My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 22: Chapter 22

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 22 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 22: Chapter 22. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Kyler's POV
"Jah, ano'ng ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"M-maghiwalay na tayo." Pilit niyang pinipigilan ang mga luha niya na para bang pinapakita niya sa aking buo na ang naging desisyon niya.
"Akala ko ba walang susuko? Bakit ngayon sumusuko ka na?"
"Ky, masaya sila. Nakikita kong masaya sila sa isa't isa. Mahal ko si mommy at alam kong kahit hindi kayo masyadong nag-uusap ni papa, nararamdaman ko naman na unti-unti napapatawad mo na siya. Nakikita mo naman 'di ba? Kaya mo bang hadlangan ang pagmamahalan nila? Kasi ako. Hindi Ky. Masakit pero 'yon ang tama." Ang kaninang luhang pinipigilan niya ay kusa na lang nagsibagsakan.
Inabot ko ang kamay niya pero iniwas niya ito agad. Ang sakit. Bakit kami umabot sa ganito? Bakit kami ang kailangang magsakripisyo? Mahal din naman namin ang isa't isa. Masaya rin naman kami.
"Hiniling mo sa akin na 'wag kitang sukuan diba? Kaya hindi kita susukuan." Mariin kong sabi sa kanya.
"Kalimutan mo na ang sinabi ko. Mahihirapan lang tayong dalawa. I'm sorry Ky."
"Bakit ang bilis mong sumuko Jah?"
"Mahirap din 'to sa akin Ky. Sobra. Alam mo 'yan. Pero mas mahihirapan lang tayo kung ipagpapatuloy pa natin 'tong relasyon natin na wala rin namang patutunguhan." Buo na talaga ang desisyon niya. Ayoko na mahirapan din siya dahil sa akin. Sana tama ang magiging desisyon namin.
"Buo na ba talaga ang desisyon mo?" Huling tanong ko sa kanya bago ko siya bitawan. Nabalot kami ng panandaliang katahimikan bago siya nagsalita ulit.
"Oo." Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Can I hug you for the last time?" Tumango siya ng bahagya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ng mahigpit. Dahil sa oras na bitawan ko na siya, alam kong tapos na.
Naririnig ko ang mga hikbi niya. Kung mahirap 'to sa akin, alam kong mas mahirap 'to sa kanya.
Pumapasok kami sa school ng hindi nag-uusap. Hindi na rin siya sumasabay kumain sa akin kaya pinapasamahan ko na lang siya kay Paulo.
Palagi rin siyang matamlay. Minsan nakakatulog na siya sa klase kaya minsan napapagalitan na siya ng professor namin. Sa kanya na rin parating tumatabi si Paulo para maalagaan siya. Kasi ako, hindi na pwede. Ayoko naman na mas mahirapan pa siya.
Pagka-uwi namin sa bahay ay dumideritso na agad siya sa kwarto niya at minsan hindi na rin naghahapunan. Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero bumagsak na agad ang timbang niya.
"Ky anak, ilang araw ng hindi kumakain ng maayos si Jah. Pwede mo ba siyang puntahan sa kwarto niya? Nag-aalala na ako eh. Hindi na rin nakikinig sa akin." Paki-usap ni Tita. Halatang nag-aalala na rin sa kalagayan ng anak niya.
"Sige po." Sagot ko.
"May importanteng lakad lang kami ng papa niyo ha. Ikaw na muna ang bahala. Salamat anak."
Pinuntahan ko siya sa kwarto niya dahil hindi na naman siya naghapunan ngayon. Nag-aalala na rin ako.
*knock* *knock*
"Jah. Pwede bang pumasok?"
"Matutulog na ako." Sagot niya.
This time hindi na ako nagpaalam na papasok ako sa kwarto niya. I know I'm envading his privacy pero mas ayokong pagsisihan sa huli kung may mangyaring masama sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Lumabas ka na." Sinubukan niyang magtunog na galit. Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo sa kama niya.
"Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo? Ito ba ang kapalit ng desisyon mo?"
"Please. Pabayaan mo na ako." Pagsusumamo niya.
"Paano kita pababayaan kung mahal na mahal parin kita? Hindi ko kayang nakikita kang nagkakaganito. Please Jah. Alagaan mo naman ang sarili mo." Pagmamakaawa ko sa kanya.
*sobs*
Nilapitan ko agad siya at niyakap ang payat niyang katawan, nang marinig kong umiiyak siya. Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko at hinayaan lang akong yakapin siya.
"Iiyak mo lang Jah. Andito lang ako." Hinagod ko ang likod niya hanggang sa tumahan siya.
"Ky"
"Jah"
"H-hindi ko na kaya."
"'Wag mo ngang sabihin 'yan. Malakas ka alam ko 'yan."
"P-pwede bang tayo na lang ulit? Kahit hanggang sa kasal lang nila. P-please."
"Jah. Baka mas mahirapan ka lang."
"P-please. Miss na miss na kita. Dito ka lang sa tabi ko." Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak na naman.
"Okay. Okay. Tahan na. Tayo na ulit. Dito lang ako okay? Basta ipangako mo sa akin na kapag dumating na ang araw na 'yon ay hindi mo na ulit pababayaan ang sarili mo, maliwanag?" Tumango siya sa akin bilang tugon. "Tara. Kain ka muna."
Inayos niya muna ang sarili niya bago kami lumabas ng kwarto niya at pumunta sa kusina. Pinaghain ko na siya ng pagkain niya at pinanuod siyang kumakain.
"Bakit?" Tanong niya. Kanina pa kasi ako nakatitig sa kanya.
"Namiss ko'ng makita kang ngumingiti." Sagot ko sa kanya.
"Sorry naging mahina ako. Ako ang nagdesisyon pero hindi ko rin napanindigan."
"Okay lang naman maging mahina Jah. Walang mali doon. Naiintindihan kita. Ayoko lang na nakikitang sobrang nahihirapan ka tapos pinapabayaan mo pa ang sarili mo."
"Pangako mas magiging matatag na ako. Mamahalin pa kita eh." Sabi niya nang nakangiti.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Nataranta siya sa ginawa ko.
"Baka makita nila tayo." Bulong niya sa akin.
"Wala sila. Umalis sila kanina." Natatawa kong sagot sa kanya. Yumuko siya at mabilis na kumain. Cutie. Haayyy.
Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan muna namin ang pinagkainan niya. Umakyat na rin kami sa kwarto niya para matulog.
Jashem's POV
"Nak, mauna na kami ng papa niyo ha. Sumunod na agad kayo."
"Okay po mom."
Pupunta kami ngayon sa tailor shop para magsukat ng susuotin namin sa kasal nila.
"Tara na?" Pag-aaya ni Ky. Actually, kanina pa siya tapos. Inaantay lang niya ako.
Nang makarating kami sa tailor shop ay nagsusukat na si mama ng wedding gown niya at si papa rin nang gagamitin niyang tuxedo.
"Ito na ba ang mga anak ninyo? Ang gugwapo naman. Bagay na bagay sa kanila 'tong napili ko." Binigay sa amin ng may-ari ang dalawang tuxedo. Pink ang sa akin at yellow ang kay Ky.
[Time Skip: Day of the Wedding]
"Jah, are you ready?" Hindi pwedeng umiyak ngayon. Nangako ako sa kanyang magpapakatatag ako para sa kanya.
"Ky, pwede ba kitang mayakap for the last time?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" Niyakap namin ang isa't isa ng mahigpit.
I want to remember everything about him. His hugs, his touch, his kisses. I want to sew them in my memory.
"Mahal na mahal kita Ky. Tandaan mo 'yan."
"Mahal na mahal din kita Jah. 'Wag mong kalilimutan." Then we shared our last kiss with each other.
Naglakad kaming magkahawak ang kamay papuntang sasakyan. Kanina pa umalis sila mommy kasi aayusan pa sila. 10AM ang kasal at malapit nang mag-umpisa.
Malapit na rin naming bitawan ang isa't isa.
Pagkarating namin sa simbahan ay ando'n na rin si Kuya Josh, Paulo at Stell. Ayaw man nilang ipahalata pero nakikita kong malungkot din sila para sa amin.
By the way, sila na ni Paulo at Stell. Ayaw pa sana nilang sabihin sa amin dahil sa sitwasyon namin. Masayang masaya ako para sa kanilang dalawa. At least may rason pa ako para maniwala sa pag-ibig.
Eksaktong alas diyes nang magsimula ang seremonyas ng kasal. Ako ang naghatid kay mommy at si Ky naman kay papa.
"Congrats Pa." Umiyak si Papa nang batiin siya ni Ky at higit sa lahat nang tawagin na siya ulit nitong Papa.
Nagyakapan kaming apat sa aisle habang umiiyak ang mga magulang namin.
Pagkatapos namin silang ihatid ay pumunta na kami sa upuan namin. Tumabi si Ky sa akin imbes na sa kabila dapat siya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Tiningnan ko siya at nakatingin na rin pala siya sa akin. Ngumiti kaming dalawa sa isa't isa habang hinahanda ang sarili sa aming huling pagbitaw.
Buong seremonyas ay magkahawak ang mga kamay namin. Hindi iniinda ang mga tingin ng mga tao. Walang bumibitaw. Tila ninanamnam ang mga huling sandali. Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Pinisil ni Ky ang kamay ko na para bang sinasabi niyang kaya natin 'to.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Wika ng pari at maririnig ang hiyawan ng mga tao habang pinagsasaluhan ng aming nga magulang ang kanilang unang halik bilang mag-asawa.
We look at each other with a smile on our faces. Though there's pain, but we need to let go of each other as planned. My eyes are beaming with tears, so as he . . . then we mouthed our last I love yous.
Slowly, we let go of our hands and as we let go of our hands, we are also letting go of our feelings for each other.

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 22. View all chapters or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.