My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 21: Chapter 21
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 21: Chapter 21. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Jashem's POV
"Sino'ng mauuna?" Tanong ni Papa.
"Kayo na lang po." Sagot ko.
Huminga muna silang dalawa ng malalim habang nagkatinginan bago nagsalita.
"Magpapakasal na kami ng papa niyo next month!"
Para akong binaksakan ng langit at lupa sa narinig ko. Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ko sabay bitaw sa kamay ni Kyler. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanila. Nabigla yata si Kyler sa pagbitaw ko dahil napansin kong hinabol pa niyang abutin ang kamay ko.
"Nak, okay ka lang? Sorry kung nabigla namin kayo." Nag-aalalang tanong ni mommy nang mapansing nawala na ako sa mood.
"Sorry. Inaantok na po ako."
Tumayo ako at iniwan sila. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Pagkasarado na pagkasarado ko sa pintuan ay napahagulgol ako sa iyak. Umupo ako sa sahig at doon binuhos lahat ng nararamdaman ko.
Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ito. Paano na kami ni Kyler? Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Hindi ko kakayanin. Please sabihin niyo sa aking panaginip lang 'to.
Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan ko at mabilis kong pinahid ang mga luha ko.
"Jah. Ako 'to." Pagkarinig ko sa boses niya ay kusa na namang nagsibagsakan ang mga luha ko. "Jah, buksan mo ang pinto. Please. Mag-usap tayo."
Tumayo ako kahit nanginginig ang mga tuhod ko at pinagbuksan siya ng pintuan. Pagkakita niya sa akin ay sinarado niya agad ang pintuan at niyakap ako ng mahigpit.
"K-ky, paano na tayo? H-hindi ko kaya. 'Wag mo akong sukuan. Please. Ayokong maging kapatid ka." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. Naramdaman kong umiiyak na rin siya.
"Hinding hindi kita susukuan Jah. Mahal na mahal kita." Sagot niya habang umiiyak na rin.
Matagal kami sa gano'ng posisyon habang hinahagod niya ang likod ko dahil sa tindi ng pag-iyak ko. Nang mahimasmasan ako ay pinaupo niya muna ako sa kama.
"Okay lang ba na dito ako matulog?" Tumango ako sa kanya. Kailangan ko siya ngayon. "Higa na tayo."
Inalalayan niya akong humiga sa kama saka siya humiga sa tabi ko. Pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko at niyakap niya ako. One of the things that he usually do kapag matutulog na kami.
"Ky. Mahal na mahal din kita."
Sa tingin ko kailangan ko nang sabihin ang mga bagay gusto kong sabihin sa kanya hangga't pwede pa.
"I know. I know Jah. Mahal na mahal din kita." Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Natulog kaming nasa bisig namin ang isa't isa.
Please ayoko ng magising pa.
—
"Nak galit ka ba kay mommy? Ayaw mo ba na ikasal—"
"Mom, pwede 'wag po muna nating pag-usapan?" Sabi ko at tumayo na ng hindi tinatapos ang kinakain ko.
Kinuha ko na ang bag ko at nauna ng lumabas ng bahay. Sumunod naman agad si Kyler sa akin pagkatapos niyang magpaalam.
"Jah" Pinigilan ako ni Kyler sa paglalakad.
"Ky ang sakit." Sabi ko at tumulo na naman ang mga luha ko.
Dahil nasa labas pa kami ng bahay ay hinila niya agad ako papuntang kotse at pinapasok. Sumakay na rin siya sa driver's seat pagkatapos at pinaandar ang sasakyan. Nang medyo makalayo na kami ay pinahinto niya ang sasakyan sa wala masyadong tao.
"Jah nasasaktan ako na nakikita kang ganyan." Sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kung alam ko lang na magkakaganito sana hindi na ako sumugal. Hindi ka na sana masasaktan ng ganito."
"Bakit mo sinisisi ang sarili mo? Kahit na hindi ka umamin sa akin, malamang ako naman ang aamin sa'yo." Sagot ko sa kanya.
"Mag-usap na lang tayo mamaya okay? Pasok na muna tayo. Malilate na tayo." Tumango ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko.
"Hindi ko alam ang sasabihin sainyo sa totoo lang. Nasasaktan ako para sainyo. Hindi niyo ba sinubukan munang sabihin sa kanila?" Tanong ni Paulo na halata ring apektado sa nangyari sa amin.
"Next month na ang kasal. Sisirain ba namin 'yon?" Sabi ko sa kanya. Napahilamos siya sa frustration.
"Ano'ng gagawin niyo?"
"Pag-uusapan pa namin. Masyado kasi akong naging emosyonal kagabi."
"Pareho naman tayo eh." Sabi ni Kyler.
"Hay. Sana may mahanap kayong solusyon."
—
"Okay lang bang kausapin ko muna si mommy ng kami lang dalawa?" Tanong ko kay Kyler. May kailangan lang akong marinig kay mommy bago ako magdedesisyon.
"Go ahead. Hintayin lang kita dito sa kwarto mo." Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan si mommy sa kusina.
"Mom, pwede ba tayong mag-usap?" Nagliwanag naman ang mukha ni mommy ng lingonin niya ako. Matagal ko rin kasing pinagpaliban ang pag-uusap na 'to kaya alam kong makakahinga na rin siya ng maluwag.
"Sige anak. Sa sala na lang tayo." Umupo kaming dalawa sa may sala.
"Nak sorry talaga. Nabigla ka siguro. Matagal na namin 'tong pinlano ng papa niyo. Busy kasi kayo sa practicum kaya hindi na muna namin sinabi sainyo." Pagpapaliwanag niya.
So kung sinabi na nila sa amin, malamang hindi na naging kami ni Kyler. Malamang.
"Mom, mahal mo ba talaga si papa?" Ngumiti siya sa akin. 'Yong ngiting sigurado. Ngiting nagpasakit sa puso ko. Ngiting alam kong hindi ko kayang bawiin sa kanya.
"Oo anak. Mahal na mahal ko ang papa niyo." Tumulo ang mga luha ko kaya nagpanic si mommy.
"Mom, I'm sorry." Niyakap ko siya.
"Bakit ka nagsosorry? Si mommy dapat magsorry sa'yo kasi hindi man lang kita tinanong kung okay lang sa'yo." Niyakap din niya ako pabalik habang hinahagod ang aking likod.
"I'm sorry. I cannot be fully happy para sa'yo, sainyo ni papa."
"It's okay anak. It's okay. Tahan na."
Kyler's POV
Pagkabalik ni Jah sa kwarto ay sobrang tamlay nito at maga na naman nag mga mata. Baka hindi na naman naging maayos ang pag-uusap nila. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Jah. Pahinga ka na muna. Saka na tayo mag-usap."
"No. Mag-usap na tayo ngayon." Kinabahan ako sa tono ng pananalita niya pero pinagkibit balikat ko lang ito. Pagod lang siguro siya.
Umupo kami sa kama niya. Humarap ako sa kanya at napansin kong pinaglalaruan niya ang kuko niya.
"Jah. 'Wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya." Huminga muna siya ng malalim.
"Nakausap ko na si mommy." Sa bawat salita niya ay pilit niyang pinipigilang tumulo ang kanyang mga luha.
"Kinausap ko na rin si papa." Tumango lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.
"Ky"
"Hmm?"
"Itigil na natin 'to."
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 21. Continue reading Chapter 22 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.