My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 5: Chapter 5
You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 5: Chapter 5. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.
                    Jashem's POV
"Mom pwede ko ba gamitin ang motor ko ngayon?"
Papasok na kami ng school at nagpapaalam na naman ako kay mommy for the nth time na ipagamit na ang motor ko sa akin. Nakatambay lang sa garahe at walang ginagawa.
"Jashem, ilang beses ba natin 'tong pag-usapan?" And for the nth time, 'yan na naman ang sagot ni mommy sa akin.
"Mom, masisira na lang 'yang motor kung hindi ko gagamitin. Ano pa ang silbi na binili 'yan pero hindi mo rin ipapagamit?"
"Hindi mo ako madadala sa paganyan ganyan mo Jashem. Nadisgrasya ka na dati, ayoko na maulit pa 'yon."
Kaunting galos lang naman 'yon eh. Natumba lang naman ako sa motor tapos si mommy, grabe na kung makareact. Syempre nagsisimula pa lang, hindi naman talaga 'yon maiiwasan.
"Hindi na mauulit mom, promise." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para convincing.
"Pwede mong gamitin ang motor na 'yan—" Yes! "pero hindi ikaw ang magd-drive."
Eh??? Paano ko naman magagamit tapos hindi rin pala ako magd-drive?
"Mom naman! Ano'ng klaseng kondisyon 'yan? Sana sinabi mo na lang na hindi mo ipapagamit." Humalukipkip ako sa harap niya habang nakanguso.
"Oh andito na si Ky." Kakababa lang niya galing sa kwarto.
"Marunong ka bang magmotor Ky?" Tanong ni mommy sa kanya. Medyo naguguluhan pa siya kung bakit siya tinanong ni mommy dahil nakakunot ang noo niya.
Mom? Mali ang iniisip ko diba? Diba???
"Opo."
"Okay lang ba na ikaw muna magdrive ng motor ni Jashem? Hindi ko kasi pinapadrive sa kanya 'yan kaso lang makulit." Mom!!! Sinamaan ko ng tingin si mommy.
"Okay lang po." Ngumiti ng malapad si mommy. Ugh!
"Okay. Si Ky na ang magd-drive ha." Nakangiting saad ni mommy.
"Mom, magtataxi na lang ako." Mabilis akong umalis sa harapan nila pero mas mabilis nahatak ni mommy ang bag ko kaya napabalik ako sa kaninang kinatatayuan ko.
"Ang gastos mo! Magmotor na kayong dalawa para sabay rin kayong umuwi mamaya. Marunong naman si Kyler magmaneho eh." Sabi ni mommy.
"Magj-jeep na lang ako." *about to leave* Hinila na naman niya ulit ang bag ko.
"Jashem" Ngumiti na lang ako ng pilit at hindi na siya sinagot pa. "Alis na kayo."
Nauna na akong naglakad palabas ng bahay at sumunod naman si Kyler. Nang makarating kami sa garahe ay kinuha ko na ang isang helmet at sinuot ito sa ulo ko.
Sinuot na rin ni Kyler ang helmet niya at saka sumakay sa motor para paandarin ito.
"Sumakay ka na. Malilate na tayo." Sumakay na ako at umupo sa pinakadulo ng upuan. Mukhang mahuhulog pa nga yata ako nito.
Hindi pa niya pinatakbo ang motor kaya nagtataka ako.
"May problema ba? Matagal na kasing hindi nagagamit 'to—"
"Bakit ang layo mo?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya. Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"Lumapit ka pa. Baka mahulog ka diyan." Dagdag pa niya.
"Hindi 'yan. Sakto lang. Sanay naman akong umupo sa dulo eh." Pagmamatigas ko.
"Sanay mahulog? Hindi tayo aalis hangga't hindi ka lumalapit." Mas matigas pala 'to.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang nagpipigil ng hininga ng bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko at pinulupot sa bewang niya. Para tuloy akong nakayakap sa kanya! Huhu!
"Humawak ka ng mabuti." Bahagya akong tumango sa kanya kahit hindi naman niya ako nakikita.
Pinatakbo na niya ang motor at tahimik lang kaming dalawa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa uni.
"Mauna na ako." Sabi ko pagkatanggal ko ng helmet ko. Umalis na agad ako ng hindi na siya nililingon pa.
Ayokong makikita kami ng mga kaklase namin na sabay dumating sa school tapos nakaangkas pa ako sa motor.
Naglakad ako ng mabilis para hindi niya ako maabutan. Para tuloy akong sumali ng speed walking competition.
Nang makarating ako sa room ay hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa hingal.
"Okay ka lang? Ano'ng nangyari sa'yo?" Bungad ni Paulo sa akin.
Inilapag ko ang bag ko sa upuan at saka umupo. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.
"Okay lang. Medyo napagod lang." Pilit akong ngumiti sa kanya. Kinuha ko ang libro ko sa bag para sa subject namin ngayon.
"Saan na si Ky? Hindi kayo sabay pumasok?" Pag-uusisa niya.
"Sabay. Nauna lang ako sa kanya." Tiningnan niya ako ng may pagdududa.
Ilang sandali pa ay dumating na si Ky kaya yumuko agad ako at nagkunwaring busy sa pagbabasa ng libro ko.
Bigla na lang may kumuha ng libro ko at binaliktad ito. Tumingala ako at nagtama ang mga mata namin ni Ky.
"Baliktad ang libro mo." Sabi niya. Napasapo ako sa noo ko dahil sa katangahang ginawa ko.
Tumalikod na siya at umupo na rin. Si Paulo naman ay nagpipigil lang ng tawa niya sa gilid.
"May practise kami ngayon. Mauna ka na lang umuwi." Nagliligpit na ako ng mga gamit ko dahil tapos na ang huling subject namin ngayong araw.
"Okay." Tipid kong sagot. Nauna na siyang umalis matapos niyang magpaalam kay Paulo. Oo, kay Paulo lang. Hmmp!
"Bukas ko na lang kakausapin si Ky ha. Nagmamadali kasi ako tapos may practice pala siya."
"Okay lang Pau. No worries."
"Jah mauna na ako sa'yo ha. Susunduin ko pa si Mama eh." Pagpapaalam niya.
"Sige Pau. Sunod na rin ako." Pagkatapos kong magligpit ay umalis na rin ako.
Naglalakad na ako palabas ng uni ngayon kasabay ng ibang estudyanteng papauwi na rin sa kani-kanilang mga bahay.
Sasakay na lang siguro ako ng jeep ngayon. Papagalitan na naman ako ni mommy kapag nalaman niyang nagtaxi na naman ako.
Malapit na ako sa exit ng uni ng may humawak sa braso ko. Lumingon ako at humarap sa nagmamay-ari ng kamay na 'yon.
"Ky"
"Baka . . . gusto mong manuod ng practise namin."
                
End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 5. Continue reading Chapter 6 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.