My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 2: Chapter 2

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 2 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 2: Chapter 2. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Paulo's POV
Dali-dali akong pumunta sa rooftop para puntahan si Kyler. Alam kong may problema na naman siya kaya mas kailangan niya ng kaibigan ngayon. Bago lang nawala ang mama niya, tapos ngayon may problema na naman.
Pagkarating ko sa rooftop ay nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakayuko ang ulo. Sinarado ko muna ang pintuan para walang ibang makapasok.
Tahimik lang akong umupo sa tabi niya at inakbayan siya.
"Tatanggalin nila ako sa varsity Pau. 'Yan na lang ang meron ako, bakit kailangan pa nilang kunin." Naririnig ko ang panginginig ng boses niya, sinyales na umiiyak siya.
"Ano ba ang nangyari bakit humantong sa ganyan?"
"'Yong scholarship ko dito, kay Mr. Ortiz pala galing, papa ko NOON. Nagkita kami kanina. Hindi ko matanggap Pau. Sa lahat ng tulong na ayaw kong matanggap, 'yon ay ang galing sa kanya. Mahigit sampung taon na niya kaming iniwan, tapos basta-basta na lang siyang magpapakita sa akin? Ngayon pa na wala na si Mama? T*ngina niya!" So papa niya pala ang naghanap sa kanya kanina.
Nakikinig lang ako sa kanya habang ibunubuhos niya lahat ng mga hinanakit niya. Sa halos apat na taon naming pagkakaibigan, ngayon lang siya nag open-up sa akin tungkol sa papa niya. Hindi ko naman siya pinipilit na magshare sa akin kasi alam kung hindi pa siya handa.
"Tapos ngayon tatanggalin nila ako sa varsity team kung hindi ako pipirma ng kontrata."
"Ano'ng kontrata?"
"Na itutuloy nila ang scholarship ko at hindi nila ako tatanggalin sa varsity kung titira ako kasama niya. Ano? Magpapaka-ama-amahan siya? Ngayon pa? Ang dami niyang pagkakataon na itama ang mali niya pero hindi niya ginawa."
Ramdam ko ang galit niya. Hindi ko naman siya masisisi kung gano'n ang nararamdaman niya.
"Ano'ng gagawin mo? Malapit na tayong gagraduate at mas malaki na ang mga babayaran natin. Saan ka kukuha ng pera?"
"Maghahanap ako ng trabaho. Maraming paraan basta 'wag lang sa paraang gusto niya."
"Naiintindihan kita Ky pero malapit na ang practicum natin. Makakalikom ka ba agad ng pera? Paano ang pagiging varsity mo?" Napasabunot siya sa buhok niya dahil sa sinabi ko.
Alam kong naiinis siya sa sitwasyon pero dito rin nakataya ang pangarap niya. Gusto ko mang tumulong sa kanya, pero sapat lang din ang kinikita ni mama para pantustos sa pag-aaral naming magkakapatid.
"Pag-isipan mo munang maigi ang magiging desisyon mo. Tara. Hatid na kita." Tumayo na ako at pinagpagan ko na ang pantalon ko. Tumayo na rin siya at kagaya ko ay pinagpagan din niya ang pantalon niya.
Naglakad na kami papuntang parking area kung saan ko pinark ang motor ko. Una ko muna siyang hinatid dahil madadaanan lang ang dorm niya papuntang bahay namin.

Kinabukasan ay hindi pumasok si Kyler kaya tinext ko sya pero hindi rin sinasagot. Nag-aalala na ako.
"Hi Paulo, absent si Kyler?" Tanong ni Jashem na kararating lang.
"Hindi ko nga rin alam eh. Hindi siya nagrereply sa akin."
"Pwede ko makuha ang number niya? I'll try."
Nagdalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba sa kanya. Kahapon lang naman namin 'to nakilala tapos susubukan niyang itext si Ky? Buti kung replyan siya, hindi nga ako nirereplayan eh.
"Pero baka hindi ka rin replyan."
"Okay lang. At least I tried." Ngumiti siya sa akin kaya ibinigay ko na lang din. Ang hirap kasing tumanggi kapag ganyang ngitian eh.
Jashem's POV
"Pwede ba'ng sumabay sainyo maglunch? Wala pa kasi akong kaibigan dito eh. Okay lang ba?" Tanong ko kay Kyler at Paulo na inaayos ang mga gamit nila sa bag.
"Sure. Okay lang Jah. Tara?" Sagot ni Paulo. Ngumiti ako ng malapad nang pagbigyan nila ako.
Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanilang dalawa. I think I found new friends.
"Ano'ng oorderin mo Jah?" Tanong ni Paulo. Si Kyler tahimik lang at kanina pa busy sa cellphone niya.
"Hindi na. May baon ako. Wala lang talaga akong kasamang kumain. Bili na kayo. Hintayin ko na lang kayo rito." Umalis na sila para bumili ng pagkain nila habang nakasunod si Kyler sa likod ni Paulo at busy parin sa cellphone niya.
Ano ba'ng pinagkakabusyhan niya?
Inantay ko lang sila hanggang sa bumalik sila dala ang pagkain nila. Umupo si Paulo sa harap ko at tumabi naman si Kyler sa akin. At nagsimula na kaming kumain.
"Ang swerte mo naman at binabaunan ka pa ng mama mo." Puna ni Paulo.
"Si Tito—I mean si Papa talaga ang naghahanda nito. Ayaw ko sana pero mapilit eh. Hehe"
"Uy bihira lang ang ganyang papa ha. Papa ko nga limang taon ko ng hindi nakikita."
"Bakit?"
"Nagtatrabaho sa ibang bansa."
"Ah. Ikaw Ky?" Baling ko kay Ky na nakikinig lang sa usapan namin ni Paulo.
"Wala akong papa."

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 2. Continue reading Chapter 3 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.