My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 18: Chapter 18

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 18 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 18: Chapter 18. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Paulo's POV
"Hi Paulo! Kanina ka pa?" Bungad ni Stell sa akin saka mupo sa tapat ko.
"Hindi. Bago lang din." Pagsisinungaling ko. Kanina pa talaga ako dito. Ang tagal kasi ng dalawa.
"Kumusta? Hindi kita masyadong nakikita sa company ah." Iniiwasan kasi kita pero syempre hindi ko sasabihin sa'yo 'yon.
"Ang laki kasi ng company kaya siguro nagkakasalisihan tayo." Pagdadahilan ko.
"Saan ka pala kumakain? Halos lahat naman ng mga interns doon sa restaurant ng company kumakain kasi libre naman. Ikaw lang yata ang hindi ko nakikita." Hinanap niya ako? Weh??
"Ah sumasabay ako kila Kyler at Jah." Another kasinungalingan.
"Wow, tumatawid ka pa talaga para maglunch? Wala ka bang kasama kumain? Pwede naman kitang samahan."
"Hindi naman. Namimiss kasi nila ako kaya ayaw nilang kumain ako ng hindi nila ako kasama." Pang ilang kasinungalingan na ba 'to?
"Nakakainggit naman ang friendship niyong tatlo." Medyo naguilty tuloy ako sa mga sinabi ko. "Hindi mo naman ako iniiwasan diba?"
"H-ha? Hindi ah! Bakit naman kita iiwasan?" Kinurot ko ang sarili ko dahil sa napakadefensive kong sagot.
"Kinaklaro ko lang." Ngumiti siya sa akin. "Sana makita kita bukas sa restaurant. Kain ka rin doon paminsan. Masarap akong magluto—este masarap KAMING magluto. Haha"
"Uy! Andito na pala kayo. Sorry talaga. Traffic kasi masyado." Hinila ko si Jah sa tabi ko kaya walang nagawa si Kyler kundi ang tumabi kay Stell.
"Okay lang. Andito naman si Paulo kaya hindi rin nabored." Sagot ni Stell.
Siniko ako ni Jah kaya siniko ko rin siya. Pagkatingin ko kay Kyler ay nanlilisik na ang mga mata niya. Umayos ako ng upo at medyo lumayo ng kaunti kay Jah. Apaka protective ng boyfriend! Hmmp!
"Siya nga pala. Hiramin ko muna si Paulo bukas ha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Stell. Nakakunot naman ang noo ng dalawa.
"Para saan?" Tanong ni Kyler.
"Haha wala lang 'yon. Ano'ng order niyo? Libre ko." Pagsingit ko sa usapan nila. Tiningnan ako ng dalawa ng may pagdududa. Si Stell naman ay natatawa. Mukhang nabuking yata ako.
Nag-order na muna kami bago namin tinuloy ang kwentuhan namin.
"Congrats nga pala sa bagong couple. Congrats Cap. Kaya pala motivated kang manalo talaga tayo no'ng last laro natin kasi nagpapa-impress ka pala." Kumunot ang noo ni Jah at tumingin kay Kyler.
"Kanino?" Tanong ni Jah na hanggang ngayon wala pa ring alam na siya 'yon.
"Kanino pa ba? May iba pa bang tinitingnan si Kyler no'n sa audience?" Sagot ko sa tanong niya. Mas lalo lang kumunot ang noo niya.
"'Di ba ikaw ang tinitingnan niya?" Natawa kaming tatlo sa napakainosenteng tanong ni Jashem sa akin.
So iniisip niya talagang ako ang tinitingnan ni Kyler? Haha Kaya siguro bigla na lang sumimangot.
"Ikaw ang tinitingnan ko." Singit naman ni Kyler kaya napalingon si Jah sa kanya. Halatang nabigla.
"'Di nga?"
"Oo nga."
"Weh"
"Alam mo. Ang kulit mo. Ikaw nga kasi hinahanap ko sa audience. Bakit ko naman hahanapin si Paulo 'di ba?" Ouch! Sakit nun bro!
"Akala ko kasi guni-guni ko lang."
"Naku! Kung alam mo lang Jah. Napagalitan pa nga siya ni Coach—" Natahimik bigla si Stell nang pinandilatan ito ni Ky.
"Napagalitan ka? Bakit?" Nagpipigil lang kami ng tawa ng Stell. Mukhang may mabibisto ngayong araw na 'to kung gaano niya kagusto si Jah no'ng una pa lang.
"Wala 'yon."
"So sino ang unang umamin?" Tanong ni Stell sa kanila. Namula agad si Jah sa tanong.
"Eh ikaw kelan ka aamin?" Balik na tanong ni Kyler sa kanya kaya napakagat labi na lamang siya.
I think alam ko na kung saan papunta ang usapan na 'to. Ngumiti naman nang mapang-asar ang dalawa sa amin ni Stell kaya nagpatay-malisya na lang ako.
"Matagal na sana kaso mukhang tinataguan kasi ako." Sabi niya habang napakamot sa batok niya. Tawang-tawa ang magnobyo eh. Pagsasapakin ko kaya kayo ano?
Akala ko ba relasyon nilang dalawa ang pag-uusapan? Bakit napunta sa amin?
"Baka naiilang siyang kasama ako kaya niya ako iniiwasan. Gusto ko maging kumportable muna siyang kasama ako. Ayoko namang ipagpilitan kung wala talaga." Habang sinasabi niya 'yon ay nakatitig siya sa akin. Bakit ang tagal ng order namin? 1 star lang talaga ibibigay ko sa restaurant na 'to.
"Baka hindi lang siya sanay sa atensyon na binibigay mo. Baka naninibago. Gano'n. Napapansin ko kasi na medyo straightforward ka na tao. I think kelangan lang niya ng time na iabsorb ang lahat." Sagot ko nang hindi rin inaalis ang tingin sa kanya.
"Ahem" Napa-iwas kami nang tingin nang tumikhim si Jah. Saka pa dumating ang order namin.

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 18. Continue reading Chapter 19 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.