Nakangisi niyang tanong.
"Ano . . ."
"Ano nga?" Gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko. Bakit ba ang hirap nito???
"Sheesh! Halika nga rito timid kong boyfriend." Hinila niya ako para yakapin saka hinalikan ang noo ko.
"'Wag kang mag-aalala. Hindi naman tayo gagawa ng mga bagay na hindi pa tayo handa. Mas importante sa akin na kumportable ka okay? 'Wag kang masyadong mag-overthink. Tulog na tayo?" Tumango ako bilang tugon. Hinimas-himas niya ang buhok ko hanggang sa makatulog ako.
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 17. Continue reading Chapter 18 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.