My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 7: Chapter 7

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 7 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 7: Chapter 7. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Jashem's POV
Lumipas ang mga araw na malamig parin ang pakikitungo ni Ky sa akin kaya si Paulo sa akin na tumatabi parati para may kausap ako.
"Pupunta ka ba sa laro nila Kyler mamaya?" May laro kasi sila laban sa kabilang school at sa kalaban na court ang venue.
"Hindi na siguro. Baka mainis lang siya sa akin kapag nakita niya ako doon. Baka ako pa ang dahilan na matalo sila." Matamlay kong sagot sa kanya. Tsaka hindi naman ako imbitado.
"Hindi 'yan. Ano ka ba?" Pangungumbinsi niya.
Ilang beses na ring kinausap ni Pau si Ky about sa amin. Sinabi niyang hindi raw siya galit sa akin pero hindi naman niya ako kinakausap. So what's the difference?
"Hindi na. Uuwi na lang ako Pau." Niligpit ko na ang gamit ko para makauwi na. Exempted ang mga varsity players sa klase ngayon dahil sa laro nila.
"Una na ako Pau." Paalam ko sa kanya. Kinuha ko na ang bag ko at paalis na sana.
"Jah. Sandali lang!" Pagpipigil niya sa akin pero nakatingin siya sa cellphone niya at mukhang may binabasa.
"Pau, okay lang talaga. Ikaw na lang—"
"Nagchat si Ky." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Isama raw kita." Lumapad pa ang ngiti niya habang sinasabi 'yon.
"Style mo Pau bulok. Diyan ka na nga." Akma na sana akong aalis ng higitin niya ang braso ko.
"Totoo nga kasi! O basahin mo." Binigay niya ang cellphone niya sa akin para ipabasa ang text ni Ky. "Ayaw mo pang maniwala eh!"
"Ngumingiti ka na ngayon ah. Kanina lang parang ang tamlay mo." Andito na kami ngayon sa gym kung saan gaganapin ang laro nila Ky at itong katabi ko ako na naman ang palaging napapansin.
"Hindi ah. Guni-guni mo lang 'yon." Pagdedepensa ko at sinubukang alisin ang ngiti sa mga labi ko pero hindi ko pa rin mapigilan.
"Sabi mo eh." Alam ko namang hindi ko siya mabobola. Tinapik pa niya ang balikat ko pagkasabi niya. "Ayan na sila Kyler." Tinuro niya ang mga papasok na players sa court na mga naka red jersey. Nakita ko na rin si Kyler. Ando'n rin si Stell kasama nila.
Palinga-linga si Ky na para bang may hinahanap hanggang sa mapadapo ang mga mata niya sa gawi namin.
Napansin ko namang ngumiti si Paulo habang nakatingin kay Kyler kaya napasimangot ako. Kay Paulo pala siya ngumiti at hindi sa akin. Hmmp!
"Ano'ng nangyari sa'yo? Kanina lang masaya ka tapos ngayon nakasimangot ka na naman?"
"Wala." Sabi ko habang nakapangalumbaba.
Nagsimula ang laro na lamang ang team nila Ky pero sa kalagitnaan ay naungusan sila. Halos makapigil hininga ang mga eksena kaya nagrequest ng time out ang team nila Kyler.
Pagkatapos mag-usap ng team niya ay bumalik na ulit sila sa court pero bago 'yon ay tumingin ulit siya sa gawi namin ni Pau.
Sino ba kasing tinitingnan niya dito? Napalingon naman ako sa paligid ko at mga babae at lalakeng nagtitilian lang ang nakita ko. Si Paulo naman ay napapailing pa habang ngumingiti.
"Bakit ka napapailing diyan tapos pangiti-ngiti ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"May naalala lang akong AU na nabasa ko."
Ang random naman nito. Nanunuod ng basketball tapos kung anong AU ang naiisip. Ano nga ba 'yong AU?
"AU? Ano 'yon?"
"Alternate Universe. 'Lam mo 'yon 'yong mga fan fiction stories ba, gano'n." Tumango-tango lang ako sa kanya kasi hindi naman ako maghilig magbasa.
"Tapos?"
"'Yong isang character manhid tapos 'yong isa naman torpe. Patingin-tingin lang. Gano'n." Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Ang clichè naman ng story na 'yan. Mga ganyang story pala ang gusto mo Pau? Nakakagulat." Tumawa naman siya ng bahagya sa sinabi ko.
"Wala naman akong choice kundi basahin 'yon." Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya.
"Pinilit ka? Nino?" Humagalpak siya ng tawa at napailing pa siya sa tanong ko. Ang tino naman nito kausap.
"Manuod na lang tayo." Binalik na namin ang atensyon namin sa laro. Hindi ko na lang siya tinanong ulit.
Sa kakadaldal namin, hindi namin namalayang naungusan na ulit ng team nila Ky ang kalaban hanggang sa matambakan na nila ito at hindi na nakabawi pa. Idineklarang panalo ang school namin.
"Last na laro na 'to ni Kyler kaya pinaghandaan niya talaga."
"Hindi na ba siya maglalaro ulit?"
"Magpapracticum na tayo eh. Magiging busy na." Tumango na lang ako.
First and last na laro na pala 'to na makikita ko. Buti na lang sumama ako kun'di pagsisisihan ko talaga ng malala.
"Baba tayo. I-congratulate natin si Ky." Pag-aaya niya.
"'Di na. Dito na lang ako. Ikaw na lang Pau. Antayin na lang kita rito."
"Halika na. Matutuwa 'yon 'pag ando'n ka." Naguguluhan man ay sumama na rin ako sa kanya. Eh paano ba naman, hila-hila na niya ako. May magagawa pa ba ako?
Madami ring mga schoolmate namin ang nandito. Nakatayo lang kami sa gilid ni Pau habang hinihintay na matapos ang picture taking nila. Andami ring nagpapapicture kay Ky at may . . . yumayakap pa.
"Ky congrats! Galing niyo." Matapos ang labindalawang taon natapos rin sila at saka pa kami nakalapit sa kanya.
"Salamat." Tinapik ni Pau ang balikat ni Ky.
"Congrats Ky." Bati ko naman sa kanya habang nakangiti. Tumango lang siya sa akin.
"Cap, may victory party raw tayo ngayon sabi ni Coach." Sabi ni Stell na kakalapit lang sa amin. "Hi Jah! And . . . Paulo right?" Tumango naman si Paulo.
"Nice to meet you." Inabot ni Stell ang kamay niya kay Paulo at nagshakehands sila.
"Congrats sainyo Stell." Bati ko rin sa kanya.
"Thank you Jah. Ano Cap? G ka ba? Ay mali, bawal kang tumanggi. Last laro na natin 'to eh." Tumango lang si Ky bilang pagsang-ayon. "Yown! Isama na natin sila Jah at Paulo." Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Stell.
"Hindi na Stell. Uuwi na rin kami ni Paulo. Panalo niyo 'yan, nakakahiya naman. Sige alis na kami." Pagtanggi ko. Ngayon ako naman ang nanghila kay Paulo. Hindi ko na hinintay ang sagot nila.
"Jah!"

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 7. Continue reading Chapter 8 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.