My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 3: Chapter 3
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 3: Chapter 3. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Kyler's POV
"You made the right decision Mr. Suson." Sabi ni Dean matapos kong pirmahan ang kontrata pagkatapos ay lumabas na agad ako ng Dean's Office.
Nakaabang naman si Paulo sa labas at hinihintay akong matapos. Tinapik niya ang balikat ko.
"Okay na?" Tumango lang ako sa kanya.
Labag man sa kalooban ko ay wala akong magawa. Kahit ano'ng gawin kong paghahanap ng trabaho ay walang tumatanggap sa akin.
Ayaw ko ring mawala ako sa varsity. Nakita ko kung gaano kasaya si mama no'ng nalaman niyang nakapasok ako kaya kailangan makagraduate ako ng hindi natatanggal. Para kay Mama.
"Saan kayo galing?" Bungad ni Jah sa amin pagkabalik sa room.
"Kinausap lang ni Dean si Ky." Tumango lang siya at binalik ang atensyon sa librong binabasa niya.
"Jah, curious lang ako. Bakit ka lumipat dito? Isang sem na lang at gagraduate na tayo. KUNG papalarin. Tapos magpapracticum pa tayo. 'Di ba mas maganda kapag kasama mo ang mga kaibigan mong pagpapracticum at kukuha ng diploma?" Pag-uusisa ni Paulo.
"Gusto kasi ni Papa dito. Actually, boyfriend siya ni mommy. Kasi hindi pa naman sila kasal. Hindi ko rin alam kung bakit. Wala naman akong magawa kundi ang sundin sila." Nakikinig lang sa usapan nilang dalawa.
"Siya ba 'yong sinasabi mong nagbabaon sa'yo?"
"Oo."
Hindi na nag-usisa pa si Paulo dahil mukhang ayaw na ring pag-usapan pa ni Jah. 'Di kalaunan ay pumasok na rin ang professor namin. Pagkatapos ng klase ay as usual hinatid ako ni Paulo sa dorm.
Kyler's POV
"Halos itim ang damit mo?" Tanong ni Jah habang titingnan ang closet ko.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Ang cool! Bagay sa'yo!" Apaka hyper talaga nito.
"Gusto niya lang talagang magmukhang cool." Sabat naman ni Paulo. Sinaman ko lang siya ng tingin.
Nagsimula na kaming ipasok ang mga damit ko sa maleta. Kaunti lang naman ang mga damit ko kaso lang si Jah may pagka-OC, gusto maayos ang pagkatupi bago ipasok kaya imbes na mapabilis, gabi na kami natapos.
Natatawa na napapailing na lang si Paulo habang tinitingnan si Jah. Kung ako 'yon, idederetso ko na sa maleta pagkatanggal sa hanger eh.
Umorder na lang ako ng makakain namin at dito na naghapunan. Ilang taon din akong tumira dito sa dorm, at panigurado akong mamimiss ko 'to.
"Hatid mo na lang si Jah ha. Gabi na eh." Sabi ko kay Paulo habang nasa banyo si Jah.
"Ikaw pala maghatid? Bakit mo pa iuutos sa akin?" Pagtanggi niya.
"Ako ba may motor?" Inirapan niya ako.
"Baka hindi siya sumasakay ng motor. Magtaxi na lang kayo."
"Wala akong pera. Naneto! Tapos magtataxi pa?" Lumabas na si Jah sa banyo kaya tumahimik na kami. Mata na lang namin ni Paulo ang nag-uusap.
"Jah, hatid ka na ni Paulo. Mahirap na humanap ng sasakyan ngayon."
"Hindi na. Nakakahiya naman. Magtataxi na lang ako."
"Mas okay—" Siniko ko si Paulo bago pa man niya tapusin ang sasabihin niya.
"Delikado magtaxi ngayon Jah. Gabi na. Magpahatid ka na kay Paulo. Okay lang naman sa kanya eh. Diba Pau?" Pinandilatan ko si Paulo kaya pilit na rin siyang umoo at ngumiti pa ng hilaw.
"Okay lang ba sa'yo magmotor Jah?"
"Oo naman. May motor nga ako eh." Nakangiti niyang sabi. Laglag panga naman kaming nakatingin kay Jah kaya hindi niya mapigilang tumawa sa reaksyon naming dalawa.
Ang cutie—este ang lalaking 'to na mahilig magpacute nagd-drive ng motor? Tell me it's a joke.
"Hindi lang masyadong pinapagamit ni mommy sa akin. Natatakot daw siya para sa akin."
"Sayang naman. Sana makapagdrive ka ulit tapos racing tayo." Binatukan ko si Paulo dahil sa sinabi niya. Natawa naman si Jah.
"Sige na. Umalis na kayo. Gabi na masyado. Mag-ingat kayo. Pau. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Magchat kayo kung nakarating na kayo ha."
"Opo pa. 'Wag kang mag-alala iingatan ko si Jah para sa'yo."
"Gag*" Tinawanan lang ako. Pagkatapos ay umalis na rin sila. Nanatili ako sa labas hanggang sa hindi ko na sila matanaw saka pa ako pumasok sa loob.
Jashem's POV
Andito lang ako sa kwarto ko at nagpipinta ng may marinig akong ingay sa baba.
Andiyan na siguro ang anak ni Papa. Sana makasundo ko siya.
"Jahjah! Baba ka nga muna rito!" Tawag ni mommy sa akin.
Tinakpan ko muna ang gouache paint ko at nilagay ang mga paint brush sa basong may tubig para hindi tumigas. Pagkatapos ay tinanggal ko muna ang apron ko at nag-ayos ng sarili saka ako bumaba.
Pagkababa ko ng hagdanan ay nakita ko ang pamilyar na mga maletang kagabi ko lang huling nakita. Umiling-iling pa ako dahil baka kapareho lang.
Pero tatlong maleta talaga ang pareho?
Lumapit na ako sa kanila sa may sala at nakatalikod ang isang pamilyar na lalaking hinding hindi ako magkakamaling siya nga.
"Jah si Kyler, anak ng papa mo."
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 3. Continue reading Chapter 4 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.