My Father's Son | A KENTIN AU - Chapter 8: Chapter 8

Book: My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 8 2025-10-08

You are reading My Father's Son | A KENTIN AU, Chapter 8: Chapter 8. Read more chapters of My Father's Son | A KENTIN AU.

Jashem's POV
"Jah!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag ni Ky sa akin.
Namiss ko ang tawagin mo akong Jah. Akala ko hindi ko na ulit maririnig sayo'ng tawagin ang pangalan ko.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang papalapit na sa amin si Kyler. Halos hindi naman ako makahinga dahil sa kaba.
"Okay ka lang Jah? Nanginginig ang kamay mo." Saka ko lang napansing nanginginig ang kamay ko dahil sa sinabi ni Pau. Nakahawak parin kasi ako sa palapulsuhan niya.
"Okay lang." Tipid kong sagot.
"Gusto niyong sumama?" Tanong ni Ky nang makarating siya sa harapan namin.
Nagkatinginan kami ni Paulo, mata lang namin ang nag-uusap. Alam naman niya ang sitwasyon naming dalawa kaya alam kong tatanggi—
"Ge Ky. Sama kami."
Shutakels! May pa mata mata pa kami tapos magkaiba parin pala kami ng iniisip.
"Ano. . .pinapauwi na ako ni mommy eh. Kayo na lang." Bahala ka sa buhay mo Paulo. Uuwi na ako.
"Enjoy kayo." Akma na naman sana akong aalis nang may humawak sa braso ko.
"Ako na bahala kay Tita." Sabi ni Kyler sabay bitaw sa braso ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na mararamdaman ko pero halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa kaba, kilig at halo-halong emosyon.
"Ehem!"
Sabay kaming umiwas ng tingin ng hindi namin namalayang ilang segundo rin pala kaming nagkatitigan. Napansin ko namang pangiti-ngiti si Paulo sa gilid.

"Pahamak ka talaga Pau." Bulong ko sa kanya.
"Siya naman nag-aya sa'yo ah." Pagdedepensa niya.
"Kung humindi ka na kasi no'ng una edi sana wala na tayo dito ngayon."
Nakakahiya. Kasama namin ang mga players na parang bang may ambag kami sa pagkapanalo nila.
"Gusto kong sumama eh. Ikaw lang 'tong paladesisyon." Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.
"Bakit hindi pa nababawasan 'yang beer niyo?" Puna ni Stell na kagagaling lang ng banyo at tumabi kay Paulo.
Si Ky naman nagpaalam kanina na lalabas muna siya dahil may kakausapin lang daw siya.
"Hindi kasi ako umiinom." Sabi ko naman.
"Ikaw rin Paulo?" Tanong naman niya kay Pau.
"Pau na lang. Hindi, umiinom ako." Sagot naman ni Pau. Tumango naman si Stell.
Bumalik na rin si Ky at umupo sa tabi ko.
"Nakausap ko na si Tita. Nag okay na siya."
Lumalalim na ang gabi at ang iba ay nakararami na nang nainom. Maliban kay Ky na juice lang iniinom at ako. Kahit anong pilit ng mga kasama niya ay hindi siya uminom. Si Paulo mukhang tipsy na rin kasi nagiging madaldal na.
"Magpapaalam lang ako kay Coach tapos uwi na tayo." Tumango ako sa kanya at tumayo na siya para puntahan ang Coach nila.
"Pau, uwi na tayo." Sabi ko sa kanya. Pula na ang pisngi niya. Nagpaalam na rin ako kay Stell at sa iba niyang kateammates.
"Tara." Alalayan ko na sana si Pau na tumayo pero inunahan na ako ni Kyler.
Pinasakay na namin ng una si Pau sa taxi saka kami umuwi gamit ang motor ko.
"Bakit hindi ka uminom?" Tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami.
"Kailangan kong magdrive at nangako rin ako kay Tita na hindi kita pababayaan." Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya.
Kahit hindi man kami okay pero hindi naman siya naging mean sa akin na ikinaluwag ng loob ko.
Okay na akong ganito kami basta 'wag lang umabot sa puntong magkasakitan kami ng mga salitang pagsisihan din namin sa huli.
"Thank you Ky." Pabulong kong sabi.
"Ano? Okay ka lang?" Tanong ko kay Pau na hinihilot ang sentido niya.
"Hang-over lang." Tipid niyang sagot. 'Yan kasi nag-iinom tapos may pasok pa kinabukasan.
"May gamot ka ba? Uminom ka kaya muna." Suhestiyon ko. Nag-aalala na rin ako sa kanya kasi mukhang masakit talaga ang ulo niya.
"Hindi na. Kaya pa naman."
"Samahan na kita sa clinic." Pag-aaya ko.
"Stell, bakit andito ka?" Narinig kong tanong ni Ky kaya napalingon ako sa gawi niya.
"May ibibigay lang ako." Naglakad si Stell papalapit sa amin. Nagwave siya sa amin ni Pau na tinugunan din namin.
Nang makarating siya sa tapat namin ay may kinuha siya sa bulsa niya at kinuha ang kamay ni Paulo at may nilagay dito.
"Inumin mo 'to Pau. Mukhang kasalanan ko yata 'yang hang-over mo."
"T-thank you." Napangiti na lang ako dahil sa natunghayan kong eksena. Ang aga naman magpakilig ni Stell. Namumula na rin si Paulo. Kala niya siguro hindi ko nahalata.
"Sige. Balik ba ako sa room namin. Cap." Tinapik niya ang balikat ni Ky at napailing na lamang si Ky habang may makahulugang ngiti.
"'Wag kayong ngumiti ngiti diyan. Sumasakit lalo ulo ko sainyo." Hindi ko na napigilan ang tumawa habang si Ky naman ay nagpipigil na rin.
"Alam mo Pau, may nabasa rin akong AU. 'Yong isang character may hang-over kaya dinalhan siya ng gamot—"
"'Wag mo ng ituloy Jah. Alam ko na saan 'yan papunta."
"Tsk. Hindi mo naman ako pinapatapos eh. So ayun nga. Dinalhan siya ng gamot tapos—"
"Jah" Napazip na lang ako ng bibig ko habang nagpipigil ng tawa.
"Inumin mo na 'yang gamot. Hindi naman 'yan binigay para titigan mo lang. Nag-effort pa 'yong tao." Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumiti lang ako sa kanya.
Kinuha niya ang tumbler niya at ininom na ang gamot na bigay ni Stell sa kanya.
Kyler's POV
"Ky, anak. Kumusta ang pag-aaral?" Kakauwi lang niya galing sa business trip niya.
Sa buong stay ko dito ay halos hindi ko rin siya nakita o nakasama kasi parati siyang wala dahil busy sa trabaho.
"Okay lang." Sagot ko habang paakyat sa kwarto ko.
"Nak. I know galit ka sa akin pero sana 'wag kay Jashem. Wala siyang kasalanan. Napakabait ng batang 'yon. Sana kahit kayo na lang ang magkasundo." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Wala kang karapatang diktahan ako. Galit man ako sa kanya o hindi, wala ka na doon. At kahit kailan hindi kita mapapatawad."
Tuluyan na akong umalis sa harapan niya at umakyat sa kwarto ko. Nakasalubong ko naman si Jashem na pababa.

End of My Father's Son | A KENTIN AU Chapter 8. Continue reading Chapter 9 or return to My Father's Son | A KENTIN AU book page.