My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 20: Chapter 20
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 20: Chapter 20. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Jashem's POV
Nasa huling araw na kami ng aming practicum. Hindi na namin namalayan ang mga araw. And guess what? Nanliligaw na si Stell kay Paulo! Officially! Ayieeh!
Though hindi pa sila pero masaya ako dahil alam kong gustung-gusto rin ni Stell ang kaibigan namin. Si Paulo? Hmm. Nasa stage na yata siya ng acceptance ngayon. Haha. In denial kasi masyado. Halata naman. Akala niya kaya niyang iwasan si Stell. Nilagyan yata siya ni Stell ng GPS eh. Parating nahuhuli.
I hope that my friends are going to be happy. Kung sila man, sana sila na. Ano daw? Sana gets niyo. Anyways, I hope they find happiness with the company of each other. Deserve naman nila ang isa't isa.
"Tara?" Tumayo na ako at isinukbit ang braso ko sa braso ni Kyler.
"Kailan mo gustong umuwi ng bahay?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Bukas? Okay lang ba? Namimiss ko na si mommy eh."
"Okay, your wish is my command." Ginulo pa niya ang buhok ko habang sinasabi niya 'yon. Pagkatapos, pumasok na kami sa kotse at pinaandar na niya ang sasakyan.
Nagkukwentuhan lang kami sa mga naging experience namin during the whole month dito sa company hanggang sa makarating kami sa opisina.
Naghanda rin ng munting salo-salo ang opisina namin para sa aming mga interns. May program din kaya wala na kaming trabaho ngayon. May mga umiyak pa dahil mamimiss daw nila kami.
"Jah mamimiss kita." Gaya na lang ni Ritchie. Mangiyak-ngiyak pa siya habang sinasabi 'yon sa akin kaya niyakap ko siya.
"Magkikita pa naman tayo eh. Para ka naman taga ibang planeta." Sabi ko sa kanya para pagaanin ang loob niya.
"Okay lang bang pumunta sa school niyo?"
"Oo naman. Sabihan mo lang ako." Tumango siya saka pa ngumiti. Nagpaalam na rin kami sa iba naming kasama pati na rin sa mga naging boss namin dito.
"Nag-aantay na ang darling mo sa'yo. Umalis ka na." Bulong ni Ritchie sa akin.
Nasabi ko na rin kasi sa kanya na kami na at hindi magkamayaw sa kilig. Talagang sinadya ko na 'wag munang sabihin sa kanya kasi baka madulas at masabi kung kanino. Mas kinilig pa yata siya sa akin eh. 'Di joke lang. Mas kinilig ako syempre.
Pinagalitan pa nga ako kasi nilihim ko raw sa kanya kaya todo explain na naman ako sa kanya.
Niyakap ko siya sa huling pagkakataon pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Bakit kailangan may payakap?" Bungad ni Ky sa akin habang nakakunot ang noo nito nang makalapit na ako sa kanya. Tinawanan ko lang siya.
Vocal naman siya kapag nagseselos siya kay Ritchie. Lalo pa't naging close na rin talaga kami. Alam naman niya na wala akong gusto kay Ritchie pero hindi parin talaga niya maalis-alis ang selos niya. Actually, inienjoy ko rin. Haha. Gusto lang naman niya na lalambingin ko siya eh kapag nagtatampo or nagseselos siya.
"Yakapin din kita pero mamaya na. Maraming tao. Tara na." Nauna na akong naglakad sa kanya. Humabol naman siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Ky, baka may makakita sa atin!" Bulong ko sa kanya habang hinihila ang kamay ko.
"I don't care. Last day naman na natin eh. Pagbigyan mo na ako." Wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan siya. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating kami sa parking area. Sana walang nakakita sa amin.
"Ky alam na ni Kuya Josh. Nakita tayo niya kanina. Sabi ko naman sa'yo eh. Buti na lang siya lang nakakita." Sabi ko sa kanya habang busy kami sa pagliligpit ng mga gamit namin.
"Bakit ba takot na takot kang malaman nila?"
"Ayoko lang na maging sentro tayo ng usapan."
"Hay naku. Maalalahanin masyado ang boyfriend ko. Halika nga rito. May utang ka pang yakap sa akin." Dahil masunurin ako ay lumapit din ako sa kanya at niyakap siya.
"Sabihin na ba natin kila mommy at papa?" Tanong ko sa kanya.
"Okay lang sa akin kung ano'ng maging desisyon mo. Ayoko na mahirapan ka kung itatago natin." Para kaming sumasayaw habang magkayakap kahit wala namang music. Nags-sway lang kaming dalawa.
"Paano kung hindi nila matanggap ang relasyon natin?" Isa 'to sa mga kinatatakutan ko. Ang hindi nila kami matanggap kaya ayoko pang sabihin sa kanila no'ng una. Hinahanda ko pa ang sarili ko sa mga posibleng mangyari.
"Itago na lang natin ulit." Kinurot ko ang tagiliran niya kaya natawa siya.
"May gana ka pang magbiro ha." Inirapan ko siya. Baliw talaga 'to!
"'Wag ka na kasing mag overthink diyan. Mahal parin kita kahit ano'ng sabihin nila. Ikaw parin ang gusto kong pakasalan. Wala na silang magagawa doon."
Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil sa assurance niya sa akin. Isa rin sa love languange ay ang words of affirmation. Hindi niya nakakalimutang sabihan ako ng I love you bago matulog at pagkagising. At parati niyang nireremind sa akin na ako lang ang gusto niyang pakasalan katulad na lang ngayon.
—
"Wala ka ng naiwan?" Tanong ni Kyler habang inaayos ang mga gamit namin sa sasakyan. Uuwi na kasi kami ngayon.
"Wala na."
"So, ready ka na?" Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Pinisil niya ang kamay ko at tumango sa akin.
Si Ky na ang nagdrive pauwi ng bahay. Pagkarating namin ay sinalubong agad kami nila mommy at papa. Halatang sabik na makita kami. Hindi kasi kami masyadong nakakauwi dahil naging busy.
Tinulungan kami ni papa na ipasok ang mga gamit namin. Napansin ko pang tinapik ni papa ang balikat ni Ky. Kung noon ay 'di maipinta ang mukha ni Ky 'pag nakakasalubong niya si papa, ngayon parang mas naging magaan na ang pakikitungo niya rito. Nasabi na rin kasi niya sa akin na nakapag-usap na sila at parati raw nangungumusta si papa sa amin.
Hindi ko mapigilang mapangiti kasi hindi ko aakalaing masasaksihan ko ang araw na 'to. Hindi pa man talaga sila sobrang okay pero nakikita ko namang doon din naman 'yon papunta. Kailangan lang ni Ky ng panahon kasi alam kong hindi rin ito madali para sa kanya.
Pagkatapos naming maipasok ang mga gamit namin ay dumiretso na kami sa kusina kung saan nakahain na ang mga pagkain na hinanda ni mommy.
Katabi ko si Ky at kaharap namin sila mommy. Tumingin ako kay Ky at tumango siya sa akin. Napag-usapan kasi naming ngayon na namin sasabihin sa kanila.
"Mom may sasabihin kami ni Kyler sainyo ni Papa." Sabi ko habang kabado pero hindi ko pinahalata.
Hinawakan ni Ky ang kamay ko sa ilalim ng mesa at pinisil ito kaya medyo nawala ang kaba ko. Nagkatinginan sila mommy at papa at ngumiti ng malapad.
Hindi pa naman siguro nila alam diba? Pero bakit ako kinakabahan?
"May sasabihin din kami sainyo." Masayang sabi ni mommy. Nagkatinginan kami ni Kyler.
Mali ang hinala ko diba?
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 20. Continue reading Chapter 21 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.