My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 19: Chapter 19

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 19 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 19: Chapter 19. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Paulo's POV
"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba busy kayo ngayon kasi lunch time?" Tanong ko sa kanya nang makalapit na ako.
"Sinusundo ka tsaka nagpaalam na ako sa boss ko. Pinayagan naman niya ako." Sabi niya habang pangiti-ngiti.
"Hindi naman ako nagpapasundo ah."
"Sinundo na kita para sure na hindi ka tatakas . . . At muntikan na nga." Ngumiti pa siya ng mapang-inis. Kainis!
"Hindi ako tumatakas okay? Pupunta lang naman akong banyo."
"Tara. Samahan na kita." Gago?!
"Hindi na. Umurong na ihi ko. Tara na. Saan ba tayo kakain?" Napansin kong pigil na pigil siyang tumawa. Kainis talaga!
"Sa rooftop na lang kaya. Doon ka naman parating nagtatago 'di ba?" Paano niya nalaman? Stalker ka boy?!
"Hindi nga kita tinataguan—"
"Oo na. Hindi ka na naubusan ng dahilan. Tara na. Gutom na ako." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila niya ako papuntang rooftop. Ang init ng kamay niya. Parang lumipat sa mukha ko. Umiinit din eh.
Jashem's POV
"Okay na kayo?" Pabulong na tanong ni Ritchie sa akin. Kasalukuyan kaming kumakain ng pananghalian.
"Nino?" Ngumuso siya upang ituro si Ky na kaharap ko ng upuan. Ngumiti lang ako sa kanya kaya pinangunutan niya ako ng noo.
"Bakit busy kayo parehas sa mga cellphone niyo?" Pamumuna ni Ritchie sa amin kaya binaba ko agad ang cellphone ko. Sabay pa talaga kami ni Ky.
"Wala. May tinanong lang si mommy." Pagdadahilan ko sa kanya. Ewan ko lang kung naniwala siya.
"Tapos ka nang kumain?" Tanong ni Ky sa akin.
"Oo."
"Tara." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hinila niya agad ako patayo. Nagwave na lang ako kay Ritchie na nagulat yata sa inasal ni Kyler.
"Hoy saan tayo pupunta?"
"Gusto kita masolo." Gagi?! Nu daw??
Buti na lang at walang ibang tao sa dinadaanan namin. Kundi lagot. Sa kalalakad namin umabot na kami sa convenience store.
"Gutom ka pa? Kakain lang natin ah." Tanong ko sa kanya nang makapasok na kami.
"Hindi."
"So ano'ng ginagawa natin dito?"
"Gusto nga kita masolo. Parati na lang kayong magkadikit nung Ritchie na 'yon. Wala ka ng time para sa akin." Seryoso niyang sagot.
"Eyy selos yan?" Biro ko sa kanya.
"Oo."
"O-oh okay." Hindi ko inaasahan na 'yon ang isasagot niya. Akala ko tatanggihan niya. "Pero bakit dito tayo sa convenience store? Baka may makakita sa ating mga katrabaho." Sabi ko sabay palinga-linga sa paligid.
"Hayaan mo na sila. May bibilhin din kasi ako." Sabi niya sabay punta sa may freezer at kumuha ng dalawang ice cream na nasa maliit na tub.
"Dessert?" Tanong niya.
"Sige."
Third Person's POV
"Sorry na! Nakabusangot ka na naman." Bungad ni Stell nang makarating sa parking area si Paulo.
"Tara na. Uwi na tayo." Halata namang kinikilig si Stell sa simpleng sinabi ni Paulo kahit na wala naman talagang kahulugan 'yon. Ang sarap naman pakinggan 'yong uwi na tayo. Hehe
"Okay. Uwi na tayo." Inalalayan muna niyang makapasok si Paulo sa passenger's seat bago siya pumunta sa driver's seat.
Hindi iyon inaasahan ni Paulo kasi hindi naman niya kailangan ng tulong. Medyo naiilang man siya ay hindi niya iyon pinahalata. Hindi naman kasi siya sanay sa mga gano'ng mga gestures.
"Diretso bahay ka na ba? Or okay lang na may daanan muna tayo?"
"Kung importante naman 'yan, wala naman akong magagawa. Nakikisakay lang naman ako."
"Nice." Pinaandar na ni Stell ang sasakyan at nang makarating na sila sa sinasabi niyang dadaanan niya ay tiningnan siya ni Paulo ng masama.
"Bakit?" Natatawang tanong ni Stell. "Baba na tayo." Ayaw pa sanang bumaba ni Paulo pero tinulungan na siya ni Stell na tanggalin ang seatbelt niya.
"Ano na naman 'to Stell?" Tanong ni Paulo pagkababa.
"Date?" Irap lang naman ang natanggap ni Stell mula kay Paulo. "Joke lang pero totoo talaga. Haha Halika na. Gusto ko kasing matikman 'yong Pablo's Pick nila. Masarap daw 'yon eh." Hinila na niya si Paulo papasok ng Dunkin at nagpahila na lang din ito sa kanya.
"Akala ko naman importante." Mahinang sabi ni Paulo pero hindi pa rin ito nakaligtas sa malakas na pandinig ni Stell.
"Basta kasama kita, importante 'yon." Bigla na lang uminit ang mukha ni Paulo kaya tumalikod siya at pinaypayan ang sarili.

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 19. Continue reading Chapter 20 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.