My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 6: Chapter 6

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 6 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 6: Chapter 6. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Jashem's POV
"Cap! Andito ka lang pala. Hinahanap ka na ni Coach—Oh! May kasama ka pala. Hi! I'm Stell." Inabot niya sa akin ang kamay niya para makipagshakehands.
"Hello, I'm Jashem pero Jah na lang." Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay niya.
"Classmate? Crushmate?" Tanong niya habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Ky. Ayun, binatukan tuloy. "Joke lang! Ito naman si Captain. Ano? Tara na?"
Tumingin si Ky sa akin dahil hindi ko pa siya nasasagot sa alok niya kanina.
"Isama na rin natin si Jah. G ka ba?" Tumango lang ako sa kanya ng bahagya habang nakangiti. "Tara!"
Naglakad na kami papuntang gym kung saan sila magpapraktise. First time ko siyang mapanuod maglaro ngayon. And to think na Captain siya ay for sure magaling siya.
"Dito ka na maupo. May tubig diyan sa bag ko kung nauuhaw ka." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya at pumunta sa court.
Dito niya ako pinaupo sa may bleachers na para sa mga players. Iginala ko ang paningin ko at wala akong ibang kilala dito since bago pa lang ako.
Bago sila nagsimula ay nagwarm-up muna sila. May mga ibang estudyante rin ang nandito at nanunuod. Ang iba, nagchi-cheer pa—kay Ky. Famous!
Pasado alas sais na ng matapos ang practise nila. Nagpaalam muna siya na maliligo muna bago kami umalis kaya pinasama niya ako sa locker room nila para doon na maghintay. Wala na rin kasing tao sa basketball court.
"Jah, una na ako sainyo!" Paalam ni Stell. Nagwave ako sa kanya at tumango.
Nagpaalam na rin ang iba niyang mga kateammates at kami na lang dalawa ang naiwan dito. Siya kasi ang huling naligo kasi pinauna niya ang mga kasama niya.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Ky ng banyo ng nakatopless kaya iniwas ko agad ang paningin ko sa kanya. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagscroll na lang sa fb.
"Ba't 'di ka makatingin? Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubad?"
"Hindi ah. May tinitingnan kaya ako." Palusot ko. Hindi ko namalayan lumapit pala siya sa akin kaya napatakan ako ng mga tumutulong tubig mula sa buhok niya.
"Ini-stalk mo ba fb ko?" Napa-angat ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"H-ha? Ba't ko naman gagawin 'yon?" Ngumuso siya sa cellphone ko para ituro kung ano ang sinasabi kong tinitingnan ko.
Tiningnan ko ang screen ng cellphone at napasapo na lang ako sa noo ko. Bumalik na siya sa locker niya para magbihis.
Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay.
"How's school?" Bungad sa amin ni mommy na nasa kusina at naghahanda ng pagkain.
"Okay lang po mom." Sagot ko sa kanya.
"Bakit kayo ginabi?" Nauna nang umakyat si Ky sa kwarto niya.
"May practise kasi sila Kyler sa basketball kaya nanuod ako."
"Oh, that's good to hear."
"Bihis lang po ako mom."
"Okay. Baba kayo agad para makapaghapunan na tayo." Umakyat na ako sa mga kwarto ko para magbihis.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na agad ako. Napansin kong hindi pa bumababa si Kyler. Andito na rin si papa.
"Tawagin mo muna si Kyler nak. Para makakain na tayo." Utos ni papa sa akin.
"Okay po." Umakyat ulit ako at pinuntahan si Kyler sa kwarto niya.
Kumatok muna ako pero walang sumasagot.
"Ky? Kain na raw tayo." Kumatok ulit ako pero hindi parin siya sumasagot.
Sinubukan kong buksan ang pintuan niya. Hindi ito nakalock kaya binuksan ko ng bahagya para silipin siya. Nakatulog pala. Gisingin ko ba?
Napagdesisyunan kong pasukin na lang siya sa kwarto niya at gisingin para makakain siya.
"Ky. Kain muna tayo." Gumalaw siya ng bahagya kaya akala ko magigising na siya pero tulog parin pala. Nugagawen??
"Ky" Niyugyog ko siya sa braso ng kaunti. Sana magising ka na!
"Ky. Gising." Inulit ko na naman kaso hindi parin siya nagising. Ang hirap naman nito gisingin!
Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba na lang. Sinabi ko na lang sa kanila na nakatulog na si Ky dahil sa pagod.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Habang naghuhugas ako ng plato ay siya namang pagbaba ni Kyler.
"Ky kain ka na. Nauna na kaming kumain. Tulog na tulog ka na kasi kanina. Ayaw mong gumising." Itinigil ko muna ang paghuhugas ng mga plato para ipaghain siya ng pagkain.
"Ako na." Kumuha ako ng plato pero kinuha niya ito sa kamay ko. Ibinigay ko na lang at tinapos ang hugasin ko.
Tunog lang ng mga pinaghugasan ko at ang pinagkainan ni Ky ang maririnig.
Nakakasikip na rin ng dibdib kung minsan ang malamig na pakikitungo ni Kyler sa akin. Hindi ko naman siya masisisi pero sana bumalik man lang kami sa dati.
"Ky, hindi mo naman kailangang sundin si mommy na gamitin ang motor ko kung napipilitan ka lang." Pinupunasan ko na lang ang mga pinaghugasan ko.
"Sino'ng nagsabing napipilitan lang ako?" Tanong niya na nagpatigil sa akin.
"Hindi . . . kasi . . . makulit kasi si mommy. Ayaw niya kasing ipadrive sa akin kaya sa'yo niya pinasa. Hindi ko naman akalain na susundin mo siya." Lumapit siya sa may lababo para ilagay ang platong pinagkainan niya.
"Ako na maghuhugas niyan Ky. Ilagay mo na lang diyan."
"Ako na. Hindi ka naman katulong dito." Hindi ko na lang pinilit at hinayaan na lang siya.
*silence*
"Ky, about kay mommy at papa—"
"Saka na natin pag-usapan." Tumango na lang ako. Umalis na agad siya pagkatapos niyang maghugas.

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 6. Continue reading Chapter 7 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.